2. Ang ekilibriyong presyo ay nakakamit sa pamamagitan ng interaksiyon ng konsyumer
at prodyuser. Ngunit may pag kakataon na ang presyo ay itinatakda ng pamahalaan
upang protektahan ang mga konsyumer o prodyuser.
A. Price Control- Ang Republic Act 7581 na kilala sa tawag na Price
Control Act ay ipinatupad upang maisagawa ng pamahalaan ang
pagkontrol sa presyo ng mga bilihin. Ang National Price
Coordinating Council ay nabuo sa tulong ng Price Control Act. Ito
ay may layunin at gawaing imonitor at mabantayan ang presyo
ng mga produkto pagkatapos magpalabas ng price ceiling ang
pamahalaan. Ang price ceiling ay ang pinakamataas ng presyong
itinakda ng pamahalaan upang ipagbili ang mga produkto. Ito ay
naaayon sa pagpapatupad ng price control ng pamahalaan.
Ipinapatupad ang price control kapag nahaharap sa matinding
krisis at kalamidad ang maraming lalawigan sa bansa.
3. B. Price Support- Hindi lamang ang mga konsyumer ang dapat
bigyan ng tulong at proteksyion ng pamahalaan, kundi maging
ang mga maliliit na magsasaka at mangingisda. Itinatakda ng
pamahalaan ang floor price, ito ang pinakamababang presyo na
maaaring bilhin ang isang produkto. Ang graph ay nagpapakita
ng epekto ng pagpapatupad ng price support. Ang surplus ay
ang labis na supply ng produkto sa pamilihan. An pagpapatupad
ng price support ay nakaaapekto sa naitakdang ekilibriyo sa
pamilihan.
5. Ang Input at Output- Ang relasyon ng input at output ay
inilalarawan ng production function. Ang input ay ang mga
bagay na ginagamit sa pagbuo ng mga produkto, tulad ng mga
makinarya, mga lupain at pagawaan, hilaw na
materyales, kasanayan, at serbisyo ng mga manggagawa ng
ginagamit sa prduksiyon. Ang output ay ang nagbuong produkto
mula sa paggamit ng iba’t ibang bagay at ito ang bunga ng
paggamit ng mga salik na produksiyon. Ang input ay inuuri
bilang fixed input at variable input. Ang fixed input (FI)ay
tumutukoy sa mga salik ng produksiyon na hindi nagbabago o
hindi kayang baguhin sa ikli ng panahon na ginagamit sa
pagpoprodyus. Ang variable input (VI) ay mga bagay na
magbabago o madaling baguhin. Sa long run market period, ang
mga input na ginagamit ay variable input, sapagkat lahat ng salik
ng produksiyon ay nagbago bunga ng pagkakaroon ng mahaba
ng panahon sa paglikha ng prdukto.
6. Law of Diminishing Marginal Returns- Sa isang short run market
period nagaganap ang prinsipyong ito na ipinapakita ang epekto
ng patuloy na paglaki ng paggamit ng isang variable
input, samantalang ang ibang salik ay hindi nagbabago. Ang fixed
input (FI) ay ang lugar na ginagamit sa paglikha ng pandesal ay
hindi nagbabago ang laki kahit sa anong lebel ng produksiyon.
Ang variable input (VI) na kinakatawan ng mga bilang ng mga
manggagawa ay nadaragdagan sa bawat lebel ng produksiyon.
Ang total product (TP) na nabuo sa paggamit ng mga salik na
nagbabago at di-nagbabago. Ang marginal product (MP) ay ang
karagdagang produksiyon ng bawat idinaragdag na manggagawa.
7. Mga Gastusin sa Produksiyon
May iba’t ibang gastusin na isinasaalangalang sa paglikha ng mga
produkto.
1. Production Costs- Ito ang kabayaran sa mga salik ng
produksiyon, tulad ng sahod ng mga manggagawa at interes sa
kapital. Ito ang gastusin sa bawat salik ng produksiyon na may
katumbas na bayad.
a. Total Fixed Cost (TFC)- Ito ang mga gastusin sa pagbabayad ng
mga salik na hindi nagbabago. Ang gastusing ito ay hindi
nagbabago, kahit anong dami ng produksiyon, tulad ng upa sa
mga pagawaan, gusali, at lupa na ginagamit sa produksiyon at
negosyo.
b. Total Variable Cost (TVC)- Ito ang nagbabagong gastusin na
umaayon sa lebel ng produksiyon o sa anumang dami ng
produksiyon. Ito ang gastusin na maaaring magbago ng isang
negosyante, tulad ng elektrisidad, tubig at buwis, sahod sa hindi
regular o permanenteng manggagawa at iba pa.
8. c. Total Cost (TC)- Ito ang kabuuang gastusin sa paglikha ng mga
produkto o serbisyo. Ang pagtaas ng total cost ay depende sa
pagtaas ng TVC. Ang gastusing ito ay nakukuha kapag pinagsama
ang total fixed cost at total variable cost.
d. Average Fixed Cost (AFC)- Ito ang hindi nagbabagong gastusin sa
bawat produkto na nababatay sa total fixed cost na mayroon sa
prduksiyon. Dito nalalaman kung magkano ang fixed cost ng
bawat produkto.
e. Average Variable Cost (AVC)- Ito ang gastusin ng bawat produkto
na nagbabayo ayon sa lebel ng produksiyon. Ang gastusin ng
bawat produkto ay nakadepende sa total variable cost.
f. Average Total Cost (ATC)- Ito ay kabuuang gastusin sa bawat
prdukto kapag pinagsama ang average fixed cost at average
variable cost. Ito ang paghahati ng kabuuang gastusin sa dami
ng produkto.
9. g. Marginal Cost (MC)- Ito ang gastusin sa bawat karagdagang
produkto na gagawin. Dito malalaman kung magkano ang gastos
sa bawat produkto na naidagdag. Sapamamagitan nito ay
naitatakda ang presyo ng bawat produkto.
Mga paraan sa pagkuha ng sumusunod:
Total Fixed Cost (TFC) = TC – TVC
Total Variable Cost (TVC) = TC – TFC
Total Cost (TC) = TFC +TVC
Average Fixed Cost (AFC) = TFC ÷ TP
Average Variable Cost (AVC) = TC ÷ TP
Average Total Cost (ATC) = TC ÷ TP
Marginal Cost (MC) = TC ÷ TP
10. 2. Ibang Gastusin sa Negosyo
a. Explict Cost- Ito ay tumutukoy sa mga gastusin na may kinalaman
sa mga kabayaran na tinatanggap ng mga may-ari ng salik ng
produksiyon na hindi may-ari ng negosyo.
b. Implicit Cost- Ito ang mga gastusin na may kaugnayan sa
kabayarang tinatanggap mismo ng may-ari ng negosyo. Ang
ganitong uri ng gastusin ay kinukuwenta upang malaman ang
tunay na kinikita ng negosyo.
c. Opportunity Cost- Sa pagpasok sa negosyo ay may mga bagay na
isinasakripisyo upang magamit sa kasalukuyang
pangangailangan. Sa pagsasakripisyo ng isang salik ay may
ipinagpalibang halaga na dapat kitain kung hindi
ipinagpapaliban ang paggamit sa naturang salik.
11. Kabanata 11 Mga Estruktura ng
Pamilihan
Aralin 22
Isang Sulyap sa Ganap na Kompetisyon
12. Ang pamilihan ay nauuri sa ganap na kompetisyon at di-ganap na kompetisyon. Ang
pag-uuri ng pamilihan ay naaayon sa dami ng mamimili at nagbebenta, pagtatakda ng
presyo, uri ng mga produkto, at ang kalayaan sa pagpasok at paglabas sa pamilihan.
Ganap na Kompetisyon- Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na
kompetisyon kapag ang sinumang negosyante ay walang
kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. Ito
ay nagtataglay ng sumusunod na katangian:
1. Magkakapareho ang Produkto- Ang mga produkto sa loob ng
pamilihan na may ganap na kompetisyon ay magkakatulad
(homogenous) tulad ng mga produkto ba madalas na nakikita
sa palengke.
2. Malaya sa Paglabas at Pagpasok sa Industriya- Ang sinumang
negosyante ay may kalayaang makapamili ng mga produkto na
nais niyang ibenta. Karamihan sa kanila ay mga maliliit na
negosyante lamang, kaya madali para sa kanila ang lumabas sa
industriya o magsara, kung saan hindi sila nagkaroon ng kita.
13. 3. Marami ang Mamimili at Nagbibili ng Produkto- Ang
pagkakaroon ng napakaraming mamimili at nagtitinda ng
produkto ang isang dahilan ng kawalan ng puwersa o
kapangyarihan na magtakda ng presyo.
4. Sapat na Kaalaman at Impormasyon- Ang bawat negosyante at
mamimili ay dapat na may ganap na kaalaman sa nangyayari sa
pamilihan. Kung ikaw ay isang mamimili, makabubuting
malaman mo ang prestong umiiral sa kasalukuyan upang
maisaayos ang pagbabadyet ng iyong kita, mabili ang
pinakamainam na produkto mula sa pinakamurang tindahan at
matamo ang kasiyahan.
5. Malayang paggalaw ng mga Salik ng Produksiyon- Upang
maging ganap ang kompetisyon, dapat walang sinumang
negosyante ang nakakakontrol sa paggalaw ng mga salik ng
produksiyon.
14. Pagtakda ng Presyo at Lebel ng Produksiyon sa Ganap na Kompetisyon
Ang presyo ng produkto ay naaayon sa mekanismo ng bilihan na
may maraming mamimili at nagbibili. Walang kumokontrol at
walang sinuman ang may sapat na puwersa upang itakda ang
presyo. Makikita sa talahanayan na ang presyo ng produkto ay
hindi nagbabago kahit gaano karami ang produkto na ipagbibili.
Ang mga tindera ay sumusunod lang sa itinakdang presyo sa
pamilihan.Kapag ang dami ng produkto (Q) ay iminultiplay sa
presyo ng produkto ay makukuha ang total revenue (TR) o
kabuuang benta.
15. Sa pag-alam ng lebel ng produksiyon na magbibigay ng
pinakamalaking tubo sa isang negosyante, ginagamit ang
dalawang pamamaraan. Ito ay ang:
1. Total Revenue (TR) – Total Cost (TC), ang pagbawas sa kabuuang
benta ng kabuuang gastos ay magreresulta ng pagkuha ng tubo.
Bawat negosyante sa ganap na kompetisyon ay naghahangad na
matamo ang pinakamalaking tubo sa anumang lebel ng
prduksiyon.
2. Marginal Revenue (MR) – Marginal Cost (MC), ang paraang ito
ang nagpapaliwang na anumang karagdagang benta ay
katumbas ng karagdagang gastos ng negosyante na siyang
pinakamainam na lebel ng produksiyon na tinawag optimim
level. Sapagkat ang lebel na kung saan ang MR = MC ay
napupunuan ng benta ang gastusin sa produksiyon bukod sa
pagkakaroon ng malaking tubo. Ang ganitong kalagayan ay
nakakaganyak sa mga prodyuser na magbenta ng mga
produkto.