2. Ang Implasyon ay bahagi na ng buhay ng tao sa
araw-araw. Madalas na sinisisi ang pamahalaan
sa pagkakaroon ng Implasyon.
Ang pagtaas ng presyo ay hindi lamang
kasalanan ng pamahalaan, bagkus lahat tayo
bilang mga mamamayan ay may kasalanan sa
patuloy na pagtaas ng presyo.
Sinasabing ang implasyon ay tanda rin ng pag-
unlad ng isang ekonomiya, lalo na kung
nababalanse nito ang ibang aspeto o salik ng
pag-unlad ng bansa.
3. Import dependable
Gastos ng militar
middlemen
Labis na salapi sa
Monopoly
sirkulasyon
At kartel
IMPLASYON
Oil deregulation
Gastos
pamproduksiyon
Utang panlabas
Export orientation
4. Kapansin-pansin sa inilahad na mga dahilan
ng implasyon na ang mga konsyumer at
prodyuser ay may kinalaman sa pagtaas ng
presyo ng mga bilihin. Ang bawat indibidwal
ay apektado ng implasyon.
5. Ang implasyon ay masasabi na may
kabutihan at di-kabutihang naidudulot sa
mga tao at ekonomiya.
6. Kapag ang dahilan ng implasyon ay ang
pagtaas ng demand, ang mga negosyante ay
nahihikayat na pataasin at pagbutihin ang
produksiyon bunga ng pagkakaroon ng
mataas na presyo ng mga produkto. Dahil
ang mataas na presyo ay isang insentibo sa
mga negosyante.
Tingnan natin ang paikot na daloy na
nagpapakita ng epekto ng implasyon.
7. MATAAS NA
PRESYO
MATAAS NA MARAMING
PASAHOD NEGOSYO
MARAMING
MANGGAGAWA
8. Ang pagkakaroon ng mataas na presyo ng
mga produkto ay nakagaganyak sa mga
negosyante na magtayo ng maraming
negosyo. Ang pagtatayo ng maraming
negosyo ay isang palatandaan na
mangangailangan na maraming
manggagawa, lalo na kung ang negosyong
itatayo ay nakasentro sa labor intensive
industries.
9. Ito ay malaking tulong upang mabawasan
ang antas ng unemployment sa bansa.
Kaalinsabay ng pagtatayo ng maraming
negosyo ay kailangan matugunan ang pag-
unlad ng mga negosyo at mapagkalooban ng
mataas na sahod ang mga manggagawa.
Kahit may implasyon, may mga tao na
nakikinabang sa sitwasyon tulad ng:
10. Karaniwang mga negosyante na nasa real
estate business at buy-and-sell, ang mga
mahilig bumili ng mga produkto na mabilis
tumaas ang presyo tulad ng lupa, mga
mamahaling alahas, mamahaling sasakyan,
at iba pa ang nakikinabang kapag may
implasyon. Bibilhin sa mababang presyo at
ibebenta ng mas mahal para tumubo.
11. Kapag ang interes ng inutang ay mas mababa
kaysa sa antas ng implasyon sa loob ng isang
takdang panahon, ang mga mangungutang
ay higit na nakikinabang sapagkat nabili na
ang gustong produkto sa mas mababang
presyo at magbabayad ng utang sa
mababang halaga.
12. Ang mga entreprenyur, negosyante, empleyado
na ang kita ay commission basis, salesman,
kapitalista, at iba pa ay ang mga taong ang
kinikita ay umaagapay sa pagbabago ng presyo
ay nakikinabang din sa implasyon. May
pagkakataon na mabilis magbago ang kanilang
kita tulad ng pagbabago ng presyo. Madalas,
mas mabilis ang paglaki ng kanilang kita kaysa
sa pagtaas ng antas ng implasyon, kaya sila ay
nakikinabang sa panahon na may pagtaas ng
presyo ng mga produkto.
13. Ang implasyon ay suliraning pang-ekonomiya
na patuloy na nararanasan ng bansa. Ang
paglutas o pagbawas ng epekto ng implasyon
ay gampanin ng bawat isa sa atin, maging
ikaw ay manggagawa, negosyante, at mag-
aaral. Hindi lamang ang pamahalaan ang may
pananagutan upang solusyunan ang
lumalalang problema ng implasyon.