ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
Filipino Panitikan (Module 2 Aralin 2.1-2.5)
1. Tanka Tulang mula Hapon na binubuo ng 31 na pantig.
Pabula Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan.
Manonood Elemento ng dula ang sumasaksi sa pagtatanghal nito
Direktor Siya ang nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip ng dula,
Ama ng maikling kwento : Edgar Allan Poe,
Ama ng sinaunang pabula: Aesop
20. Ano ang ikinaiba ng dula sa ibang genre ng panitikan?
A. Ito ay binibigkas nang maindayog.
B. Ito ay itinatanghal.
C. Ito ay masining na isinasalaysay.
D. Ito ay mayaman sa supernatural na pangyayari.
21. Ano ang kadalasang ipinapakita sa isang dula?
A. Kabayanihan ng mga tauhan
B. Pinagmulan ng isang bagay
C. Nagaganap sa buhay ng tao
D. Kagandahan ng kapaligiran
24. Mayaman ang batang binusog ng pabula. Ano ang nais ipahiwatig nito?
A. Matalino ang bata sapagkat nagbabasa ng pabula.
B. Mayaman ang bata sa kaalaman tungkol sa mga hayop.
C. Matalino at may mabuting asal ang batang natuto sa mga pabula.
D. Maraming maibabahagi sa iba ang batang maraming nabasang kuwento.
25. Ano ang ibig sabihin ng paglagas ng Cherry Blossoms sa mga Tanka ng Hapon.
A. paglipas ng panahon C. Mainit na ang panahon.
B. Malapit na ang taglamig. D. Nalanta na ang Cherry Blossoms
27. Paano naiiba ang tanaga sa Pilipinas at Tanka ng Japan?
A. May tugma sa tanaga sa Tanka ay wala.
B. Mas mahaba ang Tanka kaysa sa tanaga.
C. Malalim ang kahulugan ng Tanka, ang tanaga’y mababaw
D. Ang paksa ng tanaga ay tungkol sa pag-ibig, ang Tanka ay sa panahon
MGA BANSA
JAPAN- Bihasa Sa Teknolohiya/The Land of the Rising Sun/ Lupang Sinisikatan ng Araw
SOUTH KOREA- May Matatag Na Hukbong Militar/ Morning Freshness
CHINA- Mayaman Sa Kultura At Kaugalian / The Red Dragon of the East/ The Sleeping Giant
TAIWAN- Kinikilala Ang Karapatan Ng Kababaihan/
MONGOLIA- Sanay Sa Malayang Pamumuhay/ The Land of the Blue Sky
MYANMAR- The Golden Land of Burma
PAUNANG PAGTATAYA (87-94)
2. ARALIN 2.1
A. Panitikan: Tanka ni Ki no Tomonori at Haiku ni Bashō ( Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat )
- Hapon
- Tanka at Haiku
PAGKAKATULAD
Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Sa mga tulang ito layong
pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
- parehong anyo ng tula
- parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang Tanka at Haiku.
PAGKAKAIBA
Tanka
- ginawa noong ikawalong siglo
- ang pinakaunang Tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection of Ten
Thousand Leaves.
- Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na Tanka.
- Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5 / 5-7-5-7-7
- Karaniwang paksa ng Tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa.
- Tatlo sa mga taludtod ay may tig-7 bilang ng pantig samantalang tig-5 pantig naman ang dalawang taludtod.
- Nagiging daan ang Tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae).
- Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang Tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman
ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang Tanka.
Haiku
- ginawa noong ika-15 siglo.
- ikalima hanggang ikawalo siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat
sa Tsina upang ilarawan ang tunog ng Hapon: Kana - “ hiram na mga pangalan”
- bagong anyo ng tula
- panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang Haiku
- binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan.
- pinakamahalaga ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto
- Kiru: cutting / kahawig ng sesura sa ating panulaan
- Kireji: salitang paghihintuan o “cutting word”.
- Kawazu: “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol
- Shigure; “ unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”
- mas pinaikli pa sa Tanka
- labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtod
- 5-7-5 /5-5-7/ 7-5-5
- tungkol sa kalikasan at pag-ibig
3. ARALIN 2.2
A. Panitikan: Ang Hatol ng Kuneho Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
- Korea
- Pabula
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea
Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga
ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang
ginampanan ng mga hayop sa kanilang mitolohiya at kuwentong bayan . Ayon sa kanilang paniniwala,
noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang
kanilang diyos na si Hwanin ( diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging
tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob
na pagnanasang maging tao ay sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw
ay agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso. Pagkalipas ng 100 araw ay
may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at
kinausap muli si Hwanin . Nagpasalamat siya sa diyos at muling humiling na sana ay magkaroon siya ng
anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung ( anak ng diyos ng kalangitan) at
ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari.
Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty sa Korea.
Ano ang pabula?
-sinaunang panitikan sa daigdig
- Aesop: “Ama ng mga Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable
- isang maikling kuwentong kathang-isip lamang.
- ang mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop
- ahas: TAKSIL
- pagong; MAKUPAD
- kalabaw; MATIYAGA
- palaka: MAYABANG
- unggoy: TUSO
- aso: MATAPAT
- bubuyog: MAPAGLARONG MANLILIGAW
ARALIN 2.3
Panitikan : Ang Kababaihan ng Taiwan : Ngayon at Noong Nakalipas na 50 taon
(Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina)
- Taiwan
- Sanaysay
SANAYSAY
-Ang sanaysay ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa
- Ito ay isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa
anumang isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, pook, pangyayari, bagay, at guniguni.
- Alejandro Abadilla: ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay
- Mananaysay: manunulat ng sanaysay
- Alejandro Abadilla: Ama ng Makabagong Tula
4. ARALIN 2.4
A. Panitikan: Niyebeng Itim (Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra)
Maikling Kuwento – Tsina ni Liu Heng
Kilala ang mga Tsino sa pagpapahalaga sa kanilang pamilya. Makikita sa mga nakakaangat na
pamilya ang pagsasama-sama sa iisang bubong hanggang sa ikalimang henerasyon. Higit din nilang
pinapahalagahan ang anak na lalaki kaysa sa babae dahil ang lalaki ang magdadala ng apelyido ng
pamilya. Lalaki rin ang inaasahang magtatrabaho para sa pamilya at ang babae naman ang
mangangalaga sa tahanan.
Kwentong makabanghay
-binibigyang-diin ng sumulat ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o ang madulang
pangyayari
- Sa kuwento naman ng tauhan, nakapokus ang mga pangyayari sa tauhan upang mabigyan ng
kabuuang pag-unawa ang mga mambabasa tungkol sa kanila.
- tagpuan: ang pook/lugar na pinangyarihan ng kwento. Karaniwan ay maraming paglalarawan tungkol sa
pook - hindi lamang pisikal kundi pati na rin ang mga pangkalahatang pag-uugali ng mga tao roon, ang
kanilang mga kilos/gawi, mga paniniwala, pamahiin, at pananaw sa buhay.
ARALIN 2.5
A. Panitikan: Munting Pagsinta
Dula – Mongolia
Mula sa Pelikula ni Sergei Bordrov
Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora
ELEMENTO NG DULA AY
1. Iskrip
Pinakakaluluwa ng isang dula
Lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip
Walang dula kapag walang iskrip
2. Gumaganap o Aktor
Ang mga aktor o gumaganap ay ang nagsasabuhay sa mga tauhang nasa iskrip
Sila ang bumibigkas ng diyalogo
Sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin
ila ang pinanonood na tauhan sa dula
3. Tanghalan
Anumang pook na pinagpasyahang pagdausan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan
4. Direktor
Ang direktor ang namamahla at nagpapakahulugan sa isang iskrip ng dula
Siya ang nag-iinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa kaayusan ng tagpuan, ng kasuotan ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan
5. Manonood
Sa kanila inilalaan ang isang dula
Sila ang sumasaksi sa pagtatanghal ng mga aktor
5. KULTURA NG BANSANG
PINAGMULAN
PANITIKAN KULTURA SA PILIPINAS
Kahit na makabago ang paraan ng
pamumuhay, napapanatili pa rin ang
mga nakaugaliang tradisyon kagaya ng
pagsamba sa mga diyos sa templo.
Haiku at Tanka Makabago rin ang paraan ng kanilang
pamumuhay ngunit napapanatili pa rin ang
kaugaliang tradisyon kagaya ng pagsamba
ng mga santo.
Ang mga hayop sa Korea ay may
mahalagang ginagampanan sa kanilang
mitolohiya at kuwentong bayan. Dahil
ayon sa kanila ang mga hayop ay hindi
lamang nilikhang gumagala sa
kapatagan at kabundukan, kundi sila rin
ay nagsisilbing simbolong ugnayan sa
bansa at sa mga mamayan.
Pabula Ang Pilipinas naman ay naniniwala sa mga
masalamangkang nilalang sa kalikasan
kung saan pinaniniwalaan ng mga Pilipino
na ang mga ito ang siyang nangangalaga
sa kalikasan. Ang kulturang ito ay buhay
pa sa probinsya kung kaya’t marami pa rin
ang sumasamba sa mga anito’t diwata sa
mga panahon ngayon.
Hindi nakakatanggap ng pantay na
karapatan ang mga kababaihan.
Sanaysay Pantay ang karapatang natatanggap ng
kababaihan at nirerespeto rin sila.
Lalaki ang nagtatrabaho at babae ang
nasa bahay na siyang nagbabantay sa
mga anak.
Maikling Kwento May kahawig ang dalawa ngunit kalimita’y
pareho ang babae at lalaki ang
nagtatrabaho.
Paghahanap ng babaeng
mapapangasawa sa murang edad
Dula Karaniwan sa tamang edad naghahanap
ng babaeng mapapangasawa ang mga
lalaki.
MGA ARAL SA KWENTONG “ANG HATOL NG KUNEHO” (KOREA)
Mga Tauhan
Tama ba ang naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at lalaki? Bakit?
Sa aming palagay, tama ang naging hatol ng kuneho. Dahil unang una, nag-iwan ng salita ang tigre na dapat
lamang na kanyang tuparin. (Hindi naman talaga dapat siya tutulungan ng lalaki dahil natatakot siya na makain
nito, ngunit nangibabaw ang awa niya kaysa sa takot. At sinabi ng tigre na tatanawin niya yun bilang isang
malaking utang na loob at hinding hindi niya ito kakainin kung sakaling tutulungan siya nito.)
Kaya tama lamang na bumalik siya sa pagkakahulog sa balon upang malaman niya ang kahalagahan ng
pagtupad sa usapan. Na kailangan niyang panagutan ang bawat salitang sinasabi niya.
Gaya nga sa paaralan, kapag nagtakda ka ng oras na 9 ng umaga, 9 ng umaga ka darating kasi kung hindi, sa
susunod na magtakda ka ng oras, hindi na sila susunod kasi alam na nilang di ka tutupad. Kagaya ng nangyari
sa tigre at ang lalaki.
Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon gagawin mo rin ba ang ginawa ng kuneho? Ipaliwanag.
Oo naman. Dahil gaya nga ng nasabi namin sa unang katanungan, upang matuto siyang panagutan ang
kanyang mga salita at upang maranasan niya uli ung hirap ng pagmamakaawa.
Gaya ng ginawa ng lalake na halos lumuhod na para lang di siya makain ng tigre. Habang kung babalikan ang
posisyon na nasa balon pa lamang ang tigre, tinupad naman ng lalake ang pagtulong niya sa tigre habang siya
ay hindi. Kaya't gagawin ko rin ang hatol ng kuneho sapagkat tama naman ito.
Magbigay ng isang kasabihang maaaring mahalaw sa pabulang nabasa. Ipaliwanag.
"Huwag kang magtiwala sa di mo kakilala". Isang kasabihan na maaring maipasok sa pabula. Hindi dapat
kaagad pinagkatiwalaan ng lalake ang tigre sapagkat hindi pa naman niya ito lubhang kilala. Hindi naman niya
alam kung tapat ba ito o manloloko kaya't dapat di niya ito pinagkatiwalaan. Kaya't nasa huli nga talaga ang
pagsisisi, pinili niyang paniwalaan ang tigre kaya't siya tuloy ang napurwisyo.
6. Sa iyong palagay, kung nakapagsasalitang muli ang mga nilalang sa kalikasan natin ngayon, ano kaya
ang kanilang hatol sa ating mga tao? Bakit?
Sa aming palagay, kung nakapagsasalita muli ang mga nilalang sa kalikasan natin ngayon ang kanilang
magiging hatol sa atin ay nanaisin nilang maparusahan tayong mga tao sapagkat, aminin man natin o hindi,
naging abuso tayo sa paggamit ng kalikasan, maging sa pagtrato natin sa mga hayop. Nagiging makasarili
tayo dahil iniisip lamang natin ay ang ating kapakanan. Hindi natin sila pinapangalagaan at patuloy lamang
sinisira at pinapatay, kung kaya't makakapagsalita sila ngayon ay marahil mga masasakit na salita ang
kanilang maiibibitiw sa atin sapagkat imbis na payabungin natin ang kalikasan at ang mga hayop ay pinapatay
lamang natin ang mga ito at kung darating ang takdang panahon kung sila man ay tuluyang masira, babalik
satin ang lahat ng ito at ating pagbabayaran.
Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?
Mahalagang pag aralan ang pabula dahil ang pabula ay naglalahad ng iba’t ibang paguugali ng mga hayop na
maihahambing natin sa mga tao. Ito rin ay tumutulong upang mapalago ang isipan ng mga tao dahil sa mga
aral na nakapaloob ito. Dahil din dito, nalalaman natin kung anu-anong mga kultura ang meron sa lugar na
pinanggalingan ng pabula. At syempre kailangan natin ito pag-aralan upang maisalin pa natin ito sa darating
pang henerasyon.
Ang Hatol ng Kuneho
Bilang kabataan na pag-asa ng bayan, ano ang maimumungkahi mo upang maiwasan ang pang-aabuso sa
sumusunod:
a. Hayop
Mahihinuha mo ba sa pabulang ito ang kultura at kaugalian ng mga taga –Korea?
Oo maaring mahinuha ang kultura at kaugalian ng mga taga-Korea sa nasabing pabula. Dahil ayon sa librong
“Panitikang Asyano” ang mga hayop ay mahalaga ang ginagampanan sa kanilang mitolohiya at kuwentong
bayan. Dahil ayon sa kanila ang mga hayop ay hindi lamang nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan,
kundi sila rin ay nagsisilbing simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamayan.
Isinalin sa Filipino ni: Vilma C. Ambat
Buod ng
"Ang Hatol ng Kuneho"
Noong unang panahon, ang mga hayop ay nagsasalita at nakakapagpapahiwatig ng kani- kanilang saloobin,
may isang tigreng naligaw sa gubat upang maghanap ng pagkain. Habang naglilibot ay di sinsadyang nahulog
siya sa isang malalim na hukay. Sigaw ng sigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanggang sa may narinig
siyang yabag ng isang tao. Nagulat at natakot ang tao dahil baka siya’y kainin ng tigre. Ngunit nakiusap ang
tigre at tinulungan naman siya ng tao. Nangako ang tigre na hindi niya ito sasaktan. Ngunit hindi naman niya
ito natupad dahil sa oras na umahon ang tigre mula sa hukay ay agad nitong pinaiuktan ang tao. Bago pa man
tuluyang kainin ng tigre ang tao ay pinigilan niya ito upang makahingi ng payo sa ibang mga nilalang sa paligid
kung karapat – dapat ba siyang kainin ng tigre o hindi. Nagbigay ng opinyon ang puno ng Pino at ang baka na
parehas sang –ayon sa pagkain ng tigre sa tao. Ngunit, biglang dumating ang lumulukso-luksong kuneho.
Hiningan nila ito ng hatol at sa huli’y pinabalik ng kuneho sa dating posisiyon ng tigre at tao. Agad namang
tumalon ang tigre sa hukay ng hindi nag-iisip kaya sa huli’y naging ligtas ang tao at nagpatuloy sa kanyang
paglalakay at masaya namang lumukso paalis ang kuneho.
Ano ang Pabula?
Ito ay isang maikling kuwentong kathang isip lamang na karaniwang isinasalaysay sa mga kabataan para
aliwin gayundin ang magbigay ng pangaral. Pawang mga hayop ang tauhan dito na kumakatawan o
sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali ng tao.
Itinuturo nito ang tama, patas, makatarungan at makataong ugali at pakikitungo sa ating kapawa.
Lumalaganap ito dahil sa magandang aral sa buhay na ibinibigay nito.
b. Kalikasan
Upang maiwasan ang pang-aabuso sa mga hayop, unang una dapat alamin natin ang ating mga limitasyon.
Dahil ang lahat nga ng bagay ay may limitasyon. Limitasyon sa pagkakatay, pagpapakain, pag-aalaga atbp.
Pangalawa, Dapat natin silang alagaan ng may pag-iingat, tratuhin natin silang mga tao na may
nararamdaman din.
7. Gaya ng naunang sagot, kailangan alamin pa rin natin ang ating mga limitasyon. Dahil ito ang unang unang
sanhi kung bakit naaabuso ang kahit ano. Kailangan natin isaisip na kung di natin pangangalagaan ang ating
kalikasan ay darating ang araw na baka mawala ang mga ito. Tigilan natin ang pagkakaingin, pagsusunod ng
plastik, pagpuputol ng puno, pagkakalat at marami pang iba. Dahil alam naman natin na nakasasama ito sa
ating kalikasan. Pwede namang magputol ng puno ngunit kailangan ito palitan. Matuto tayong magrecycle ng
mga gamit upang hindi tayo kuha ng kuha sa ating kalikasan.