1. Mga Huling Araw ni Rizal Hanggang
Kamatayan (part 1)
Neil Tagle
1-7
2. Mula Dapitan Papuntang Maynila
– Hulyo 31, 1896 (hatinggabi): Barkong Espanya
– Agosto 1, 1896 (madaling-araw): Dumaong sa
Dumaguete, Negros oriental
o “Ang Dumaguete nakalatag sa dalampasigan. Malaki ang bahay dito, ang ilan ay may
bubong na yero. Pinakamaganda ang bahay ng isang babae – na ang ngalan ay
nakalimutan ko na – na inokupa ng pamahalaan at isa pang katatayo lamang at may
haliging ipil.”
o Binisita ang ilang kaibigan at dating kaklase
Herrero Regidor: huwes ng lalawigan
Pamilyang Periquet at Rufuna
Inoperahan isang kapitang Espanyol ng
Guardias Civiles
o Umalis ng hapon papuntang Cebu
3. • Cebu (sunod na umaga)
– Nabighani sa kagandahan ng Cebu
– Bahay ni Mateos (abogado): nakita ang
matandang mag-asawang nakilala sa Madrid
– Nasulat sa talaarawan: “dalawang operasyon ng
strabotomiya ang ginawa ko, isang operasyon sa
tainga, at isa sa isang tumor.”
– Umalis kinaumagahan papuntang Iloilo
4. • Iloilo
– “Mainam ang biyahe papunta”
– Napuna sa kanyang gawing kanan ang Mactan, ang
islang kinasapitan ni Magellan
– Namili sa lungsod
– Simbahan ng Molo : « ..maganda kahit sa labas pa
lamang, ang loob ay di rin kapangitan, lalo pa ito’y
pinintahan lamang ng isang binatilyo. »
• Ang mga larawan ay kopya ng mga eksenang iginuhit ni
Gustave Dore(Pranses)
– Mula Iloilo, pumalaot papuntang Capiz tapos tumuloy
sa Maynila sa pamamagitan ng pagdaan sa Romblon
• Biyahe papuntang Maynila ay inabot ng 6 na araw
5. Hindi naabutan ni Rizal ang Barkong
Pa-Espanya
– Dumating sa Maynila umaga ng Agosto 6, 1896
– Barkong Isla de Luzon :bumyahe ng 5pm ng
nakaraang araw
– Sumulat kay Blumentritt ukol dito
– Nilipat si Rizal sa Barkong Espanyol na Castilla
(Agosto 6 – Setyembre 2, 1896)
o Utos ni Gobernador Heneral Ramon Blanco
o Kapitan Enrique Santalo
Magandang akomodasyon : di siya isang preso
kundi isang panauhin
6. Ang Pagsiklab ng Rebolusyong
Pilipino
– Agosto 19, 1896 : natuklasan ni Padre Mariano
Gil, kurang Agustino ng tondo, ang plano ng
mga Katipunero
– Agosto 26, 1896 : Sigaw ng Balintawak na
pinamunuan ni Bonifacio
7. – Agosto 30, 1896 : Labanan sa San Juan sa
pamumuno ni Bonifacio at Jacinto
– Noong Hapon, idineklara ni Gobernador Heneral
Blanco na nasa estado ng giyera ang walong
lalawigang nag-alsa sa Espanya (Maynila, Bulacan,
Cavite, Batangas, Laguna, Pampanga, Nueva Ecija,
Tarlac)
– Nabasa ni Rizal sa pahayagan ang mga pangyayari
at nangamba siya dahil
o Naniniwala siyang hindi pa handa ang bayan sa isang
madugong rebolusyon
o magdudulot lamang ito ng labis na pagdurusa,
pagbubuwis ng buhay at pagkasira ng mga pag-aari
o Magiging sanhi ito ng paghihiganti ng mga Espanyol sa
lahat ng mga makabayang Pilipino
8. Paglisan Papuntang Espanya
– Agosto 30 : nakatanggap si Rizal ng dalawang
sulat mula kay Gob. Heneral Blanco
o Sulat ng pagpapakilala para sa
Ministro ng Digmaan: Hen. Marcelo de Azcarraga, at
sa Ministro ng mga Kolonya
Nililinaw umano ang pangalan ni Rizal sa pagkadawit niya sa
nagaganap na rebolusyon
– Setyempre 2 : isang araw bago Gob. Hen. Ramon Blanco
umalis pa-Espanya
o Sinulatan ni Rizal ang kanyang ina
Sinasabing nasa mabuting kalusugan siya
Nag-aalala siya sa kanyang ina sa mga susunod na araw dahil
sa nangyayaring kaguluhan
Sana daw ay hindi magkasakit ang matanda na niyang ama
Nangakong susulat sa mga dadaungan ng barko
“ hindi lahat ng nagpupunta sa Cuba ay namamatay, at sa
bandang huli, ang lahat ay namamatay; kaya mabuti nang
mamatay na may ginagawang mabuti”
Humihingi ng basbas
9. o Lumipat sa barkong Isla de Panay na papuntang
Barcelona
– Setyembre 3:nagsimula ng huling paglalakbay
ni Rizal
o Kasama sa paglalakbay
Don Pedro Roxas (mayamang creole, industriyalista,
kaibigan)
Periquin (anak ni Don Roxas)
10. Si Rizal sa Singapore
– Setyembre 7 nakarating
o Unang narating noong 1882
o Namili at namasyal
o Napuna ang maraming pagbabago : mas maraming Tsinong
mangangalakal at kaunti ang mga Indian
– Pinayuhan ni Don Pedro na magpaiwan kasama niya at
ng kanyang anak para makinabang sa proteksyon ng
batas Ingles
o Sa pamumuno ni Don Manuel Camus maraming Pilipinong
residente ang naghikayat rin kay Rizal upang maligtas ang
kanyang buhay
• Hindi sumunod si Rizal alinsunod sa pangako niya kay
Gob. Hen. Ramon Blanco.
11. Biktima ng Panloloko ng mga
Espanyol
– Linggid sa kanyang kaalaman nagsabwatan
sina Gob. Hen. Blanco, at ang mga Ministro ng
Digmaan at mga Kolonya
o Malaking pagkakamali ang pagtiwala kay Blanco
o Akala niya’y kaibigan at may dignidad ito dahil
pinayagan siyang pumunta ng Espanya bilang
isang malayang tao para sa kanyang serbisyo sa
Cuba
• Mapanganib na Pilipino daw si Rizal na
responsible sa mga nagaganap na kaguluhan
12. Pag-aresto kay Rizal
– Setyembre 25, nang papaalis ng Daungan ng Said sa Kanal
Suez
o Napuna ni Rizal ang maraming sundalong Espanyol sa Isla de
Luzon
– Setyembre 27
o Naging bali-balita sa barko na may telegramang dumating galing
Maynila na nagsasaad ng pagbitay kina Franisco Roxas, Genato,
at Osorio
– Setyembre 28
o Isang pasahero ang nagbalita kay Rizal na iniutos ni Gob. Hen.
Blanco ang pag-aresto sa kanya
Ipakukulong daw siya sa Ceuta (Espanyol na Morocco), sa kabila ng
Gibraltar
Noon lamang niya napagtanto ang paglolokong nagawa sa kanya
o Sumulat kay Blumentritt
Ibinalita ang sinabi ng pasahero
Hindi makapaniwala sa panlilinlang at kawalan ng katarungan mula sa
opisyal ng militar, ito’y nararapat lamang sa pinakamababang bandido
Nagreklamo na ang kanyang serbisyo at sakripisyo ay sinuklian ng
pagkakulong
13. – Setyembre 29
o Wala pa naming opisyal na utos sa kanyang pagdakip
Sumulat si Rizal sa kanyang talaarawan na may mga tao na
wala ng maisip kundi siraan siya at gumawa ng mga
kakatwang kwento
– Setyembre 30
o Kinumpirma ni Kapitan Alemany ang tsismis
Doon lang daw siya sa kanyang kwarto mamamalagi habang
wala pang utos mula Maynila
Sinunod ito ni Rizal
o Gabi ng Setyembre 30
Dumaong ang barko sa Malta
Si Rizal ay nakapiit sa kwarto
Hindi niya nabisita ang mga kilalang islang-kuta ng mga
tagapagtaguyod ng Krusada ng Kristyano
Naisulat sa talaarawan : « Nakita ko mula sa maliit niyang
bintana ang magagandang tanawin ng kuta kasama na ang
mga nagtataasang kastilyo nitong may tatlong palapag.. na
lalong gumaganda dahil iniilawan ng mga lampara. »
14. Pagdating sa Barcelona bilang isang
Preso
– Oktubre 3
o Dumating sa Barcelona (30 araw)
o Ang tanod na ay ang Komander Militar ng
Barcelona: Hen. Eulogio Despujol
Nag-utos ng kanyang destiyero sa Dapitan noon 1892
o Sa kanyang pangalawang araw napuna niyang
ipinagdiriawang ang Pista ni San Francisco de
Assisi
Sinulat niya sa kanyang talaarawa na narining lamang
niya ang mga putok ng kanyon at ang konsiyerto
15. – Oktubre 6
o Dinala si Rizal sa kulungan sa Monjuich
o Pagdating ng hapon ay dinala sa tanggapan ni
Despujol
Inusisa ng 15 mins
Ipinabalik si Rizal sa Maynila
o Barkong Colon
16. Huling Pagbabalik-bayan ng Isang
Martir
– Araw-araw nagsulat sa talaarawan
– Maayos ang pagtrato kay Rizal
o Hindi kinadena
o Hindi nagtangkang tumakas
– Oktubre 8
o Nabalitaan niyang sinisisi siya sa rebolusyon sa
Pilipinas
Mula sa mga pahayag sa Madrid
o Biyaya ang makabalik sa Pilipinas (talaarawan)
Maituwid ang pangalan
17. Pagkompiska ng Talaarawan
– Oktubre 11
o Natural lamang na gusto malaman ng mga opisyal
ang mga sinusulat niya
Maaring nagplaplano na naman ng sedisyon
Walang ebidensyang magdidiin sa ibinibintang sa kanya
– Nobyembre 2
o Nasauli ang talaarawan
22 na araw natigil ang kanyang pagtatala
18. Nabigong Pagligtas sa Singapore
– Nakarating ang balita sa Europa at Singapore
o Dr. Antonio Ma. Regidor
Abogadong si Hugh Fort
habeas corpus: Illegal ang pagkakulong kay Rizal
o Punong Mahistrado: Loinel Cox
barkong pandigma ay hindi sakop ng Singapore
o Walang alam si Rizal sa mga pangyayari
19. Pagdating sa Maynila
– Nobyembre 3
o Dagdag puwersang militar at armas
o Rizal ay nilipat sa Fort Santiago
– Mga makabayang Pilipinong pinagmalupitan
o Deodato Arellano, Dr. Pio Valenzuela, Moises
Salvador, Jose Dizon, Domingo Franco, Timoteo
Paez, Pedro Serrano Laktaw, Paciano
Isangkot si Rizal
20. Paunang Imbestigasyon
– Nobyembre 20
o Huwes : Koronel Francisco Olive
o Rebelyon, Sedisyon, Conspiracy
Dokyumento
Testimonya (hindi pinaharap sa kanya)
21. – Nobyembre 26
o Kapitan Rafael Dominguez
o Don Nicolas dela Peña
1. Kaagad litisin
2. Kailangan ikulong
3. Pag-aaring Php1M bilang bayad pinsala
4. Ipagtanggol ng opisyal ng sandatahan; hindi abogado
Ten. Luis Taviel de Andrade (kapatid)