Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Heograpiya ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga hangganan, paniniwala, rehiyon at klima ng Asya.
1. Lesson 1: Heograpiya ng Asya
Asya – pinakamalaking at pinakamataas na populasyon na kontinente ng daigdig
Kontinente – pinakamalaking bahagi o masa ng lupa
Asu – “pagsikato pagliwanag”
Asis – “maputik”
Ang Asya ay sumasaklaw sa 30% ng kabuoang land area ng daigdig at8.7% ng kabuoang total surface area
ng daigdig. Tinatayang 44,579,000 kilometro kuwadrado ang sakop ng Asya
Ang kontinenteng Europa ay nakakabit o nakasama sa lupa ng Asya. Tinatawag din ito na Eurasia.
Asian Centric – paniniwala ng mga Asyano na ang Asya ang sentro ng daigdig
Mga Hangganan ng Asya:
Ural Mountains at Ural River – Hangganan ng Asya sa Kanluran (hangganan ng Asya sa Europa)
Arctic Ocean – Hangganan ng Asya sa Hilaga
Bering Strait – Hangganan ng Asya sa Hilagang Amerika
Bay of Bengal – Hangganan ng Asya sa Timog
Sea of Japan, Bering Sea at Pacific Ocean – Hangganan ng Asya sa Silangan
Klima ng Asya:
Klima – karaniwang kalagayan ng panahon o kondisyong ng atmospera sa isang partikular na rehiyon o
lugar sa loob ng mahabang panahon. Malaki ang bahaging ginagampanan ng klima sa bansa at sa mga
taong naninirahan dito.
Tropical Climate
Tropical Rainforest Mainit at basa sa buong taon; karaniwang matatagpuan sa malapit sa ekwador;
Umaabot sa 27˚C ang temperature; 203 centimetres ang average rainfall; may
makakapal na tropical rainforest; nararanasan sa Pilipinas, Malaysia, Singapore,
atbp.
Tropical Savanna Tuyo tuwing taglamig at basa tuwing tag-araw; mataas ang temperatura;
nararanasan sa Cambodia, Thailand, Myanmar, Hilagang bahagi ng Sri Lanka at
Timog India
Mid-Latitude Climate
Mediterranean Ito ay ang mga lugar na hawig sa panahon at vegetation na malapit sa dagat
Mediterranean. May katatamtamang maulan na taglamig at mainit na tag-araw
Humid Continental Klimang naaapektuhan ng kalupaan kaysa sa galaw ng hangin at presipitasyon;
nararanasan lamang sa Northern Hemisphere tulad ng Northeastern na bahagi
China, Hilagang bahagi ng South Korea at North Korea
2. High Latitude Climate
Sub-arctic May Mahaba at napakalamig na taglamig; lubhang limitado ang mga halaman;
nararanasan sa Hilagang bahagi ng Mongolia
Tundra Malamig sa buong taon; may malamig-lamig na tag-init; hangin ay mula sa rehiyong
polar at arctic; napakahaba ng taglamig; ang temperatura ay umaabotng -22˚C
hanggang 6˚C; Presipitasyon na umaabot ng 20 cm bawat taon
Dry Climate
Desert Ito ay isang tuyong lugar na madaling ang mga halaman; 25 cm ang average rainfell;
maaaring lubhang mainit sa buong araw at malamig sa gabi. Nararanasan sa bahagi
ng Azerbaijan, Turkmenistan, at mga bansa sa Arabian Peninsula
Steppe Ito ay isang tuyong lugar na ang average rainfall ay umaabot mula 25.4 hanggang
50.8 cm; nararanasan sa Georgia, Tajikistan, Kyrgyzstan at Kazakhstan
Mga Rehiyon ng Asya:
Hilagang Asya
Tinatawag din na “Middle Asia”
Nagsisilbing daanan ng mga tao, ideya atmga produkto sa pagitan ng Europa, Kanlurang Asya, Timog
Asya at Silangang Asya
Ang mga bansang saklaw ng Hilagang Asya: Armenia, Azerbaijan, Georgia, Kazakhstan, Kyrgyzstan,
Tajikistan, Turkmenistan at Uzbekistan
4,003,451 km2 – kabuoang sakop ng Hilagang Asya
Klima ng Hilagang Asya:
Karaniwang ang klima ng mga bansa sa Hilagang Asya ay polar (malamig), Mediterranean Climate, at
temperate
Vegetation Cover ng Hilagang Asya:
Katatagpuan ang Hilagang Asya ng temperate grasslands, bundok,steppes, savannahs, temperate
coniferous forests, tundra, taiga at mga disyerto
Kanlurang Asya:
Tinatawag din na Southwest Asia o Middle East
6,255,160 km2 – kabuoang sakop ng Kanlurang Asya
Ang mga bansang saklaw ng Kanlurang Asya: Afghanistan, Iran, Iraq, Israel, Kuwait, Turkey, Lebanon,
Jordan, Qatar, Saudi Arabia, Syria, Palestine, Oman, Yemen, Bahrain, Cyprus
Klima ng Kanlurang Asya:
Ang klima ng Kanlurang Asya ay arid at semi-arid
Vegetation Cover ng Kanlurang Asya:
Katatagpuan ang Kanlurang Asya ng mga bundok, talampas at malalawak na disyerto
3. Rub’ al Khali – isa sa mga pinakamalalaking disyerto sa Asya
Timog Asya:
5.1 million km2 – kabuoang sakop ng Timog Asya
Ito ay ang rehiyon na may pinakamataas na populasyon sa daigdig, na umaabotsa 1.7 billion
Ang mga bansang saklaw ng Timog Asya: India, Pakistan, Sri Lanka, Maldives, Nepal, Bhutan,
Bangladesh
Klima ng Timog Asya:
Ang klima ng Timog Asya ay tropical, sub-tropical at temperate
Vegetation Cover ng Timog Asya:
Katatagpuan ang Timog Asya ng mga tropical rainforest, tropical savannah, lambak at disyerto
Mount Everest – Pinakamataas na bundok sa daigdig
Silangang Asya:
12,000,000 km2 – kabuoang sakop ng Silangang Asya
Ang mga estado at bansang saklaw ng Silangang Asya: China, Hong Kong, Macau, Japan, North Korea,
South Korea, Mongolia atTaiwan
Klima ng Silangang Asya:
Ang klima ng Silangang Asya ay temperate climate
Vegetation Cover ng Silangang Asya:
Katatagpuan ang Silangang Asya ng mga tropical rainforest, deciduous forest, temperate rainforest,
savannah, steppes, atdisyerto
Timog-Silangang Asya:
4,500,000 km2 – kabuoang sakop ng Timog-Silangang Asya
Nahahati sa dalawang bahagi ang Timog-Silangang Asya: Mainland Southeast Asia at Maritime
Southeast Asia
Mainland Southeast Asia: Vietnam, Myanmar, Peninsular Malaysia, Laos, Cambodia at Thailand
Maritime Southeast Asia: Indonesia, Philippines, EastTimor, EastMalaysia, Brunei at Singapore
Klima ng Timog-Silangang Asya:
Ang klima ng Timog-Silangang Asya ay tropical climate
Northern Vietnam at Myanmar Himalayas – Subtropical climate
4. Vegetation Cover ng Timog-Silangang Asya:
Katatagpuan ang Timog-Silangang Asya ng mga bundok, tropical rainforest, talampas at tropical
savannah