1. Ang Krisis ng Industriya ng
Langis sa Pilipinas at Mga
Solusyon
James Matthew Miraflor
Presentasyon para sa
Pagkakaisa ng Mga Manggagawa sa
Transportasyon (PMT)
Marso 31, 2009
2. Industriya ng Langis sa
Pilipinas
Ang Downstream Oil Industry
Ang Dominasyon ng Petron at Shell
Ang Caltex bilang Distributor
Dominasyon ng Tatlong Oil Retailer
Pagtaas ng Presyo ng Langis sa World Market at
mga Epekto nito
3. Industriya ng Langis sa Pilipinas
Ang Downstream Oil Industry sa Pilipinas ay may
apat na bahagi:
-----
1. Importasyon ng krudo (crude oil)
2. Pagpoproseso at pagiimbak ng intermediate at
refined na krudo sa mga refineries
3. Distribusyon ng krudo sa ibat-ibang bulk plants o
depot
Tankers/barges para sa Petron at mga news players
Batangas-Manila pipeline para sa Caltex at Shell
4. Industriya ng Langis sa Pilipinas
4. Pagdadala ng refined na krudo mga retain outlets
at industrial consumers sa pamamagitan ng mga
tank trucks.
Sa kaso ng liquefied petroleum gas (LPG), ginagamit ang
specialized bulk tankers/lorries sa transportasyon papuntang
refilling plant kung saan inilalagay ang LPG sa mga cylinders
at dinedeliver sa mga dealer/retail outlets para sa household at
commercial use.
5. Industriya ng Langis sa Pilipinas
Halaw sa DoE: December 2006 issued COC (Certificate of Compliance)
6. Dominasyon ng Petron at Shell
Ang downstream oil industry ng Pilipinas ay
deregulated na simula 1998 at dinodomina ng
dalawang (2) malalaking oil refining at
marketing ng kumpanya, ang Petron at
Pilipinas Shell.
Ang Petron ay dating pag-aari ng
pamahalaan, nasa kontrol ng Philippine
National Oil Company (PNOC), isang state-
owned enterprise, na ngayo’y ganap ng
pribatisado.
Ang Pilipinas Shell naman ay subsidiary ng
Royal Dutch Shell.
7. Caltex, isa na lamang distributor
Ang pangatlong oil refiner at marketer, ang
Caltex Philippines Inc., ay kinonvert na ang
kanilang 86,500 bbl/d refinery at ginawa na
itong import terminal noong 2003.
Ang Caltex ay isa na lamang marketing and
distributing company sa pangalang
“Chevron”, pero Caltex pa rin ang bitbit
nitong brand name.
8. Dominasyon ng Tatlong Oil Retailer
Ang Petron ay may isang 180,000 bbl/d
refinery at humigit-kumulang 1,200 gasoline
stations sa buong Pilipinas;
Ang Pilipinas Shell ay may isang 110,000
bbl/d refinery at humigit-kumulang 800
istasyon;
Ang Caltex/Chevron ay may 2 import
terminal, at humigit-kumulang 850 retail
gas stations.
9. Pagtaas ng Presyo ng Langis sa Merkado
Patuloy na tumataas ang presyo ng langis sa
world market.
Malaki ang epekto nito sa Pilipinas, dahil
bagamat di naman ganun kabilis ang paglaki
ng ating iniimport, napakabilis ng perang
ginagastos natin para maka-import.
Buti na lang, pababa na ang paggamit natin
ng langis sa power generation.
11. Presyo per bariles ng Langis na Ini-import ng
Pilipinas (dolyar)
80.00
70.00
73.96
67.46
60.00
50.00
52.53
40.00
37.54
30.00
29.25
20.00
25.36
24.54
10.00
0.00
2001 2002 2003 2004 2005 2006 2007
12. Oil Import
8.00 120.00
7.00
100.00
6.00
80.00
in million barrels
in billion dollars
5.00
4.00 60.00
Value
3.00
40.00
Volume
2.00
20.00
1.00
0.00 0.00
2001 2002 2003 2004 2005 2006 2007
Mas mabilis ang pagtaas ng presyo ng langis sa world
market kaysa sa laki ng ini-import natin.
13. Power Generation by Source (Gwh) in percent
60
Oil-Based
50
40
30
20
10
0
1996 1997 1998 1999 2000 2001 2002 2003 2004 2005
Bagamat lumiliit, malaking bahagi pa rin ng gine-generate
nating kuryente ay galing sa langis (10.86% noong 2005).
14. Ang Pandaigdigang Krisis at ang
Pagbagsak ng Presyo ng Langis
Ang US stock market at Industriyal na
Aktibidad sa Estados Unidos
Ang Krisis Pampinansya at mga Epekto
15. Ang US stock market at Industriyal na
Aktibidad sa Estados Unidos
16. Ang Krisis Pampinansya at mga Epekto
Sa pagbagsak ng mga investment houses, stock
market, at nasyunalisasyon ng mga bangko sa
Amerika, umalagwa ng husto ang krisis
pampinansya sa Estados Unidos at sa buong mundo.
Nawalan ang US ng 533,000 trabaho noong
Nobyembre 2008, ang pinakamalaking buwanang
tanggalan mula pa noong 1974. Biglaang tumaas ang
unemployment rate mula 6.5% tungong 6.7%.
Sa pagbagsak ng consumption rate sa
Amerika, bumagsak ang kita sa exports ng mga
naglalakihang bansa tulad ng Alemanya at Tsina.
19. Ang Deregulasyon ng
Industriya ng Langis
RA 8180 at Deregulasyon ng Industriya ng
Langis
RA 8479, kapalit ng RA 8180
Ano nga ba ang deregulasyon?
20. RA 8180 at Deregulasyon ng Industriya
Ang deregulasyon ng downstream oil industry ay
nagsimula noong Abril 1996 sa pagpasa ng
Republic Act (RA) No. 8180.
Ngunit noong Nobyembre ng 1997, dineklara ng
Korte Suprema na unkonstitusyonal ang batas na
ito dahil sa mga probisyon sumasagka ito sa
prinsipyo ng malayang kumpetisyon:
Minimum inventory requirement (40 na araw na supply)
Mataas na taripa sa imported na refined petroleum products
(7% ad valorem tax) kumpara sa imported crude oil (4%)
Ilang probisyon sa pagpepresyo.
21. RA 8479, kapalit ng RA 8180
Humabol ang administrasyong ramos, at noong
Pebrero 1998, inaprubhan nito ang RA
8479, ang ikalawa at pinaleng batas sa
deregulasyon.
Inayos ang mga probisyong unkonstitusyonal at
hinabaan ang transition period sa limang
buwan.
Binigyang kapangyarihan ng DoE na itakeover
ang alin sa mga industriya ng langis.
22. Ano nga ba ang deregulasyon?
Sinisiguro ng RA 8479 na:
Hindi na makikialam ang gobyerno sa presyo, pag-
import, pag-export ng langis o ano mang produktong
petrolyo.
Hindi na rin makikialam ang gobyerno sa pagtatayo ng
mga retail outlet (gasoline station), storage depot, ocean-
receiving facilities, at refineries ng langis.
Bibigyan lamang ng notice ang DoE at dapat sumunod sa
zoning law ng mga LGU na tatayuan nito.
23. Ano nga ba ang deregulasyon?
Maari na ring mag-import ng langis ng hindi
humihingi ng permiso sa pamahalaan.
May desisyon ang mga bumibili ng langis kung
kanino bibiling supplier, sa dayuhan man o lokal
na kumpanya.
Halimbawa na lang, kung dati ang tanging
supplier ng National Power Corporation (NPC)
lang ay ang Petron, pagkatapos ng 1998, kahit
sino ay pwede na. Mas bumili na ang NPC sa
Unioil sa mas murang halaga.
24. Ano nga ba ang deregulasyon?
Ginagawang “depoliticized” ng deregulasyon ang
pagtatakda ng presyo ng langis – ibig
sabihin, tanging batas na lamang ng merkado
ang nagtatakda ng presyo.
Babasagin rin daw ng deregulasyon ang
monopoloyo at kartel sa langis dahil hahayaan ng
makapasok ang mga bagong player.
25. Ang Pribatisasyon sa
Industriya ng Langis
Petron: Ang Umpisa
RA 8479, kapalit ng RA 8180
Unti-unting Pribatisasyon ng Petron
Ang San Miguel at Petron
Ang PNOC-EDC at ang mga Lopez
26. Pagtanggal sa Ngipin ng Taong-bayan
Sa isang deregulated na merkado lalong
kailangan ang isang oil supplier na
kontrolado ng gobyerno, para disiplinahin
ang mga pribadong kumpanya na maaaring
bumuo ng mga kartel.
Ngunit kasabay ng Deregulasyon, mas
tatanggalan pa ng ngipin ang pamahalaan sa
pamamagitan ng pribatisasyon ng Petron.
27. Petron: Ang Umpisa
Ang Petron Corporation ay nagsimula noong 1973
bilang marketing arm ng Philippine National Oil
Company (PNOC) na pagmamayari ng
pamahalaan.
Nakikipagkumpetensya ito sa mga dayuhang
kumpanya ng langis gaya ng Pilipinas Shell and
Caltex at iba pang kumpanyang umalis din sa
bansa kinalaunan, ang Esso, Filoil (umalis noong
1973), Getty (1980), at Mobil (1983).
28. Unti-unting Pribatisasyon ng Petron
Noong 1993, ibinenta ng Petron ang 40% nito sa
Arabian American Oil Company (ARAMCO) na
itinatag ng Standard Oil of California (SOCAL) at
Texas Corporation (TEXACO) noong 1930s.
20% naman nito ay ibinenta sa pribadong sector sa
pamamagitan ng Initial Public Offering (IPO).
Noong Marso 2008, ibinenta ng ARAMCO sa lahat
ng shares (40%) nito sa SEA Refinery Holdings
noong Marso 2008, isang kumpanyang pag-aari ng
Ashmore Group.
Kasabay nito, nagpakita ng interes ang pamilyang
Gokongwei na bilin ang lahat ng shares ng pamahalaan
noong Mayo ng 2008.
29. Unti-unting Pribatisasyon ng Petron
Nakabili pa ng 11% ang SEA Refinery, ito ay
pagkatapos magkaroon ng tender offer sa
iba pang mga stockholder, kaya naging 51%
na ang kontrolado ng Ashmore.
Noong Disyembre 2008, binili na ng
Ashmore ang lahat ng shares ng PNOC.
91% ng Petron ay sa Ashmore
na, samantalang may 9% pa ang ibang
stakeholder na naka-IPO.
30. Ang San Miguel at ang Petron
Biglaan, ibinenta ng Ashmore ang 51% nitong
hawak-hawak na shares sa San Miguel Corporation
ni Danding Cojuangco, kaya may natira ulit na 40%
sa Ashmore.
Ito ay matapos maitatag ang San Miguel Energy,
isang dibersipikasyon ng mga investments ng
kumpanya.
Matatandaang nakikipag-girian din ang San Miguel
sa kontrol para sa Meralco, na siyang dating
kontrolado ng mga Lopez ngunit ngayon ay hawak
na ni Pangilinan.
31. Ang PNOC-EDC at mga Lopez
Kung ang Petron ay nasa kamay na ni Cojuangco, ang
PNOC-EDC ay nasa mga Lopez na. Naungusan ang San
Miguel sa pagbili ng 60% share ng gobyerno sa PNOC-EDC.
Ito ay matapos nilang makabili ng mga geothermal plants
at hydro-electric plants.
Matatandaang malaki ang kinikita ng Lopez sa pagpwersa sa Meralco na
bumili sa mga planta nito dahil sa walang cross-ownership provision ang
EPIRA.
Ngayon, nahirapan silang panghawakan ang Meralco dahil
sa mga investments nila sa power generation, bilang mga
capital-intensive industries, ay nagbunga ng malalaking
mga pagkakautang.
32. Bakit Mali ang Deregulasyon
at Pribatisasyon?
Hindi Magkakaroon ng Kumpetisyon
Hindi epektibo ang deregulasyon
Walang proteksyon ang mamamayan sa pagtaas
ng presyo ng langis.
33. Hindi magkakaroon ng kumpetisyon
Ang industriya ng langis ay isang likas na
monopolyo dahil sa napakalaking kapital na
kailangan para rito.
Kakaunti lamang ang makakapasok, at ang
mga makakapasok ay kailangang bumawi ng
malaki.
Kaya kahit na magkaroon pa iilang dagdag
na player, ang resulta lamang ay
oligopolyo, at sa huli, kartel.
34. Hindi epektibo ang deregulasyon.
Hindi nagkaroon ng kumpetisyon, hindi
pumasok ang mga malalaking player na
maaring bumasag sa Petron-Shell-Caltex
kartel. Hindi bumaba ang presyo ng langis.
Hindi mali ang pagpasok ng mga
mamumuhunan sa industriya ng langis,
kung mayroong regulasyon ang
pamahalaan sa presyo at dami ng
kinakalakal na langis.
35. Walang proteksyon ang mamamayan sa
pagtaas ng presyo ng langis.
Kahit pa hindi tumutubo ang mga mananatiling
mga industry player, wala ring insentibo ang mga
itong protektahan ang mga konsumer sa panahong
napakabilis ng pagtaas ng presyo ng langis dahil
malulugi ang mga ito.
Tanging pamahalaan lamang ang maaaring
magkaroon ng interes na panatilihing mababa ang
presyo ng langis dahil tanging pamahalaan lamang
ang maaaring managot sa mamamayan.
36. Pangmadaliang Panukala
Regulasyon ng Domestic Downstream Oil Industry
Pagbasura sa E-VAT sa langis
Pagbawi sa Petron at Pagtalaga sa Petron bilang Pace-
setter
Pagbasura sa Oil Deregulation Law
Pagbabalik sa Oil Price Stabilization Fund (OPSF) ayon
sa orihinal nitong konsepto
Pagtalaga ng isang
“Consumer Price Buffer Fund”
37. Pagtanggal ng E-VAT sa Langis
Ang lahat ng pagbubuwis sa langis, dahil ito ay isang
mahalagang production input, ay magkakaroon ng epekto
sa presyo ng ibang mga bilihin (cost-push type inflation).
Alam natin na ang isang “flat-rate indirect consumption
tax” sa langis ang dahilan sa “windfall” na kita ng gubyerno
sa tax noong nakaraang taon.
Nakakatawang sitwasyon na malaking pakinabang para sa
Malacañang ang pahirap para sa sambayanan.
Dahil sa E-VAT, nagkakaroon ng excuse ang pamahalaan
na huwag ng habulin ang mga tax evader at huwag ng
palakasin pa ang pagbubuwis sa repatriation ng tubo ng
mga dayuhang korporasyon sa langis.
Mas madali daw kasi sa consumer tax.
38. Solusyon: Bagong Tax Structure sa Langis
Ang solusyon: mas episyenteng pagbubuwis sa mga
kumpanya ng langis.
Leakage at tax evasion, hindi tax structure o tax
regime ang pundamental na dahilan ng di-mabisang
paniningil ng buwis
Ang isang pinatatag na sistema ng pagbubuwis sa
korporasyon sa downstream oil industry ay di
nangangahulugang paghadlang sa tubo sa retail oil
industry, dahil may umiiral at lumalagong merkado
ng langis sa bansa.
39. Pagbawi sa Petron at Pagtalaga sa
Petron bilang Pace-setter
Dapat ay wakasan na ang pribatisasyon ng Petron
sa pagbawi ng PNOC shares mula sa kamay ng
Ashmore at ng San Miguel
Sa pagbabalik ng kontrol sa pamahalaan sa
Petron, dapat gamitin ang Petron bilang “pace-
setter” na syang magbibigay ng pinakamagandang
kalidad ng gasolina sa pinakamurang presyo para
magtalaga ng standard sa merkado at disiplinahin
ang industriya.
Kailangan ng isang kumpanya sa industriya na ang
motibasyon ay hindi tubo kundi ang
pagmamaximize ng social welfare.
Ngunit kailangan pa ring financially viable para magtagal.
40. Pagbasura sa Oil Deregulation Law
Ang Republic Act No. 8479, na siyang ng dahilan ng
deregulasyon, liberalisasyon at pribatisasyon sa
downstream oil industry, ay nagbunga lamang ng matataas
na presyo ng langis, mas mataas pa nga kaysa sa presyo sa
world market. Isa pa, ipinilit lang naman sa atin ito ng
International monetary Fund (IMF) bilang conditionality
para sa 1994 Extended Arrangement ni Ramos.
Pagkakaroon ng Oil Regulatory Commission
(ORC) – na syang magbabantay sa totoong presyo ng
landed oil ng mga kumpanya. Dapat mayroon itong quasi-
judicial powers para magkaroon ng ligal na basehan ang
mga desisyon nito and prosecutory powers para magkaroon
ng ngipin.
41. Pagbabalik sa Oil Price Stabilization Fund
(OPSF) ayon sa orihinal nitong konsepto
Ang orihinal na OPSF, itinalaga ng Presidential Decree
(PD) 1956 ay para sa i-minimize ang pagbabago ng presyo
at hindi para saluhin ang presyo para sa consumer.
Pwersahin ang mga kumpanyang mas maliit ang landed cost ng
krudo na subsidize ang mga kumpanyang mahal ang nabibili. Kaya
naman ang itinawag dito ay Oil Industry Equalization Fund (OIEF).
Equalization fund laban sa epekto ng “Predatory Pricing” –
ito ay para mahadlangan ang plano at tanggalin ang excuse
ng mga kumpanyang pataasin ang presyo para maggayahan
ang iba.
Pondo para akitin ang mga maliliit na mamumuhunang
lokal para magtaya sa domestikong industriya ng langis at
imaksimisa ang bentahe ng liberasisasyon
42. Pagtalaga ng isang
“Consumer Price Buffer Fund”
Isang anyo ng sosyalisadong subsidyo sa, dapat
magtatag ang pamahalaan ng isang Consumer Prices
Buffer Fund, na pinopondohan hindi ng VATkundi sa
inaasahang tubo ng mga kumpanya ng langis at
pinatakarang mga buwis.
Ang assumption dito ay, merong isang Petrong pagaari
ng pamahalaan na nagmamaksimisa ng social welfare
at hindi ng tubo.
Kung hindi pa rin kayanin ng taong-bayan ang presyo
nito, hindi pipiliting artipisyal na ibaba ang presyo ng
langis para naman hindi malugi ang Petron, bagkus ay
popondohan ng pamahalaan ang bahagi ng presyo.
43. Medium-term na Panukala
Supply-side Management
Pagbasura sa E-VAT sa langis
Pagbawi sa Petron at Pagtalaga sa Petron bilang Pace-
setter
Pagbasura sa Oil Deregulation Law
Pagbabalik sa Oil Price Stabilization Fund (OPSF) ayon
sa orihinal nitong konsepto
Pagtalaga ng isang
“Consumer Price Buffer Fund”
44. Sa Paggalugad ng Langis (Oil Exploration)
Optimum Linking, para sa Strategic Vertical Integration, ng
Domestic Upstream and Downstream Oil Industry
Alam natin na sa ngayon, hindi sasapat ang indigenous na
mga pinagkukunan ng krudo para tapatan ang ating
demand kaya kailangan pa rin ng importasyon, pero dapat
ay state-regulated ang upstream industry at nakataya
lamang ito para sa lokal na pangangailangan.
Ang Service Contract System at production-sharing
mechanisms sa ilalim ng Presidential Decree (PD) 87 ay
kailangang repasuhin para siguraduhing ang makikinabang
ay ang pamahalaan, ang mga komunidad at mga lokal na
mamumuhunan bago ang mga dayuhang kapitalista.
45. Sa Industria ng Oil Importation
Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng PNOC, ay dapat
direktang kumukuha ng krudo, at isipin ang posibilidad ng
bilateral arrangements sa mga oil exporting na mga bansa
(at pag-iwas sa mga Oil TNC) at pag-diversify palayo sa
Saudi Arabia (ARAMCO) and Iran (NIOC, INOC) at
pakikipagusap halimbawas sa PDVSA ng Venezula.
Baka pwede ang Oil to Commodity Swap.
Bakit hindi sentralisadong pagbili? Magaling ang
merkado sa pagkalap ng supply para sa mga
pangangailangan ng distribusyon at produksyon nito. Sa
panahong paubos na ang langis (peak oil), bagamat nariyan
ang pamahalaan para siguraduhin ang supply, hindi dapat
hinahadlangan ang pribadong sector sa pagkalap ng krudo.
46. Sa Industriya ng Oil Refinery at
Oil Marketing
Pag-diversify ng industriya at pag-encourage ng
investments sa industriya ng langis sa pamamagitan
ng bilateral na negosasyon – kailangan pa rin ito
para sa technology transfer, pero kailangang
aktibong pinoprotektahan ang konsyumer
Pagusporta sa mga local na mamumuhnan sa oil
marketing industry (retail), para wakasan ang
dominasyon ng mga dayuhang manlalaro sa
industriyang ito at i-limita na lamang sila sa refinery
industry.
47. Pangmatagalang Panukala
Demand-side Management
Tigilan ang Pribatisasyon, Wakasan ang
Importasyon ng Langis para sa Kuryente
I-rationalize ang pagkonsumo ng Langis ng
Industriya ng Transportasyon
48. Tigilan ang Pribatisasyon, Wakasan ang
Importasyon ng Langis para sa Kuryente
Wakasan na ang pag-asa sa langis at importasyon
nito para mag-generate ng kuryente (20%) sa
pagpapalakas ng pag-develop at pagpondo sa
indigenous sources of energy at renewable energy.
Muling buuin ang State Energy Complex na
sinimulan ng panahon ni Marcos.
I-reverse/tigilan na ang pribatisasyon ng PNOC at
mga departamento nito kagaya ng Petron, PNOC-
EDC, at PNOC-EC
49. I-rationalize ang pagkonsumo ng Langis ng
Industriya ng Transportasyon
Streamlining and regulasyon ng of the Road-based Transportation
Industry
Pag-regulate ng dami ng mga bagong motor vehicles (produksyon
at pagbenta) para i-decongest ang ating mga kalsada.
Gradual na pagphaseout sa ilang bahabi ng Public Utility Vehicle
(PUV) ngunit sinisigurong may mga bagong trabaho para sa
maaapektuhang manggagawa.
Pagpapabunga ng isang industriyang gumagamit ng alternatibong
enerhiya para sa transportasyon (pagkakaroon ng home-grown car
manufacturing kagaya ng Proton ng Malaysia) at kuryente (PNOC-
Alocohol Corporation na binase sa alchogas ng Brazil)
Pagtalaga ng isang Modernisado at Episyenteng Centralized Intra-
urban and Rural-to-Urban Mass Transit Systems