3. Paano maging lider?
1. Bilang lider, huwag ipahiya
ang ibang tao sa harap ng
publiko. Ipaliwanag sa kanya
ang pagkakamali at ayusin na
ang problema. Huwag
pahabain pa.
4. Paano maging lider?
2. Kapag ika’y nahaharap
sa tukso, isipin kung paano
haharapin ni Hesus ang
problema. Ano ang
gagawin ni Lord sa
ganitong kalagayan.
5. Paano maging lider?
3. Maging isang
magandang
halimbawa. Huwag
iutos sa ibang tao ang
hindi mo din gagawin.
6. Paano maging lider?
4. Laging maging on-
time sa mga
appointments.
Umpisahan ang miting
sa oras at tapusin din sa
takdang oras.
7. Paano maging lider?
5. Matutong magsabi ng
“Hindi” na hindi
nakasasakit sa damdamin
ng ibang tao. Makinig
mabuti at sumagot ng
magalang sa iba.
8. Paano maging lider?
6. Bilang lider, magandang
malaman mo ang birthday
ng iyong mga empleyado.
Batiin sila o bigyan ng cake
sa kanilang kaarawan.
9. Paano maging lider?
7. Bilang lider, kailangan
pangalagaan mo rin ang
iyong sarili. Magsuot ng
tama, maging malinis sa
katawan at ituloy ang
edukasyon sa sarili.
10. Paano maging lider?
8. Ang lider ay may pananaw
sa kinabukasan ng
organisasyon. Marunong
siyang magbigay ng
inspirasyon at maglikom ng
donasyon para sa
eskwelahan.
11. Paano maging lider?
9. Bigyan ng parangal ang
inyong magagaling na
estudyante at empleyado.
Ipaalam ito sa pamamagitan
ng streamers, bulletin board o
ipahayag sa miting.
12. Paano maging lider?
10. Maging organisado
sa iyong opisina at
gamit. Ifile ang
importanteng sulat,
calling card at papeles.
13. Paano maging lider?
11. Huwag magsalita nang
masakit sa iyong kapwa na
pagsisisihan mo balang
araw. Matutong magpigil sa
iyong damdamin.
14. Paano maging lider?
12. Sa pagharap sa ibang tao,
matutong makinig hindi lamang
sinasabi niya kundi pati sa
kanilang body language. Sa
pagbasa ng sulat, pakinggan ang
tono ng sulat at matutong
basahin ang gustong ipahiwatig
ng manunulat.
15. Paano maging lider?
13. Hindi mo kailangang itago
ang iyong edad. Kahit ika’y
tumatanda, lumalawak naman
ang iyong eksperyensiya at
nagiging mas matalino ka.
Gamitin ang iyong kaalaman
para gabayan ang susunod na
henerasyon.
16. Paano maging lider?
14. Laging tandaan na may dahilan
ang Diyos para ilagay ka sa
posisyon. Hindi ka niya bibigyan ng
pagsubok na hindi mo kaya.
Bibigyan niya tayo ng sapat na lakas
at biyaya para malampsan ang kahit
anong pagsubok. Hindi ka nag-iisa.
Kasama mo ang diyos hanggang sa
huli.