2. Ang produksyon ay isang proseso ng
pagpapalit-anyo (transformation) ng mga
“input” upang makalikha ng mga “output”.
Input – Tumutukoy sa mga pangunahing
kagamitan sa produksyon.
Output – Tawag sa mga nalilikhang produkto
ng produksyon.
3. 1. KAPITAL – Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal
na nakalilikha ng ibang produkto.
Capital Good – materyal na representasyon ng
kapital.
2. LUPA – Nakapaloob sa pag-uuring ito ang langis
at puno. Kabilang din dito ang mga yamang tubig
tulad ng mga korales at isda.
3. PAGGAWA – Tinatawag na paggawa (labor) ang
pisikal at mental na kakayahan o lakas ng tao
upang makapaglingkod at makalikha ng
produkto.
4. Ang pagkakamit ng layunin ng produksyon ay
mahalagang bigyang-pansin. Hindi lahat ng
plano ng produksyon ay naisasagawa kahit
gaano pa kaganda. Nagiging balakid sa
produksyon ng mga bahay-kalakal ang
kakapusan ng pinagkukunang-yaman ng
ekonomiya. Ang mga salik na magagamit ng
mga bahay-kalakal ay limitado rin.
5. Ang produksyon ay isang prosesong irreversible
malaking kawalan sa mga bahay-kalakal ang
maling paggamit ng salik. Muling gugugol sila
ng panahon at kapital upang ng mga bagong
salik. Tataas ang kanilng kanilang gastos sa
produksyon. Mahalaga na maiplano ang
produksyon ng bahay-kalakal. Bukod sa dami
at uri ng produkto, isang tuon sa pagpaplano
ang angkop na pamamaraan sa pagamit ng
mga salik.
6. Kinikilala ng bahay-kalakal ang gastusin nito
sa produksyon. Ito ang tinatawag na gastusing
explicit (explicit cost). Karaniwang tawag dito
ay gastusin ng produksyon (production cost).
Ang gastusin ng pambayad sa mga salik ng
produksyon. Binubuo ito ang gastusing fixed
(fixed cost) at gastusing variable (variable cost).