SlideShare uma empresa Scribd logo
1 de 6
MGA GUHO
Isang Sanaysay
Ni  Julian C. Balmaceda
Malayo na si Ross a pook ng liwanag at tugtugin,  ng mga bumubulang inumin at ng salaping ang nalalabi’y sinasalat-salat niya ngayon sa kaluping panggabi.   Binabasag ang katahimikan ng paligid ng matataas niyang taking sa mabagal na paglakad.
Buhat sa sasakyan ni del Prado, na naghatid sa kanya ngayon gabi hanggang sa tapat ng landas,  mababagal ang mga yabag ni Ros sa batuhang patungo sa mga guho.   Tinatanglawan ng buwan ang pakiwal-kiwal na dinaraanan ni Ros at bago tuluyan siyang nasok sa mga guho, tinapunan pa muna niya ng isang pagod na ngiti ang lalaking nakatunghay sa kanya.
“May lalaki sa buwan, anak” ang sabi ng kanyang ama noong araw- anong tagal na panahon na ang nakalilipas-“tinutunghan ka, nakikita mo ba?”
“Tinutung.... Tinitingnan po ba ang gusting sabihin, Tatang?
“E…oo”,  ngunit,  tila nagbibigay loob lamang ang kanyang ama. “Tinutunghan, dahil nasa taas ang lalaki sa buwan, at nasa ibaba ka.  At,..tinitingala mo siay.”
Kasabay sa paglalapat ng susi sa pinto nila sa harapan ang isipang iyong ibinalik ng gabi.  “titingala sa isang lalaking aking mamahalin…igagalang…titinghalain.”
Isang malakas na tinig ang lumunod sa langitngit ng mabigat na pinto.
“ Ros, ngayon ka lamang ba?...Tinamaan ng….!
“Paano ho Tiyo Sendo maraming tao at…”
“Maraming tao, maraming tao….! Panay na lamang maraming tao! Agaw ng malakas na tinig.   Sobra sa tao pero kulang sa kuwarta. “
Hinihigpitan ni Ro sang pagkakakuyom ng mga daliri sa dalang kalupi.  Umigting ang kanyang mga bagang sa pagpipigil.
“Magbihis ka na, anak… at kumain.   Kaiinit ko pa lamang ng ulam mo. “  Ang tinig ng kanyang ina ay mahina… kimi.  Natatandaan ni Ros na nagkagayon ang tinig niyon buhat nang makasama nila si Tiyo Sendo.   Ang buhay, ang sigla, ang taginting ng mga halakhak  sa tinig niyon noong araw na nakisaliw-saliw sa mga pagkukuwento ng kanyang ama ay unti-unting napalitan ng pangingimi, ng pagkatakot, sa piling ni Tiyo Sendo.
Ni hindi sinundan ng pagbangon ng kanyang ina ang mga salitang iyon.   Hindi na niya narinig pang muli ang tinig ng kanyang ina na sumalit sa malakas na panunungayaw ng kanyang pangalawang ama.  Ngunit habang inaaninag ni Ross a tulong ng naglalagos na silahis ng buwan ang ilawang nakasabit sa itaas ng paminggalan,  ti9la nakita niya ang mukha ng kanyang ina :  nagmamahal, nahahabag… datapwat natatakot.
At habang pinmipilit niyang maghapunang mag-isa sa liwanag ng kukuti-kutitap na ilawan,  bumalik sa kanayang gunita ang kariktan at kapangitan, ang pag-ibig at ang pagkamuhi, ang paghihimagsik. M  Marikit ang gunita ng kanyang ama,  ang pag-ibig ng kanyang ina roon.   Ngunit walang kasing pangit ang iba pa- napahinto sa pagkain si Ros- ang digmaang numakaw sa kanyang ama at naghatid sa kanilang buhay ng kanyang Tiyo Sendo,  ang unti-unting pag-ugat ng kanyang pagkamunhi roon at kasabay ng kamalayan, ang paghihimagsik.
Maliwanag na sa kabahayan nang siya’y pumasok.   Hindi na maitatanggi ang naglalagos na sinag ng buwan sa liwanag ng munting ilawan sa panulukang iyon ng mga guhong kanilang inangking tahanan.  Inabutan niyang nakasandal sa isang labing pader ang kanyang amain.
Sa hati ng isang saglit, nais ni Ros na magsisigaw, bulahawin ang katahimikang  iyon na makapal at  mabigat.   Nais niyang ipukol ang kaluping may lamang salapi sa paanan ng amain, lalong mabuti, sa mukha niyon, sa mukhang kinamumuhian niya nang walang katulad na pagkamuhi.
Ngunit marahan siayang lumapit at marahan ding binuksan ang kaluping dala.
Iniabot nbi Ro sang mga salaping papel sa malaki’t nakalahad na palad ng kanyang amain.   Umikom ang mabubutong daliri niyon sa mga salaping papel bago muling inilahad upang bilangin kung magkano ang iniuwi ng pamangkin.
Lumayo si Ros sa amain.   Lumapit sa munting lagusan ng hangin sa pader na nagsisilbing durungawan ng tahanang guho.   Nakita niyang tumayon buhat sa upuan ang kanyang amain.   Nakalarawan sa mukhang iyon ang di kasiyahan sa halagang iniuwi ng pamangkin.  Pabulong-bulong na nasok sa silid nilang mag-asawa.
Matagal na tumayo si Ross a tapat ng munting lagusan ng hangin sa pader.  Ang pagkamuhing unti-unting pumuno sa kanyang dibdib, nag-ugat sa kanyang pagkabata at kasabay niyang lumaki, ay nagpipilit humulagpos ngayong gabi.   Ang mabubutong daliri ng kalupitang sumikil sa dating sigla’t buhay ng kanyang ina ay nararamdaman niyang gumapang umiikom sa sarili niyang leeg.
Naglagos ang kanyang paningin sa mga anino,  may iba’t ibang hugis at may iba’t ibang kahulugan, at sa tulong ng sinag ng buwan ay nakita niya ang mga nahihimbing na tahanang guho. Ang katabi ng kanila’y tatlong piraso ng mga guhong pader ng dating simbahan namukod sa pook na iyon, labi ng nagdaang digmaan. Sa gawi pa roo’y ang hagdanan ng dating kumbento na ngayo’y binubungan at nagsisilbing tulugan ng isang mag-anak. Sa buong paligid ng kanilang pook ay nagtayo at nag-usli ang mga guhong pader, lumulukob sa kanilang lahat sa iisang kapalaran.
Ang bubungan ng dating hagdanan ay nakita ni Ros na nagliwanag. Napataas ang kanyang paningin sa buwang naglalakbay sa ulap ng karagatan. Naalala niya ang lalaki sa buwan at ang kwento ng kanyang ama.
Hindi pa niya natatagpuan ang lalaking iyon. Natatagpuan niya ang buong kabaligtaran niyon sa pangalawang asawa ng kanyang ina. At gumuhit ang isang napakapangit ng ngiti sa kanyang labi. Ni hindi rin niya mabanaagan ang anino niyon sa  nakapakaraming lalaking nagtutungo sa bar.
Nasabi niyang minsan kay Lino,  ang nakatira sa hagdanan ng kumbentong ngayo’y binunbungan, ang kasabay niyang lumaki sa gitna ng guho.
“Talaga, Lino” aniya, “tandang tanda ko pa ang sabing iyon ni tatang tungkol sa buwan.  Gano’n ang gusto kong mangyari, Lino, titingalain ko ang isang lalaki dahil… mahal ko siya… Iginagalang ko siya.
Matagal na hindi kumibo noon si Lino.   Pinulot iyon ng maliliit na bato sakanilang paanan at walang anu-ano’y biglang pinukol sa isang ginuhong pader.
“Gaya sana ako ng….lalaki sa buwan, Ros,” ani ni Lino.  May kimkim na hinanakit ang tinig ni Lino – hinanakit at galit sa buhay.
Hindi makatingin sa kanya si Lino.  At ang isa pang gunitang ibinalik ng gabi: Buhat ng mamasukan siya sa bar, kibuin-dili siya ni Lino.   Tila lalong tumindi ang dating hinanakit, ang dating galit niyon sa buhay.
Nagpatuloy sa paglalakbay ang buwan sa ulap na karagatan.  At kasabay ng paglalakbay na iyon ang pagbubuo ni Ros ng isang kapasiyahan.
Hindi na niya matatagalan ng kahit isang gabi pa ang pag-aabot sa kanyang tiyo Sendo ng salaping tinumbasan ng mga pilit na kasiglahan sa bar – nang hindi maipupukol doon ang buong kalupi.   Hindi na niya mapararahan ang tinig sa pagpipigil, sa pagtalima sa sukatan ng buwan na itinakda ng kanyang amain.
Bukas na bukas ay titibagin niya ang moog na ipinaligid ng kanyang Tiyo Sendo sa kanilang mag-ina.
Sasama siya kay del Prado.   Ilang ulit na siyang niyaya niyon.
“Doble man ang kita mo sa bar ay ibibigay ko sa iyo! Masusunod ang lahat mong kapritso.  Iuupa kita ng bahay…at…wala kang alalahanin ano man sa aking asawa.”
Nang unang sabihin iyon sa kanya ni del Prado,  nabaon ang mga kuko niya sa sarili niyang palad.   Naisip niyang may katulad din pala ang kanyang Tiyo Sendo sa pagiging kamuhi muhi.
Ngunit nitong mga huling araw ay hindi na lubhang kamuhi muhi ang tinig ni del Prado.
May paraan sa pagtakas sa bawat pagkapiit.
Magwawala siya sa mga pasaring at pagtawad ng maraming lalaki sa bar na iyon.   Sa matibay na moog ng pagkamuhi at pagkasuklam sa kanyang Tiyo Sendo.
Hindi na lubhang kamuhi-muhi ang tinig ni del Prado.
Ibang kinabukasan ang nasilayan ni Ros: isang umaga ng bagong pag-asa, ng pagtakas sa pagkamuhi, ng paglayo sa tahanan guho at sa mga kanugnog niyon at ng di na muling pagbabalik doon kalian man.
Naging kainip-inip ang maghapon niya sa bar.
Nasa pinto ng bar si del Prado nang lumabas si Ros.   Dala niyon ang sasakyan na maglalayo sa kanila sa babaing hindi dapat alalahannin ni Ros at sa kanyang amain.
Patunog na si Ross a katuparan ng mga nabuo niyang balak nang nakaraang gabi.   Ang mga bisig ni del Prado,  sanay at nakatitiyak,  ay nagsisismula nang kumulong sa kanya ngayon.
Ngunit biglang napaigtad si Ros.   Pumipiit din pala ang ganitong uri ng pagmamahal.   At biglang nagbangon upang tumakot sa kanya ang isang isipan;  sa pagkapiit sa moog ng pagkamuhi sa kanyang amain,  may paghihimagsik sa kanyang puso – at iyon ang kanyang kaligtasan.   Ngunit sa isang ito – pahina nang pahina nang bulong ng budhi, nanlalamig ang paghihimagsik…katunayan:  hindi na lubhang kamuhi muhi ang tinig ni del Prado.
“Ano ba ang nangyayari sa iyo,  Ros?  Gumagapang ang di-kasiyahan sa tinig ni del Prado.   “  Ito pa naman ang ating gabi.  Gabing romantiko sapagkat maliwanag ang buwan…..”
Napatingala si Ros.  Tinutunghan siya ng lalaki sa buwan.   Siya ang kanyang nalilisyang pangarap.  Inihatid sa kanya ng mayuyuming silahis niyon ang tinig ng nalalayong ama.   At sila’y magkapiling nang muli.    Munting bata siyang muli sa tuhod ng kanyang ama na nagsasabing “Tinutunghan, dahil nasa itaas ang lalaki sa buwan at nasa ibaba ka.  At titingala sa isang lalaking aking mamahalin…igagalang…titingalain.”
Nang gabing iyon,  tinanglawan muli ng buwan ang pakiwal kiwal na dinaraanan ni Ros buhat sa sasakyan ni del Prado.   Binabasag ang katahimikan ng paligid ng matataas niyang taking sa mabagal na paglakad.
Napaligiran siyang muli ng mga guho,  maitim sa kanilang pagbabanta.   Ngunit bago niya binuksan ang mabigat na pinto at bago niya narinig ang tinig ng kinamumuhian niya nang walang katulad na pagkamuhi,  isang pagod na tanaw ang ipinukol niya sa hagdanan ng dating kumbento na ngayo’y binubungan, at narinig niya ang sigaw ng kaluluwang naglalagos sa karimlan.
“ O, Lino…Lino… Guho ang lahat sa ating paligid..sa ating buhay….Ngunit nananatiling buo ang pangarap….Hanggang iyon ay pataas at tinitngala hanggang iyon ay kaugnay ng mga bituin.
T3.iyutuc.MHS

,[object Object],Bilang AnakBilang kaibiganMga katangiang kahanga-hanga kay Ros
Bilang Babae
,[object Object]
Mga KaisipanMga Patunay  mula sa binasang Akda
Di kayang igupo ng kahirapan ang p-agkamit sa pangarap.Pagdedepende ng tao sa kanyang kapwa gayong kaya niya naming gumawa.Pagsasamantala sa kapwaDi lahat ay kayang tumbasan  ng karangyaan sa buhayT3.iyutuc.MHS

Sanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guho

Mais conteúdo relacionado

Mais procurados

Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at PanitikanMga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
AraAuthor

Introduksyon sa pag aaral ng wika (mga yugto sa pagkatuto ng wika)
Introduksyon sa pag aaral ng wika (mga yugto sa pagkatuto ng wika)Introduksyon sa pag aaral ng wika (mga yugto sa pagkatuto ng wika)
Introduksyon sa pag aaral ng wika (mga yugto sa pagkatuto ng wika)
Antonnie Glorie Redilla

Mais procurados (20)

Everything about Tacloban City Philippines
Everything about Tacloban City PhilippinesEverything about Tacloban City Philippines
Everything about Tacloban City Philippines

Gamit ng panitikan sa pagtuturo
Gamit ng panitikan sa pagtuturoGamit ng panitikan sa pagtuturo
Gamit ng panitikan sa pagtuturo

Rehiyon 3
Rehiyon 3Rehiyon 3
Rehiyon 3

Panitikan Rehiyon I (Cancionan, paniniwala at kaugalian sa R-I)
Panitikan Rehiyon I (Cancionan, paniniwala at kaugalian sa R-I)Panitikan Rehiyon I (Cancionan, paniniwala at kaugalian sa R-I)
Panitikan Rehiyon I (Cancionan, paniniwala at kaugalian sa R-I)

PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdfPRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf

Introduksyon ng Pag aaral sa Wika/ Fonetiks
Introduksyon ng  Pag aaral sa Wika/ FonetiksIntroduksyon ng  Pag aaral sa Wika/ Fonetiks
Introduksyon ng Pag aaral sa Wika/ Fonetiks

Kaalaman sa Pagsasalin
Kaalaman sa PagsasalinKaalaman sa Pagsasalin
Kaalaman sa Pagsasalin

Mga Uri ng Tagapakinig
Mga Uri ng TagapakinigMga Uri ng Tagapakinig
Mga Uri ng Tagapakinig

Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipino
Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipinoPaghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipino
Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipino

Ortograpiyang pilipino
Ortograpiyang pilipinoOrtograpiyang pilipino
Ortograpiyang pilipino

Katuturan ng maikling kuwento.13
Katuturan ng maikling kuwento.13Katuturan ng maikling kuwento.13
Katuturan ng maikling kuwento.13

Kinagisnang balon
Kinagisnang balonKinagisnang balon
Kinagisnang balon

Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at PanitikanMga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan

Talata
TalataTalata
Talata

antas-ng-wika-ppt
antas-ng-wika-ppt antas-ng-wika-ppt
antas-ng-wika-ppt

Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V
Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino VPagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V
Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

Introduksyon sa pag aaral ng wika (mga yugto sa pagkatuto ng wika)
Introduksyon sa pag aaral ng wika (mga yugto sa pagkatuto ng wika)Introduksyon sa pag aaral ng wika (mga yugto sa pagkatuto ng wika)
Introduksyon sa pag aaral ng wika (mga yugto sa pagkatuto ng wika)

Palagitlingan
PalagitlinganPalagitlingan
Palagitlingan

Yunit 4 Komunikasyon
Yunit 4  KomunikasyonYunit 4  Komunikasyon
Yunit 4 Komunikasyon

Dula
DulaDula
Dula

Destaque (7)

Epiko ni cilo
Epiko ni ciloEpiko ni cilo
Epiko ni cilo

Journalism pagsulat ng balita
Journalism  pagsulat ng balitaJournalism  pagsulat ng balita
Journalism pagsulat ng balita

Balita sa Pamamahayag
Balita sa PamamahayagBalita sa Pamamahayag
Balita sa Pamamahayag

Balita.final.ppt
Balita.final.pptBalita.final.ppt
Balita.final.ppt

HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA

Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay

Pamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ PahayaganPamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ Pahayagan

Semelhante a Sanaysay na mga guho (10)

YUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docx
YUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docxYUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docx
YUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docx

Ang lumang simbahan and child of sorrow buod.pptx
Ang lumang simbahan and child of sorrow buod.pptxAng lumang simbahan and child of sorrow buod.pptx
Ang lumang simbahan and child of sorrow buod.pptx

Mga pahayag na nagbibigay ng patunay
Mga pahayag na nagbibigay ng patunayMga pahayag na nagbibigay ng patunay
Mga pahayag na nagbibigay ng patunay

Kwento
KwentoKwento
Kwento

Maikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanMaikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang Markahan

El Amor Patrio
El Amor PatrioEl Amor Patrio
El Amor Patrio

Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento
Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwentoModyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento
Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx

Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx

My First Slideshared :)
My First Slideshared :)My First Slideshared :)
My First Slideshared :)

Sanaysay na mga guho

• 1.
• 2. Mga KaisipanMga Patunay mula sa binasang Akda
• 3. Di kayang igupo ng kahirapan ang p-agkamit sa pangarap.Pagdedepende ng tao sa kanyang kapwa gayong kaya niya naming gumawa.Pagsasamantala sa kapwaDi lahat ay kayang tumbasan ng karangyaan sa buhayT3.iyutuc.MHS