1. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
1
Seksyon 1
Isang Pagtanaw sa Panahong bago ang
Pananakop
(Bago ang Ika – i6 na Siglo)
Ano ang pangunahing kalagayang pansakahan ng mga panahong ito?
Ang pangingisda, pangangaso at pagtatanim ng Ang ibig sabihin ng
pang-ikinabubuhay
palay ang mga pangunahing kabuhayan ng (subsistence) ay
panahong ito. Ang mga ito’y ginagawa para sa pagpapakain;
paggamit;
layuning pang-ikinabubuhay.
pagkaligtas
Ipinapakita ng ilang dokumento o datos na ang
paglilinang ng lupa o pagsasaka ay ginagawa sa dalawang paraan. Una,
inihahanda ang lupa sa pagsusunog ng damong ligaw at sa pagtatanim
(ito ngayon ay ang tinatawag na Kaingin o “slash and burn”) o
ikalawa, ang pagsasaka muna ng lupa bago ang pagtatanim.
May Konsepto ba ng pagmamay-aring indibidwal o pansarili sa
panahong ito ?
Walang konsepto ng pribado o indibidwal na pagmamay-ari sa
panahong ito. Kadalasan ang lupa at ang mga kagamitang pansaka o
tanim ay nasa pag-aari ng buong komunidad o “ barangay ” . Ang lupa
ay tinatrato na pangunahing pinagkukunan ng yaman.
Ang mga pinuno o datu (chiefs) ang namamahala ng lupa sa ngalan ng
barangay.
Ang mga yamang dagat, ang pangingisda at lupang pangangaso ay
tinatrato ring yaman na may pang-komunidad na kalikasan.
Ang Barangay ay isang bahagi ng gobyerno sa panahon bago dumating
ang mananakop (pre-colonial). Ito ay isang komunidad na naka-base sa
pamilya na binubuo ng 30 – 100 pamilya.
Ito din ang salita o terminong batay sa salitang Malay na “ balangay “, isang
bangkang lulan at nagdadala ng tao sa karagatan.
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
2. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
2
Paano pinapairal ang pagmamay-aring pangkomunidad ?
Naniniwala at ipinapatupad ng mga unang
Stewardship – isang
Pilipino ang “stewardship”. Kinilala ng mga konseptong tumutukoy sa
Pilipino ang kahalagahan ng kaugnayan ng responsibilidad na
alagaan at linangin ang
tao at kalikasan. Kanilang nirespeto at
isang pag-aari, yaman o
prinotektahan ang lupa at yamang dagat. talento.
Isa itong prinsipyo na nag-
Kanila ring pinairal ang pag-aambag o
uutos na ang gamit ng
pakikihati ng yaman. Habang ang mga tao pag-aari, yaman at
sa barangay ay hinahati ayon sa klase na talento ay hindi dapat
kailanman abusuhin o
may mga indibidwal na mga responsibilidad gamitin sa maling paraan.
at tungkulin, lahat ay nakaka-abot at
nakikibahagi sa bunga ng kanilang pagod o
gawa. Walang sinuman ang walang pagkain o yaman, maging ano man
ang kanilang klase/estado sa buhay.
Mga Klase ng Pilipino sa ilalim ng Barangay
Pinuno / Datu / Sultan – ang siyang pinuno ng barangay. Nasa kanya ang
kapangyarihang maghati-hati at magpamudmod ng lupain na may pahintulot
sa Kapulungan ng Nakakatanda (Council of Elders) .
Maharlika o Malayang Pilipino - Malaya silang nakakapagsaka, ibenta ang
kanilang mga ani nang hindi na humihingi ng permiso o magbayad ng parte
kaninuman.
Aliping Namamahay – Pinapayagan silang magkaroon ng sariling bahay, sakahin
ang parsela ng lupa at magbigay ng parte ng ani sa Pinuno o Datu.
Aliping Saguiguilid – Sila ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng kanilang maestro.
Pinapayagan silang mabawi ang kalayaan sa pamamagitan ng sumusunod:
pagpapakita ng di-pangkaraniwang tapang sa pagsasalba ng buhay ng
kanilang maestro o ng kapamilya nito; pagpapakita ng malalim na katapatan at
paggawa ng magandang serbisyo; at ang pagkamit ng estado sa
pamamagitan ng pagpapakasal o pagtatamo ng yaman.
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
3. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
3
Paano natin mailalarawan ang ekonomiya ng panahong ito?
Nang mga panahong ito, hindi patungo sa
kalakal at kita ang sistemang ekonomiya. Wala Kinship – tumutukoy
pa ang kaperahan noon. Bigas o Palay ang siyang sa pamilya; relasyon
ginagamit na pamalit-kalakal ng mga pamilya sa
Barter Trade –
loob ng barangay. Karamihan ng ani o pagpapalitan o
produksyon ay inilalaan sa pampamilyang kalakal sa
pangangailangan at upang magampanan ang pamamagitan ng
mga bagay at hindi
obligasyong pampamilya o komunidad (kinship). pera.
Di naglaon, nakipagkalakal ang mga komunidad
sa mga katabing tribo o nagdadaang barko, ito ang tinaguriang “
barter trade”.
Ang mga Tsino, Hapon, at ilang nangangalakal na galing sa Europa ay
nakipagpalitan ng mga mamahaling bagay (luxury items) para sa
produktong agrikultura.
Umiiral na ba ang sistemang paghahati ng ani ng mga panahong ito?
Ang sistemang paghahati ay masasabing umiiral na. Mayroon ng
sistema na kung saan ang ilang klase ng Pilipino (tulad ng mga alipin)
ay nagsasaka ng bahagi ng lupa na pag-aari ng buong barangay at
ibinibigay ang isang parte ng ani sa datu o pinuno ng barangay.
Umiiral na ba ang Pagpapaupa (Lease) o Bentahan ng lupa sa panahong
ito ?
Oo. Pinapakita ng ilang libro ng kasaysayan ang ilang pangyayari ng
pagbebenta at pagpapaupa ng lupa.
Ang “Code of Luwaran” ay isa sa mga pinaka-lumang batas ng lipunang
Muslim na tumutukoy sa iba’t ibang saklaw/aspeto/larangan tulad ng
pagmamana, diborsyo, usury, pagpapautang at karapatang pag-aari.
May mga probisyon din ito patungkol sa pagpapaupa ng lupang
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
4. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
4
sakahan, ngunit wala itong mga probisyon sa pagtatamo, paglilipat,
cession o pagbebenta ng lupa.
Sinasabi naman ng “Maragtas Code” na ang pagbebenta ng lupa sa Isla
ng Panay sa sampung (10) datu ng Borneo ay isang gintong salakot at
mahabang gintong kwintas ang siyang naging kabayaran. Tinatayang
ito lamang ang transaksyon sa lupa na naitala sa panahong ito.
Paano naman ang kalagayan ng kababaihan noong panahon na ito ?
Bilang mga manggagawa, ang kababaihan ay may kontrol sa kanilang
pagtatrabaho at sa ani o kita. Hindi dumedepende ang mga
kababaihan sa kalalakihan upang mabuhay. Ang kababaihan ay
nagsaka, naging mga mandirigma, naging mga pinuno ng komunidad,
tribo o relihiyon at pumasok sa kalakal. (Siglo Saka : A Century of
Peasant Struggle and Contributions to Philippine Nationhood, Philippine
Peasant Institute, 1998)
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
5. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
5
Seksyon 2
Ang Panahon ng Kastila: Ang
Pagsisimula ng mga Problemang
Pagmamay-ari sa Lupa
(1521 – 1896)
Ano ang ugat ng mga problemang pansakahan o agrikultural sa
panahong ito ?
Nang dumating ang Kastila sa Pilipinas, dala-dala nila ang konsepto ng
lupaing pag-aari ng korona ng Espanya. Lahat ng lupa ay idineklarang
pagmamay-ari ng hari ng Espanya. Ang resulta nito ay ang pagkawala
ng karapatan ng mga Pilipino sa katutubong lupa.
Ano ang “ pueblo agriculture “ at paano ito umusbong ?
Ipinakilala ng pamahalaang kolonyal ang sistema ng sakahang “pueblo.
Sa sistemang ito, inorganisa ang mga katutubong komunidad na
maging pueblo at ang bawat naisa-Kristiyanong katutubong pamilya ay
inatasang sakahin ang maliit na parsel ng lupa (apat hanggang limang
ektarya).
Pueblo – isang pansakahang komunidad kung saan ang simbahan,
kumbento at “casa real” ay matatagpuan. Sa loob ng komunidad na ito
matatagpuan ang mga lupang inatasang sakahin ng mga katutubong pamilya.
Pinayagan ba ang mga katutubong pamilya na ariin ang lupang itinalaga
sa kanila sa sistemang pueblo ?
Hindi. Ang mga pamilya ay hindi nagmamay-ari ng lupa (landowners),
kundi taga-hawak/naninirikan sa lupa (landholders). Ayon sa batas
hindi maaaring magmamay-ari o magbebenta sapagkat ang mga lupang
ito ay pag-aari ng hari.
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
6. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
6
Ayon sa mga mananalaysay, ang kawalan ng karapatan sa lupa at ang
pagkawala ng kita sa ani sa dahilang pagbayad ng hati (tributes) ay
nagpalusaw ng kanilang inisyatibong pagandahin ang pansakahang
“pueblo”.
Tributes – mga bahagi ng ani o kitang pansakahan at iba pang produkto
tulad ng manukan at babuyan. Ang mga tributes ay kinulekta at binigay sa
mga Kastilang may awtoridad na nakatalaga sa mga pueblo.
Nagkaroon ba ng benepisyo ang sistemang pueblo sa mga katutubong
Pilipino ?
Nagkaroon ng benepisyo ang sistemang pueblo sa katutubo dahil sa
mga sumusunod:
Ang pamamahagi ng lupa ay pantay-pantay
Walang mga sharecropper o nagbubungkal na walang lupa
May bagong gamit at pamamaraan tulad ng paggamit ng kalabaw,
araro na ipinakilala na siyang nagpaganda ng ani
Anu-ano ang mga limitasyon ng sistemang sakahang pueblo ?
Di naglaon, nagdulot ng malawak na hindi pagkakontento sa mga
katutubo ang sistemang
pueblo. Ang pataw ng
Exaction – ito ay ang maling gawain
sapilitang pagbabayad
ng isang taong nasa awtoridad sa
(exaction) o pagbibigay ng pagpipilit ng kabayaran o gantimpala sa
kita ( tributes) ang siyang serbisyong kanyang ginawa.
nagpabawas ng bahagi ng (Black’s law Dictionary, Ikalimang (5)
mga katutubong Pilipino sa Edisyon)
ani.
Lalong pinahirapan ng mga abusadong prayle at ng sapilitang
pagtatrabaho ang buhay ng mga katutubong Pilipino.
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
7. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
7
Ano ang pinanggalingan ng Agricultural Tenancy at malawakang
Sakahang Hacienda sa Pilipinas ?
Ang mga Kalupaang Prayle, Repartiamentos, at mga Encomienda ang
nagdulot ng paglaganap ng agricultural tenancy at sistemang hacienda
sa Pilipinas. Ang mga tao sa mga lugar na ito ay naging taga-bungkal
at magsasaka. Ngunit wala naman silang karapatan sa lupa sapagkat
sila’y nagtatrabaho para sa parte lamang ng ani.
Kalupaang Prayle (Friar lands) - mga malalawak na kalupaang
ipinagkaloob ng Korona sa mga samahan o korporasyong relihiyoso.
Repartiamentos – mga lupang kaloob sa mga Kastilang military bilang pabuya sa
kanilang serbisyo sa Koronang kastila.
Encomiendas – mga malawak na lupaing kaloob sa mga Kastila upang
pangasiwaan at paunlarin kasama ang karapatang tumanggap at magtamasa
ng mga tributes mula sa mga katutubong naninirahan sa loob ng encomienda.
Sa mga lupang kaloob na ito, ang karapatang pag-aari ay ginagawad sa mga
tagapagmana ng mga encomienderos (caretakers)
Tagapagmana– mga taong tagapagmana ng ari-arian, anuman ang klase nito.
Sa pamamagitan ng batas, kanilang minamana ang karapatan sa ari-arian sa
punto ng pagkamatay ng kanilang ninuno.
Nakapagdulot ba sa pagpapalaganap ng mga problemang paupahan ng
panahong ito ang Kalupaan ng mga Prayle ?
Oo. Ang mga Lupang Prayle ay ginamit sa mali at inabuso. Naging
masahol na encomiendero ang mga prayle. Hindi nila sinaka o pina-
unlad ang lupa. Pinaupahan nila ang mga lupa sa mga inquilino sa
takdang taunang lupa. Inabuso naman ng mga inquilino ang kanilang
posisyon.
Inquilinos – mga nakakarangyang katutubo at mestizo na umupa ng mga
malalawak na lupaing prayle o encomienderos at muling ipina-renta (sub-
lease), isinangla, o ibinenta ang kanilang karapatan sa mga katutubong
magsasaka. Sila ang umusbong na isa pang klase ng may-ari ng lupa.
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
8. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
8
Nang gamitin ang mga lupaing prayle sa produksyon ng mga
produktong pang-angkat, lalong nag-ibayo ang panlalamang at
paggamit sa mga magsasaka.
Karagdagan pa, tinaasan ang taunang renta at ang karagdagang ito ay
kinuha sa bahagi ng ani ng mga magsasaka, at iniiwan silang nasa nibel
ng kahirapan.
Anu-ano ang mga mapang-aping gawain sa loob ng mga encomienda ?
Bagama’t hindi naman ina-ari ng mga encomienderos ang lupang nasa
kanilang poder, pawang mga may-ari ng lupa na rin sila na kinokolekta
ang mga tribute mula sa mga tao sa encomienda. Di naglaon, ang mga
tributes ay naging renta mula sa mga taong nakatira sa lugar.
Ang sistemang “ compras y
vandalas “ ang nagpilit sa mga Compras y Vandalas – (benta at
bahagi / kota), isang sistema na
tao sa encomienda na ginawang sapilitan ang pagbenta o
magbenta ng mababang pagsuko ng mga agrikulturang ani ng
halaga na siya namang mga magsasaka sa mga Kastilang nasa
kapangyarihan. Kung minsan umaabot
ibinenta ng mga ito sa pagkukumpiska sa dahilang ang
encomiendero sa mas mataas kabayaran ay ayon sa kasulatan ng
pagkakautang (promissory note)
na kita. Ang mga taga
encomienda ay kinakailangang
magbigay ng personal na serbisyo sa publiko at relihiyosong gawain at
magsilbing katulong sa bahay ng mga encomienderos.
Gumamit ang mga encomienderos ng mga mapang-api at marahas na
mga hakbang upang makuha ang mga tributes, bagay at gamit mula sa
katutubo.
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
9. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
9
Bakit maraming lupa ang napunta sa pag-aari ng iilang pamilya sa
panahong ito ?
Noong 1865, nagpalabas ang Hari ng Espanya ng isang batas na
nagmandato sa mga may-lupa na ipatala o iparehistro ang kanyang
pagmamay-ari. Dahil ang batas at mga dokumento ay nasa wikang
Espanyol, maraming pamilyang magsasaka
ang hindi nakapagpatala ng kanilang Caciques – mga
pinunong lokal o kasapi
lupain.
sa mapapalad na klase na
nabigyan ng karapatang
Ang mga lupaing katutubo ay naipatala sa mangolekta ng mga
tributes. Ginamit nila ang
pangalan ng ibang tao, partikular ang mga kapangyarihan at posisyon
pinagpala tulad ng mga caciques, upang abusuhin ang mga
inquilinos, at mga tusong opisyal na magsasaka. Di naglaon,
nakapagsamsam sila ng
Kastila. Bilang resulta, ang mga aktuwal malalawak na lupain at
na nagsasaka ay naitaboy sa mga lupang yaman.
sinasaka ng ilang siglo o kaya’y napilitang
maging magbubungkal.
Sinuportahan ba ng Pamahalaan ng Madrid ang mga pang-aabuso at
pang-aapi sa mga Pilipino ?
Sa katunayan, sinubukang protektahan ng mga nasa awtoridad sa
Madrid ang mga katutubo mula sa pang-aabuso ng mga
makapangyarihang Kastilang opisyal na nakatalaga sa Pilipinas.
Nagpasimula ito ng ilang pagbabago at nagbanghay ng ilang batas para
maayos ang sistema.
Subali’t, karamihan sa mga pagbabagong ito ay hindi nakatulong sa
mga katutubong hindi nabahaginan ng kaalaman o binahaginan ng
maling kaalaman. Kaya’t anumang pagbabago ay nagdulot ng
karagdagang pang-aabuso.
Ang mapang-abusong paghahati ng ani (crop sharing), ang mapang-
aping sistemang (tribute) at upa ay nagpatuloy. Nagresulta ito sa
isang mapang-abusong kalagayan ng pagmamay-ari ng lupa sa Pilipinas.
Ang lahat ng ito naman ay nagtulak sa mga magsasaka na suportahan
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
10. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
10
at sumapi sa rebolusyonaryong
Katipunan – isang
pagkilos o ang Katipunan . Kung kaya’t sikretong
ang mga magsasaka ang bumuo ng rebolusyunaryong kilusan
pangunahing puwersa sa rebolusyong na inorganisa ni Andres
Bonifacio noong 1896.
Pilipinas noong 1896.
Ano naman ang naging papel ng mga kababaihan sa rebolusyon ?
Ang mga kababaihan ay gumanap ng importanteng papel sa pagpaplano
at pagsasatupad ng mga gawain ng rebolusyon. Lumaban silang katabi
at kasabay ng mga kalalakihan para sa kalayaan.
Ano ang mahalagang kontribusyon ng mga Rebolusyonaryo upang
masagot ang problema sa pagmamay-ari ng lupa ?
Kinumpiska ng rebolusyonaryong pamahalaan ang malalawak na
kalupaang pagmamay-ari, lalung-lalo na ang mga lupaing prayle at
idineklara itong pag-aari na ng pamahalaan (Artikulo XVII, Saligang
Batas ng Malolos, 1896).
Sa anong paraan nagbago ang kalagayan o estado ng mga kababaihan ng
mga panahong ito ?
Ang Kastilang pananakop ay nagdulot ng pagbabago sa pagtingin, mga
papel na ginampanan, at mga inaasahan sa mga kababaihan.
Tinitingnan ng batas at kulturang Kastila ang mga kababaihan bilang
mas mababa sa kalalakihan. Itinuturing silang mga ari-arian ng
kalalakihan. Wala silang karapatang mag-ari ng sariling ari-arian.
Ginamit sila bilang bayad-utang sa mga utang ng kanilang ama o asawa.
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
11. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
11
Seksyon 3
Ang Panahon ng Amerikano: Ang
Pagkakataon
para sa Reporma
(1898 – 1935)
Sinubukan ba ng Amerikano na ayusin ang kalagayan ng mga
magsasaka at umuupa sa lupa?
Oo, nilayon ng mga Amerikano na tapusin na ang kaaba-abang
kondisyon ng mga nag-uupang nagbubungkal at maliliit na magsasaka.
Ilang batas ang ipinasa upang maayos ang depektibong sistema ng
palupa at ang pagsasaayos ng pamamalagi sa lupa.
Hinikayat ang mga maliliit at malayang may-ari ng lupa na bumuo ng
mga samahan upang makapaglikha ng isang demokrasya sa Pilipinas at
upang mapigilan ang paghawak at monopolyo ng mga cacique,
malalaking may-ari ng lupa at mga kaanib nila sa lupa.
Subali’t hindi lahat ng kanilang gawa ay nagbunga. Hindi rin nila
lubusang napaganda ang kalagayan ng mga magsasaka.
Ano ang direksyon ng polisiyang palupa sa panahon ng Amerikano ?
Nilayon ng mga polisiyang palupa na palawakin ang lupa ng mga maliliit
at ang paghati-hatiin ang lupang pag-aari sa mga mas nakakaraming
magsasakang Pilipino.
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
12. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
12
Ano ang di-sinasadyang negatibong resulta ng mga polisiyang palupa
ng mga Amerikano ?
Imbes na ayusin ang kalagayang pag-aari sa palupa, lalo nilang pinalala
ito. Ang pag-aari ng lupa ay muling napunta sa mga kamay ng iilang tao
at mas maraming lupa ang napasailalim sa sistemang paupa.
Sapagkat, sa bentahan ng lupa, walang limitasyon na ipinataw sa laki
ng lupa na pwedeng ariin ng isang tao. Karagdagan pa, tanging ang mga
mayayaman lamang ang nakabili ng lupa at ipatala ito at nagtamo ng
takdang titulo sa kanilang ari-arian.
May ginawa ba ang mga Amerikano upang paunlarin o umareglo sa
relasyong pananakahan ng may-ari ng lupa at magsasaka ?
Bagama’t
Oo. Sa katunayan ang mga Amerikano ang naisabatas na ang
unang umayos sa sistemang partihan ng Act No. 4054 noong 1933,
ang pagiging epektibo
maylupa at magsasaka sa pamamagitan ng Rice
nito ay sa panahon ng
Share Tenancy Act of 1933 o Act No. 4054. administrasyon ni
Pangulong Manuel L.
Quezon
Ano ang unang reaksiyon ng mga grupong pesante sa pagdating ng
mga Amerikano ?
Ayon sa ilang dalubhasa sa kasaysayan, ang mga samahang pesante ay
nagkaroon ng mapagmasid at mapaghintay na pagtingin dito. Ito ay
dahil sa kapagurang naranasan matapos ang ilang taong pakikipaglaban
sa panahon ng rehimeng Kastila. May ilang mga dalubhasa namang
nagsasabi na naging aktibo ang mga pesante sa pag-oorganisa ng
kanilang hanay sa mga unang taon ng Amerikano.
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
13. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
13
Anu-ano ang mga balakid o pahirap na hinarap ng mga Amerikano
nang sinubukan nilang magpakilala ng mga kagalingan sa lupang pag-
aari at paupa ?
Hindi nais ng Amerikano na galitin ang mga
maylupa, sapagkat kailangan nila ang tulong Illustrado – nationalista –
ng mga ito sa pagtatayo ng pamahalaang mga Pilipinong opisyal
ng pamahalaan
sibil sa Pilipinas. Sa dahilang ito, maingat
silang nagpatuloy sa kanilang reporma.
Karagdagan, ang mga ilustrado-nationalista ng mga panahong ito ay
mas pinapahalagahan ang isyu ng kasarinlan o awtonomiya ng Pilipinas.
Ang pagpapahalagang ito ay binigyang prayoridad kaysa sa pag-aayos
o pagresolba ng usaping pag-aari sa lupa at ang kalagayang paupa.
Paano tumugon ang samahang pesante sa pagpapa-walang bahala ng
usaping pag-aari ng lupa at paupa ?
Nagbunga sa malawakang pesanteng pag-aaklas
at panlipunang kaguluhan ang pagpapawalang- Colorum / Sakdalista –
mga kilusang binubuo ng
bahala sa mga usaping ito. Sa mga taon ng 1920
armadong pesante
at 1930, sumiklab ang aklasang Colorum na kumikilos sa Luzon at sa
sinundan ng pagkalat ng aklasang Sakdalista . Sa Hilagang silangang
Mindanao.
mga taong 1930, nagsanib sa isang kolektibong
kilusan ang militanteng samahang pesante at
manggagawa laban sa pang-aabuso ng mga may-ari ng lupa. Dito
isinilang ang Partido Komunista ng Pilipinas (Communist Party of the
Philippines).
Ano ang nangyari sa mga Lupaing Prayle sa panahon ng Amerikano ?
Isang pangunahing kahirapan ang usaping lupaing prayle sa rehimeng
Amerikano. Ang mga naglalawakang lupang ito ay sakop ng mga
titulong inilabas ng rehimeng Kastila. Inobliga ng Treaty of Paris ang
mga Amerikano na kilalanin ang mga titulong ito kaya’t naprotektahan
ang interes ng mga prayle dito.
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
14. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
14
Treaty of Paris – isang pormal na kasulatan tungkol sa paglilipat ng
pangangasiwa sa Pilipinas at ibang bansa mula sa Espanya tungo sa Estados
Unidos ng Amerika. May mga partikular na probisyon tungkol sa karapatang
pagmamay-ari ng mga pribadong establisimiento, samahang relihiyoso at
mga indibidwal na umiiral sa panahon ng Kastila. (Treaty of Paris , ika-10 ng
Disyembre, 1898)
Ang pinakamabisang solusyong inalok ay ang negosasyon para sa
pagbili ng lupaing prayle at muling ibenta sa mga magsasaka sa
sistemang hulugan.
Ninais ng mga Amerikano na bilhin ang iba pang malalawak na lupain at
muling ibenta sa mga umuupang magsasaka. Subali’t hindi ito nangyari.
Bakit pinairal ng mga Amerikano ang sistemang Torrens sa pagpapatala
ng lupa ?
Dahil sa depektibong sistema ng pagpapatala ng lupa ng Kastila, halos
400,000 katutubong magsasaka ang wala pa ring titulo sa simula ng
panahon ng Amerikano. Lalo itong pinalala ng kawalan ng mga datos at
dokumento ng nailabas na titulo at maayos na surbey sa lupa. Upang
bigyang lunas ang kalagayang ito, pinairal ang Torrens System ng
pagpapatala ng lupa bilang kapalit sa sistema ng pagpapatala ng mga
Kastila.
Torrens System – tumutukoy sa sistema ng pagpapatala ng pamahalaan na ang
layunin ay ang pagtatag at pagsertipika ng pagmamay-ari ng isang lupa at
gawing simple ang paglilipat ng pag-mamay-ari nito.
Ang Land Registration Act ng 1902 o Act No. 496, ang siyang nagpairal at
tumukoy sa pagpapatupad ng sistemang ito.
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
15. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
15
Ano ang Programang Homestead ng 1903 ?
Pinapayagan ng Homestead Program ang
isang masigasig na magsasaka na magtamo Public Domain (Lupang
Pampubliko) – tumutukoy sa ari-
ng di lalampas ng labing-anim (16) na
arian na pag-aari ng publiko,
ektarya para linangin mula sa malawak na para sa gamit publiko o ang
lupang pampubliko. Ang Unang Public Land siyang eksklusibong
pagmamay-ari ng estado na
Act of 1903 o Act No. 926 ang nagpairal hindi para sa gamit ng lahat
at tumukoy sa pagpapatupad ng (Philippine Law Dictionary,
programang ito. Moreno)
Bakit hindi naipatupad ang Programang Homestead sa buong bansa ?
Pinairal lang ang programa sa ilang lugar ng Mindanao at Hilagang
Luzon kung saan may mga lupang pampubliko na maaaring mahiwalay at
maibenta (alienable and disposable).
Paano nakaambag sa kalagayan ng mga Pilipina ang Amerikanong
Pananakop ?
Sa panahong ito, pinairal ang pampublikong edukasyon sa mga
kababaihan. Umabot din sila sa mas mataas na edukasyon. Ilan sa
kanila ay naging mga guro. Ilan naman ay pinadala sa Estados Unidos
para maging mga iskolar.
Hinikayat ang mga kababaihan na bumuo at
sumali sa mga samahang pangkababaihan. Di
Suffrage (probilehiyong
naglaon, nakamit nila ang pribilehiyong
bumoto) –ay ang pribilehiyo
bumoto (suffrage) nang ipinasa at na bumoto sa pampublikong
pinirmahan ang batas sa pagboto ng eleksyon. (Black’s Law
Dictionary, 5th Edition)
kababaihan noong Disyembre 1933, na
pinairal noong ika–1 ng Enero 1935
(kabanata XII, Kasaysayan: The Story of the Filipino People, Tomo
VI, Under the Stars and Stripes).
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
16. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
16
Nagsimula nang magtrabaho sa labas ng kanilang tahanan at naging
parte ng pwersang paggawa ang kababaihan. Subali’t mas mababa ang
sahod o binabayad o kaya’y nasa mas mababang posisyon sa pagawaan
ang mga kababaihan. Dagdag dito ang pagtatayo ng mga base militar
na nagdulot ng problemang panlipunan tulad ng prostitusyon.
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
17. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
17
Seksyon 4
Ang Panahong Komonwelt:
Pag-aayos ng mga Kamalian
(1935 – 1942)
Ano ang naging kalagayan ng paupa at pagmamay-ari ng lupa sa
panahong ito ?
Naging pangkaraniwan ang matinding pagkakaiba ng buhay ekonomiko
at pampulitika ng magsasaka at nagmamay-ari ng lupa. Habang
yumayaman at lumalakas ang mga mayaman, ang mga magsasaka naman
ay tinanggalan ng karapatan at naging mas mahirap.
Dumami ang mga absentee landowners. Wala silang ipinakitang
interes sa mga gawaing pagsasaka. Pinili nilang huwag manatili sa
kanilang lupa, at sumubok ng kapalaran at opurtunidad sa mga
lungsod. Iniwan nilang tiwangwang ang mga sakahan o sa pangangasiwa
ng mga mapang-aping mga katiwala. Nagdulot ito ng mga haciendang
di maayos at makatarungan ang pamamalakad.
Ang maliit na lupang sinasaka ng pangkaraniwang magsasaka ay hindi
sapat para sa ikabubuhay ng kanyang pamilya.
Inako ng mga magsasaka ang mga matataas na multa, hindi
makatarungang pagbubuwis at pautang. Lalo nitong pinalala ang
kanilang kalagayang ekonomiko at lalong sinadlak sila sa kahirapan.
Kulang ang sistema ng pautang at pagbebenta ng bigas. Dahil dito, ang
mga magsasaka ay tumanggap ng di makatarungan at lubhang
mababang presyo sa bigas.
Kumalat ang mga aklasang magsasaka sa buong bansa.
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
18. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
18
Ano naman ang paunang tugon ng pamahalaan sa mga hamong ito ?
Sa ilalim ng pangangalaga ni
Pangulong Quezon, natanto ng Paglilipat-tirahan (Resettlement) –
tumutukoy sa libreng pagbabahagi ng
pamahalaan na kailangan ng agrikulturang lupang pampubliko sa
agarang pagpapatupad ng mga mga magsasakang walang lupa at
repormang palupa. manggagawang bukid at upang
hikayatin ang paglilipat sa mga lugar na
hindi pa gaanong natitirahan para
Katulad din ng Amerikano, palawigin ang produksyon,
nakita ang pagbili ng mga pagkakaroon ng trabaho at itaas ang
antas ng kabuhayan ng tao.
Lupaing Prayle bilang
posibleng paraan para
masagot ang problema ng di-pantay na pagmamay-ari ng lupa.
Nakita rin na ang programang Homestead ay maaaring magamit bilang
isang malawakang programang paglilipat-tirahan (resettlement), kung
maipapatupad lang na maayos.
Anu-ano naman ang mga balakid na hinarap ng pamamahala ni
Quezon ?
Ang pagka-walang pakialam ng mga elitistang may-lupa ang siyang
naging balakid sa pagpapatupad ng anumang hakbang na ipinanukala sa
panahong Komonwelt. Siniguro ng mga may-ari ng lupa na siyang nasa
Kongreso na hindi magiging matagumpay ang mga panukala.
Dagdag pa rito, sumiklab na ang Ikalawang Pandaigdigang Digmaan
bago pa masubukan ang anumang hakbang tungkol sa pagmamay-ari at
paupa sa lupa.
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
19. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
19
Seksyon 5
Ang Pananakop ng Hapon:
Paglaban sa mga Balakid
(1942 – 1946)
Anu-ano ang mga pangunahing suliranin ng ating kababayan nang
panahong ito ?
Halos tumigil ang pagsasaka at produksyong industriyal dahil sa
patuloy na digmaan. Karaniwan ang kahirapan at pagkasira ng ari-
arian. Sa pangkalahatan, ang pangunahing suliranin ng panahong ito ay
ang kasiguruhan: paano nila poprotektahan ang kanilang sarili, pamilya
at kabuhayan: paano makakuha ng sapat na pagkain para sa kanilang
pamilya.
Anu-ano ang mga mahahalagang pangyayari tungkol sa lupang agraryo
sa pananakop ng Hapon ?
Sa pagdating ng Hapon, dumami at lumakas ang mga samahang
pesante at manggagawa. Isang gintong pagkakataon ang digmaan para
ipakita ang inisyatibo ng tao at ang pagtulak ng mga programa para sa
maralita.
Sa ibang lugar nagpatupad ng de facto na
programang reporma sa lupa ang mga HUKBALAHAP – Hukbong
Bayan Laban sa Hapon. Isa
HUKBALAHAP. Kanilang sinakop ang mga itong kilusan pesante na
hacienda at ibinahagi ang lupa at ani nito binuo noong 1942 upang
sa mga tao. lumaban sa mga hapon.
Kanilang nakontrol ang
malalawak na lugar sa
Kung minsan, nagiging pribilehiyadong Gitnang Luzon kung saan
nakaluklok ang kanilang
klase ang mga magsasaka sa dahilang
masang base.
nadidikta nila ang presyo ng kanilang ani.
Halimbawa, ang isang kaban ng bigas ay De Facto – ang umiral nang
walang legal na awtoridad.
maaaring ipalit sa isang piyano.
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
20. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo
20
Anu-ano ang mga naging karanasan ng ating kababaihan ng mga
panahong ito ?
Sinuportahan at pinagsalihan ng ilang malayang kababaihan ang
kilusang gerilya at aklasan. Subali’t karamihan ng kababaihan ang
nagkaroon ng nakaririmarim na karanasan sa dahilang sila’y ginahasa o
kaya’y pinilit na maging “comfort women” ng mga tropang Hapon.
Karamihan sa kanila’y dumanas ng matinding pagkawala ng nutrisyon
at gutom. Ang takot at kawalan ng seguridad ang siyang nangunguna
sa kanilang isipan.
TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN