2. TULDOK ( . )
1. Sa wakas ng pangungusap na pasalaysay, paturol at
pautos.
2. Sa mga salitang dinaglat tulad ng ngalan ng tao,
titulo o ranggo, pook, sangay ng pamahalaan,
kapisanan, buwan, oras at bansa.
3.Tinutuldukan ang tambilang at titik sa bawat hati ng
isang balangkas o talataan.
4. Inilalagay ang tuldok sa loob ng panipi, ngunit sa
labas naman ng panaklong.
Hal: Si Bb. Jesusa Cruz ay napiling kinatawan ng R.T.U
para sa pagpupulong. Tinalakay dito ni Hon. Speaker
Manuel B. Villar, Jr. ( Speaker, House of
Representatives 11th
Congress) ang paksang “ Ang
Pangangalaga sa Kapaligiran.”
3. PANANONG ( ? )
1.Sa katapusan ng pangungusap na tuwirang
nagtatanong.
Hal: Kailan matatapos ang paghihirap ko?
2. Sa pagpapahayag ng pag-aalinlangan sa
katumpakan ng sinusundan.
Hal: Nakasa kaya si Antonio sa Board Exam?
4. PADAMDAM ( ! )
1. Ginagamit sa mga sambitla. Hal: Takbo!
Bilisan mo.
2. Ginagamit pagkatapos ng mga salita, parirala
o pangungusap na nagsasaad ng matinding
damdamin.
Hal: Kabaliwan! ang mga ginagawa mo.
5. MGA GAMIT NG MALAKING TITIK
1. Pamagat
2. Ang mga pangalan ng samahan, organisasyon at
klub, kapag ang mga ito ay bahagi ng opisyal na
pamagat.
3. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangalan
kapag tumutukoy sa pagmamay-ari nito.
4. Paaralan, akademya, gusali, kalye, sinehan, at iba
pang mga katulad na bahagi ng pamagat.
5. Pangalan ng estado, subalit hindi ang munisipyo
at mga departamento ng pamahalaan.
6. 6. Silangan, Kanluran, Gitnang Silangan, Timog,
Hilaga kapag ginagamit upang maituro ang
bahagi ng bansa.
7. Ang mga pangalan ng libro, laro, talumpati,
awitin, patunguhan ng isang liham at iba pang
katulad.
8. Ang mga pangalan ng pahayagan at magasin.
9. Mga palayaw ng mga manlalaro at mga
kaakit-akit na pangalan ng estado at lunsod.
10. Kapansin-pansin na mga pangyayari,
digmaan, lahi, nasyonalidad at kapistahan.
7. 11. Mga pangalan ng sekta ng relihiyon,
partidong politikal, Bibliya, mga salitang ukol
lahat dito at ang lahat ng pangalang gamit
para sa Panginoong Diyos.
12. Mga isla, ilog, dagat, at look kapag ginagamit
bilang tiyak na pangalan. Mga natatanging
salita ng mga pangyayari sa paaralan.
Pagdadaglat ng mga kurso sa kolehiyo.
8. KUWIT/ COMMA ( , )
1. Ginagamit sa paghihiwalay ng oras, taon, baryo, bayan,
lalawigan, kalye, distrito at lunsod.
Noong Hulyo 13, 2002 ay lumipat sila sa Brgy. Dolores,
Antipolo City.
2. Ginagamit sa paghihiwalay ng sunud-sunod na mga
salita, parirala at sugnay sa pangungusap.
Hal: Ang mga bayaning sina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del
Pilar at Graciano Jaena ay pawang mga propagandista,
na gumising sa damdamin ng mga Pilipino.
9. 3. Sa paghihiwalay ng mga tuwirang sipi sa ibang
bahagi ng pangungusap.
4. Pagkatapos ng salitang Oo. At Hindi.
5. Sa paghihiwalay ng tuwirang sipi sa ibang
bahagi ng pangungusap.
6. Upang maging wasto at madali ang pagbasa
ng pangungusap.
7. Pagkatapos ng bating panimula at pangwakas
ng liham.
10. TUTULDOK ( : )
1. Ginagamit kung may tala o lipon ng mga salita
na kasunod o ang mga sumusunod.
Hal: Maraming mga halaman ang namumulaklak
tulad ng : rosas, orchids, santan at iba pa.
2. Pagkatapos ng bating panimula ng promal na
liham o liham-pangangalakal.
3. Sa paghihiwalay ng minuto at oras, sa yugto
ng tagpo ng isang dula, sa kabanata at
taludtod ng Bubliya at sa mga sangkap ng
talaaklatan.
11. TULDUKUWIT ( ; )
1. Maaring gamitin sa katapusan ng bating
panimula sa liham pangangalakal.
2. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng
tambalang pangungusap kung hindi pinag-
uugnay ng mga pangatnig.
Hal: Naguguluhan siya sa buhay; naiisip niya ang
maglayas.
3. Sa unahan ng mga salita at pariralang tulad ng
:halimbawa, gaya ng, paris ng at iba pa kung
nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.
12. KUDLIT ( ‘ )
Ginagamit bilang pananda sa titik na
nawawala sa dalawang salitang
pinag-uugnay ng ay at at.
13. GITLING ( - )
1. Ginagamit sa pagitan ng panlaping
nagtatapos sa katinig at salitang ugat
na nagsisimula sa patinig.
Hal: pag-ibig, sang-ayon, basag-ulo,
mag-asawa
2. Ginigitlingan ang pagitan ng mga
salitang inuulit na may kahulugan.
Hal: sinu-sino, tagpi-tagpi, tayu-tayo
14. 3. Ginigitlingan ang mga pantanging ngalan
kapag inuunlapian ng maka at taga. Hal:
Maka-Quezon, taga-Rizal
4. Sa pagitan ng unlaping ika at tambilang.
Hal: ika-4 ng Hulyo, ika-7:00 N.H.
5. Kapag may nawawalang kataga sa
pagitan ng dalawang salitang pinag-
uugnay at nagkakaroon ng pangatlong
kahulugan. Hal: tubig-alat, pakitang-tao
15. PANIPI ( “ ” )
1. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi
ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi.
Hal: “Hindi kinukupkop ang kriminal,
pinaparusahan” ang sabi ni Pangulong
Estrada.
2. Ginagamit upang magbigyang diin ang
pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat
at iba’t ibang mga akda.
Hal: Nagbukas ng muli ang “Manila Times.”
3. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang
banyaga.
16. PANAKLONG ( )
1. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.
Hal: Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal)
ay mahusay.
2. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na
inuulit upang matiyak angkawastuhan. Hal:
Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa
bansang Turkey ay humigti kumulang sa
labindalawang libong (12,000) katao.
3. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag
ng taon.
Hal: Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )
17. PAGDADAGLAT/ABBREVIATION
1. Daglatin ang mga titulo ng iba’t ibang kuro sa
Ingles tulad ng BSE, PHD, M.A
2. Mga kompanya, korporasyon, inkorporasyon
sa hulihan ng pagalan ng samahan. Hal:
Liwayway Publishing Co., Cruz Baun, Inc.
3. Ilan sa mga ngalan ng bansa ay maaring
daglatin.
4. Daglatin ang mga Santa, Sanro, Fort at Mount
18. 5. Huwag daglatin ang mga pangungusap sa
daglat. Huwag magdadaglat bago gamitin ang
buong pangalan maliban sa mga pangalan ng
mga kilalang ahensya tulad ng DEPED,
MERALCO, atbp.
6. Street, boulevard, drive, road, pagkatapos ng
pangalan: Taft Ave., Roxas Blvd., Kennon Rd.
7. Gamitin ang salitang porsyento hindi ang
simbolong % sa katawan ng balita. Ang
simbolong % ay maaaring gamitin sa
tabulasyon.
19. 8. Mga ngalan ng buwang mahahaba ang
pangalan kung sinusundan ng petsa tulad
ng Okt. 17, Nob.3, Set. 1. Huwag
maglagay ng kuwit sa pagitan ng buwan
at taon: Abril 2013
9. Ang titulo ay dinadaglat kung nasa
unahan ng buong pangalan. Sinusulat
nang buo kung apelyido lamang ang
kasunod.
Dr. Arturo Cruz, Doctor Cruz
20. 10. Ang titulong Pangulo, kung saan ang
tinutukoy ay ang pinakamataas na
oposual sa bansa ay nasusulat sa
malaking titik maging ito’y nangunguna
sa pangungusap o nasa loob ng
pangungusap:
* Nakapanayam namin ang Pangulo ng
Malacañang.
* Naihalal n apangulo ng samahan si Willie
Zabe.
22. TAMBILANG/ FIGURES AND NUMBERS
1. Ang bilang 10 pababa ay isinusulat sa titik;
ang mga bilang na mataas pa sa sampu ay
isinusulat sa numero.
2. Kung maraming bilang ang napapaloob sa
isang pangungusap, maging mababa man o
mataas sa sampu, ay kailangang iisa ang
anyo.
3. Huwag umpisahan ang pangungusap sa
numero. Ang dapat ay isulat ito ng buo.
23. 4. Kapag ang pamilang na pamahagi ay nag-
iisa sa pangngusap, ito’y isinusulat sa salita,
ngunit kung ito’y sunod-sunod na, isulat sa
numero:
Kaya mo bang pagsamahin sa 30 segundo ang
1/2, ¼ at 1/8?
5. Isulat sa numero ang mga sukat. Gayundin
ang timbang at dimensyon.Daglatin ang
ngalan ng sukat, timbang, dimensyon atbp.
Hal: 6 sal. (salop), 12 gal. (galon) 3kb. (kaban)
24. Gamit ang ng:
* Bilang pantukoy: Dinalaw ng bata ang
puntod ng kanyang magulang.
* Bilang pang-ukol na ang katumbas sa
Ingles ay “with” :
Iginuhit niya ng krayolo ang larawan ni
Inay.
25. *Bilang pang-ukol na ang katumbas ay sa:
Nagsitungo ng Makati ang mga raliyista.
* Bilang pang-ukol na nagpapakilala ng
pangalang paari:
Si Mae ay nagtalumpati ng makabagbag
damdamin.
* Bilang tagaganap ng kilos: Si Ella ay
naghanda ng pagkain.
26. Gamit ng nang:
* Bilang pangatnig sa hugnayang
pangungusap bilang panimula ng
katulong na sugnay o sugnay na di-
makakapag-isa:
Nang di pa s’ya nagsasalita, marami ang
nagtanong sa kanya.
Nagsalita ang Pangulo, nang manawagan
na ang lahat ng sektor.
27. * Bilang pang-abay na nanggaling sa “na” na
inangkupan ng “ng” kaya’t nagiging “nang’:
Pagkakita sa anak ay niyakap nang mahigpit at
nangako ng tapat.
* Bilang salitang nangangahulugan din ng “para
o upang”
Parating manalagin nang malayo sa
kapahamakan.
* Bilang panggitna sa mga salitang inuulit: aral
nang aral
28. I. GAMIT ANG NG/NANG:
1. Isang matapang na sundalo ang may hawak
___ katibayan sa kaso.
2. Binusog ako ni Inay ___ pangaral.
3. Ang buong kapulungan ay nakinig ___
salaysay ni Bishop Cruz.
4. Si Pearl ay nagalak ___ malaman niyang siya
ang nagwagi.
5. Si Mikay ay gumawa ___ sulat para sa
kanyang nililigawan.
29. 6. Pinitas ___ bata ang hinog na bayabas.
7. Mapakla ang bunga ___ kamatsili na
iyan.
8. Nakita rin ang takip ___ mangkok.
9. Inayos ___ beautician ang kanyang
buhok.
10.Ang mga mag-aaral ay matamang
nakikinig ___ may marinig silang sigawan
sa di kalayuan.
30. 11. Pakinggan nating mabuti ang nagsasalita ___
ganap nating maunawaan ang mga
pangyayari.
12. Sayaw ___ sayaw sina Darlito, Heither at
Tifany.
13. Mag-aaral kang mabuti ___ makamit mo ang
tagumpay.
14. Labis ang kaligayah ni Clarisse ___ nananalo
sa paligsahan si Real.
15. Ang pakiusap ___ guro ay pinagbigyan.
31. II. PUNAN NG WASTONG MGA SALITA ANG MGA
SUMUSUNOD NA PANGUNGUSAP:
1. Saan (daw, raw) gaganapin ang paligsahan sa pag-awit?
2. (Sina, Sila) Diana at Angela ang bagong kinikilalang
manananggol sa amin.
3. Nagtagumpay (sila, sina) sa kanilang mithiin.
4. Sa bukid, (doon, roon) makikita ang mga batang
magsasaka.
5. Sinikap (kong, kung) maging mabuti para sa bayan.
32. I. Nasa tuwid na daan na ang pilipinas! Ito ang
pahayag ni pang. Noynoy.
II. Ito ang magandang balitang laman ng talumpati ng
lahat ng Presidenteng tumuntong sa entablado ng
Kongreso para sa kanilang State Of The Nation Address
SONA. Ito din ang inaasahang ibubulalas ni pang. G.
Benigno Aquino, III sa harap nang bayan, sa Hulyo 23…
Pero ang masamang balita hindi, ito totoo. Di tuwid ang
daang binabagtas ng administrasyon ni G. Aquino.
III. Sa totoo lang wala namang pinagiba talaga si Aquino
sa nakaraang mga Presidente. Kahit sa kanyang
nakaraang 2 (SONA), walang pinagiba si Aquino tulad ng
iba, tulad ni Arroyo, ibinida nya ang kanyang sariling
admin. Ibinandera niya ang “kawastuhan” raw ng landas
nang kanyang pamamahala.
33. IV. Kung tutuusin, ito ang tunay na korap na pulitika
“ang pagkiling ni Aquino” sa interes nang kanyang
pinag-mulang uri.
V. Samantala, inaasahang ibabandera rin ni
Aquino sa SONA ang pagkamit ng 6.4% pagtaas
raw sa Gross Domestic Product-GSP sa 1 kuwarter
ng Mayo, 2012. Pero sino ba ang nakararamdam
ng “kaunlarang” ito …
VI. Kong may mang nakaramdam ng “pag-unlad”,
itoy mga dayuhang kapitalista at Foreigner na nag-
papakasasa sa tumataas nilang kita habang
pinananatiling barya ang sahod ng mga
manggagawa. Ito ang testamento ng kalunus lunos
na State Of The Nation ng Pilipinas?
34. I. “Nasa tuwid na daan na ang Pilipinas!” Ito ang
pahayag ni Pang. Noynoy.
II. Ito ang magandang balitang laman ng talumpati ng
lahat ng presidenteng tumuntong sa entablado ng
Kongreso para sa kanilang State of the Nation Address
(SONA). Ito rin ang inaasahang ibubulalas ni Pang.
Benigno Aquino III sa harap ng bayan sa Hulyo 23. Pero
ang masamang balita, hindi ito totoo. Hindi tuwid ang
daang binabagtas ng administrasyon ni Pangulong
Aquino.
III. Sa totoo lang, wala namang pinag-iba talaga si
Aquino sa nakaraang mga Presidente. Kahit sa kanyang
nakaraang dalawang SONA, walang pinag-iba si Aquino
tulad ng iba, tulad ni Arroyo, ibinida n’ya ang kanyang
sariling administrasyon. Ibinandera niya ang kawastuhan
daw ng landas ng kanyang pamamahala.
35. IV. Kung tutuusin, ito ang tunay na korap na
pulitika: ang pagkiling ni Aquino sa interes ng
kanyang pinagmulang uri.
V. Samantala, inaasahang ibabandera rin ni
Aquino sa SONA ang pagkamit ng 6.4 porsiyento
pagtaas daw sa Gross Domestic Product (GDP) sa
isang kuwarter ng Mayo 2012. Pero sino ba ang
nakararamdam ng kaunlarang ito?
VI. Kung mayroon mang nakaramdam ng pag-
unlad, ito’y mga dayuhang kapitalista at
“foreigner” na nagpapakasasa sa tumataas nilang
kita habang pinananatiling barya ang sahod ng
mga manggagawa. Ito ang testamento ng
kalunus-lunos na State of the Nation ng Pilipinas.