2. 1979
• Ang hukbong Sobyet ay
pinasok ang Kabul, punong
lungsod ng Afganistan upang
suportahan ang pangulo ng
bansang si Hafizullah Amin
mula sa pag-aatake ng mga
gerilya.
3. • Marami ang hindi sang-ayon sa
pamamalakad nito kaya naman libo
libong mga Muslim ang inaresto at
maraming lumisan ng Kabul at
umakyat sa kabundukan upang
matakasan ang awtoridad ni Amin.
4. • Ang Unyong Sobyet ay pinasok
ang Afghanistan hindi upang
sakupin kundi upang
suportahan ang pamahalaan ni
Amin na isang lehitimong
pamahalaan.
5. • Ang tensyon mula sa mga
gerilya o mas kilalang
Mujahideen ay nagdulot ng
digmaang sibil.
• Nagdeklara ng jihad o banal
na digmaan ang mga gerilya
laban sa pamahalaan at
Unyong Sobyet na
tagasuporta nito
6. • Nagdagdag ng puwersa ang
Unyong Sobyet sa Afghanistan
uoang maprotektahan ang
komunistang pamamahalaan
doon.
7. • Ngunit sa huli, nawalan na rin
ng tiwala ang mga Ruso sa
kayayahan ni Amin na
patakbuhin ang pamahalaan
kaya siya ay pinapatay noong
ika-27 ng Disyembre 1979
8. • Pumalit si Babrak Karmal sa
naiwang posisyon ni Amin.
• Upang mapanatili sa
posisyon, kinailangan niya ng
85,000 sundalo mula sa
Unyong Sobyet dahil
karamihan sa sundalong
Afghan ay sumasali sa mga
gerilya
9. • Kinondena ng UN ang pagkilos
na ito ng mga Ruso kaya
hiniling nila na paatrasin ang
mga sundalong Ruso sa
pagpunta sa Afghanistan
subalit hindi ito napabigyan
10. • Kinondena rin ng Amerika ang
pangyayaring ito kaya tinapos
ang usapan tungkol sa SALT II,
maging ang Olympic Games na
ginanap sa Moscow noong 1980
ay hindi na dinaluhan.
11. • Bagamat walang malakas na
sandata ang mga gerilya,
maliban sa mga lumang baril,
may sapat silang kaalam sa
lokasyon ng bundok at ang
klima sa kasagsagan ng
digmaan. Ito ang hindi
napaghandaan ng mga Ruso.