1. Ponema- ito ay binubuo ng
makabuluhang tunog.
Ponolohiya- ang tawag sa
pag-aaral ng mga pattern
ng mga tunog ng wika.
2. Articulatory phonetics- isang paraan upang
ilarawan kung paano binibigkas ang mga fonema
ng isang wika.
Tatlong salik ang kailangan upang
makapagsalita ang tao:
1. ang pinanggagalingan ng lakas o
enerhiya
2. ang kumakatal na bagay o artikulador
3. ang patunugan o resonador
Ang hangin ang nagiging midyum o
pahatiran ng mga alon ng tunog na siya
naman nating naririnig.
3. Mailalarawan ang mga katinig ng Filipino sa
pamamagitan ng limang punto ng artikulasyon:
1. Panlabi- ang ibabang labi ay dumidiit sa labing
itaas. /p,b,m/
2. Pangngipin – ang dulo ng dila ay dumidiit sa
loob ng mga ngiping itaas. /t,d,n/
3. Panggilagid – ang ibabaw ng dulo ng dila ay
lumalapit o dumidiit sa punong gilagid. /s,l,r/
4. (Pangngalangala) Velar – ang ibabaw ng puno
ng dila ay dumidiit sa velum o malambot na
bahagi ng ngalangala. /k,g,n/
5. Glottal – ang mga babagtingang ay nagdidiit o
naglalapit at hinaharang o inaabala ang presyon
ng papalabas na hininga upang lumikha ng
paimpit o pasutsot na tunog.
4. Diptonggo – Ito ay magkasamang patinig at malapatinig sa
isang pantig. Ang diptonggo ng Filipino ay ay, ey, iy, oy, uy,
aw at iw.
Klaster o kambal katinig- ang magkasunod na
dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. /
pl/, /tr/,/dr/, /kl/, at /bl/.
Pares Minimal- ito ay pares ng salita na
magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad
ang bigkas maliban sa isang ponema na nasa
parehong pusisyon sa salita.
Hal: gulay-kulay sabaw-sabay
Ponemang malayang nagpapalitan- ang isa sa mga
ponema nito ay naipagpapalit ng ibang ponema
ngunit hindi naman nagbabago ang kahulugan
ng nasabing salita.
Hal: kurut- kurot binte-binti
5. Ang Kaurian ng Palatunugan sa Wikang Filipino:
A. Malumay
2. Ito ay binibigkas ng marahan o banayad
at walang impit sa lalamunan.
3. Ito ay hindi ginagamitan ng bantas o
tuldik.
4. Maaaring magtapos sa patinig o katinig.
Mga halimbawa:
buhay kawayan kama
halaman gulay pagkain
6. B. Mabilis
2. Ito ay binibigkas ng tuluy-tuloy at
walang impit sa lalamunan.
3. Ito ay ginagamitan ng bantas na pahilis.
4. Ito ay karaniwang nagtatapos sa patinig
o katinig.
Mga halimbawa:
buhay katawan dalawa
mapula marumi makulit
7. C. Malumi
2. Ito ay binibigkas ng marahan o banayad
ngunit may impit sa lalamunan.
3. Ito ay ginagamitan ng bantas na paiwa
(‘).
4. Ito ay karaniwang nagtatapos sa patinig.
Mga halimbawa:
makata muta suka
sakali puno bata
8. D. Maragsa
2. Ang diing maragsa ay binibigkas ng
tuluy-tuloy ngunit may impit sa
lalamunan.
3. Ito ay karaniwang nagtatapos sa patinig.
4. Ang bantas na ginagamit ay pakupya
(^).
Mga halimbawa:
dugo dukha ginto
sampu kaliwa wala