3. Ako’y nainiwala sa propesyong
pamahayagan.
Ako’y naniniwala na nang malinaw na pagiisip at maliwanag na pangungusap, tumpak
at makatarungan, ay pangunahing
pangangailangan sa mabuting
pamahayagan.
Ako’y naniniwala na ang isang
mamamahayag ay dapat lamang sumulat ng
isang bagay na sa kaibuturan ng kanyang
puso’y makatotohanan.
4. Ako’y naniniwala na walang sinumang dapat
sumulat bilang mamamahayag ng anumang
bagay na hindi niya masasabi bilang isang
maginoo.
Ako’y naniniwala na ang pamahayagan na
nagtatagumpay at karapat-dapat sa
tagumpay- ay natatakot sa Dioys at
nagpaparangal sa tao ay matibay na
nagsasarli,
5. nakapagbabalangka, mapagbugay, ngunit
hind pabaya; nakapagpipigil, ngunit walang
pagkatakot, medaling mapoot sa walang
katarungan at humanap ng paraan upang
mabigyan ang bawat tao ng pantay-pantay
na pagkakataon.
7. 1.Maglathala ng balita- ito ang
pinakamhalagang tungkuling ginagampanan
ng pahayagan.
2.Magbigay puna sa balita- natutuklasan ng
mambabasa ang kahulugan ng balita at
kung ano ang sinasabi ng iba tungkol dito.
3.Tumulong sa mambabasa- kabilang dito
ang mga pitak, pangkalusugan,
pansikolohiya, pag-aalaga at iba pa.
8. 4. Manlibang sa mambabasanapatunayan sa isang pagsisiyasat na higit
na maraming bumabasa ng lathalaing
manlilibang kaysa balita.
5. Maglathala ng anunsiyo- uto ang
tumutustos o nagtataguyod sa pahayagan.
10. 1. Pananagutan (Responsibility)
Ang karapatan ng isang pahayagan na
umakit sa mga mambabasa ay walang
takda, maliban sa pagsasaalang-alang nito
ukol sa kapakanan ng publiko.
2.
Kalayaan ng Pamahayagan
(Freedom of the Press)
Ang kalayaan ng pamahayagan ay dapat
bantayan tulad ng isang totoong
mahalagang karapatan ng sangkatauhan.
11. 3. Pansarili (Independence)
Ang kalayaan sa lahat ng mga Gawain
kasama ang katapatan sa kapakanan ng
publiko ay mahalaga.
4. Katapatan, Katotohanan, Ganap na
Kawastuhan (Sincerity, Truthfulness,
Accuracy)
Ang buong pagtitiwala ng mambabasa ay
pundasyon ng lahat ng mahusay na
pamahayagan.
12. 5.Walang kinikilingan (Impartiality)
Ang tumpak na pagsasanay ay nagbibigay
ng malinaw na pagtatangi kung aln ang
talagang balita kaysa kuro-kuro lamang.
6.Makatarungang pakikitungo (Fair Play)
Ang isang pahayagan ay hindi dapat
maglathala ng di-opisyal napagbibintang na
makasasama sa reputasyon, o nauugnay sa
di mabuting kaasalan nang di muna
nagbibigay ng pagkakataon sa nasasakdal
nang marinig ang kanyang panig.
13. 7.Magandang kaasalan (Decency)
Ang isang pahayagan ay hahatulang hindi
tapat kung, habang naghahayag ng mataas
na kaasalan ay nanghihikayat naman sa
mababang katauhan ng mambabasa.
14. Libelo
• Ang paninirang puri sa kapwa ay labag sa
batas.kung ito ay nasusulat, ang tawag
dito ay libelo. Kung ito naman ay binigkas
ang tawag ditto ay isalander (slander).
• Subalit libelo pa rin ang turing kung ang
paninirang puri ay binigkas sa radio o
telebisyon.
15. Katuturan
• Ang libelo ay isang pampubliko’t pasulat
na may masamang hangaring paninirang
puri ng tao dahil daw sa isang krimen o
isang bisyo, depekto, tunay o guniguni
man o isang pagkilos, o isang
pangayayaring nagiging patunay sa
kawalang karangalan; isang pagpula o
paglapastangan sa isang tao o pagdungis
ng alaala ng isang namatay na.
16. • Ang libelo ay isang publikasyon, nasusulat
o
nalilimbag,
hayagang
pagpula
(defamatory) sa isang tao, maging buhay
man o patay.
• Ang libelo ay isang paninirang puri o
hayagang pagpula kung ito’y magiging
dahilan ng pagsira ng karangalan, pula o
paglapastangan sa isang tao o pagdungis
ng alaala ng isang namatay na.
17. • Ang libelo ay isang paninirang puri
(defamation); ito’y paglabag sa karapatan
ng karangalan. Alinmang nasusulat o
nalilimbag, na pagtatalusira sa karapatan
ng mabuting pangalan ng iba ay
kasalanang krimnal o sibil o kapwa at
dapat
ipailalim
sa
makatarungang
pagbibigay lunas (redress).
18. Mga Pagkakakilanlan
( requisites) sa Libelo
1. Paninirang puri sa karangalan
2. Malisya, maging sa batas o sa paksa
3. Pagpapalimbag ng paninirang puri
4.
Pagkakilala’t pagtiyak sa biktima
19. Paninirang Puri at
Hayagang Pagpula sa
Karangalan
• Ang pangungusap ay hayagang pagpula
kung ito’y magiging sanhi ng pagkamuhi,
pagkutya
o
paglapastanagan
sa
kinauukulan ng kanyang kapwa o kung
ito’y magiging sanhi ng paglayo ng tao sa
kanya.
20. Malisya ( malice)
• Ang publikasyon ay malisya kung ito’y
walang pahintulot na pagpapalimbag na
hayagang
pagpula
na
walang
pagpapatawad ng batas. Ito’y tinatawag
na malice in law.
21. Pagpapalimbag
• Hindi sapat na ang isang isyu na may
paninirang puri ay naipalimbag ng iang
editor o newsmen upang siya’y panagutin
sa salang libelo. Siya’y mananagot lamang
kung tiyak ang kanyang malisya at kung
ito’y nabasa ng iba.
22. Pagkilala sa Biktima ng
Libelo
Ang huling kailangan o requisite para
mapatunayan ang salang libelo ay ang
malinaw na pagkilala ng biktima ng libelo
kahit hindi binanggit ang kanyang pangalan.
23. Mananagot sa Libelo
Ang mga taong may pananagutan sa
publikasyon ng libelo ay ang mga
sumusunod:
1. Sinumang
tao
na
naglilimbag,
nagtatanghal o nagging dahilan ng
pagpapalimbag o pagtatanghal ng isang
nakasulat o nakalathalang paninirang puri
ay siyang mananagot.
24. 2. Ang may-akda at editor ng isang aklat
o polyeto at ang editor na tagapangasiwa ng
pahayagan, magasin o serial na publkasyon
ay silang mananagot sa paninirang puri na
nakalathala sa mga pahina niyon na wari’y
sila ang may-akda noon.
3. Ang may-ari ng palimbagan
mananagot din, ngunit di laging gayon.
ay
25. J. Dalawang Uri ng Libelo
• 1. Libelo per se- isang paninirang puri na
di kailangan pang patunayan.
• 2. Libero per squad- kinakailangan pa na
ang paninirang puri ay mapatunayan na
nakapinsala.