2. Sapagka't pagiginhawahin kita, at
pagagalingin kita sa iyong mga sugat, sabi
ng Panginoon; kanilang tinawag ka na tapon,
na sinasabi, Ito ang Sion, na hindi hinahanap
ng sinoman.
3. Si Jonathan nga na anak ni Saul, ay may
isang anak na pilay sa kaniyang mga paa.
Siya'y may limang taon nang dumating ang
balita tungkol kay Saul at kay Jonathan na
mula sa Jezreel, at kinalong siya ng kaniyang
yaya at tumakas: at nangyari, habang siya'y
nagmamadali ng pagtakas, na siya'y
nabagsak, at naging pilay. At ang kaniyang
pangalan ay Mephiboseth.
4. 1 At sinabi ni David, May nalalabi pa ba sa
sangbahayan ni Saul, upang aking
mapagpakitaan ng kagandahang loob dahil kay
Jonathan?
2 At may isang lingkod sa sangbahayan ni Saul
na nagngangalang Siba, at kanilang tinawag
siya sa harap ni David; at sinabi ng hari sa
kaniya, Ikaw ba'y si Siba? At kaniyang sinabi,
Ang iyong lingkod nga.
5. 3 At sinabi ng hari, wala na ba kayang natitira
sa sangbahayan ni Saul, upang aking
mapagpakitaan siya ng kagandahang loob ng
Dios? At sinabi ni Siba sa hari, Si Jonathan ay
may isang anak pa, na pilay ang kaniyang mga
paa.
4 At sinabi ng hari sa kaniya, Saan nandoon
siya? At sinabi ni Siba sa hari, Narito, siya'y
nasa bahay ni Machir na anak ni Amiel, sa Lo-
debar.
6. 5 Nang magkagayo'y nagsugo ang haring si
David at ipinakuha siya sa bahay ni Machir
na anak ni Amiel mula sa Lo-debar.
6 At si Mephiboseth, na anak ni Jonathan,
na anak ni Saul, ay naparoon kay David, at
nagpatirapa sa kaniyang harap, at nagbigay
galang. At sinabi ni David, Mephiboseth. At
siya'y sumagot: Narito, ang iyong lingkod!
7. 7 At sinabi ni David sa kaniya, Huwag kang
matakot: sapagka't aking tunay na
pagpapakitaan ka ng kagandahang loob
dahil kay Jonathan na iyong ama, at aking
isasauli ang buong lupa ni Saul na iyong
ama, sa iyo; at ikaw ay parating kakain ng
pagkain sa aking dulang.
8 At siya'y nagbigay galang at nagsabi, Ano
ang iyong lingkod upang iyong lingapin
akong isang asong patay?
8. 9 Nang magkagayo'y tinawag ng hari si Siba
na lingkod ni Saul, at sinabi sa kaniya, Lahat
ng nauukol kay Saul at sa buong kaniyang
sangbahayan ay aking ibinigay sa anak ng
iyong panginoon.
10 At iyong bubukirin ang lupain para sa
kaniya, ninyo ng iyong mga anak, at ng iyong
mga bataan at iyong dadalhin dito ang mga
bunga, upang ang anak ng iyong panginoon ay
magkaroon ng tinapay na makakain: nguni't si
Mephiboseth na anak ng iyong panginoon ay
kakain ng tinapay kailan man sa aking dulang.
Si Siba nga ay may labing limang anak at
dalawang pung bataan.
9. Gayon tumahan si Mephiboseth sa
Jerusalem: sapagka't siya'y kumaing palagi
sa dulang ng hari. At siya'y pilay sa kaniyang
dalawang paa.