2. I Timothy 4:12
Huwag hamakin ng sinoman ang iyong
kabataan; kundi ikaw ay maging uliran ng mga
nagsisisampalataya, sa pananalita, sa
pamumuhay, sa pagibig, sa pananampalataya,
sa kalinisan.
3. Matthew 11:25
Nang panahong yaon ay sumagot si Jesus at
sinabi, Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama,
Panginoon ng langit at ng lupa, na iyong
inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at
matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol:
4. James 4:6
Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya.
Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang Dios ay
sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't
nagbibigay ng biyaya sa mga
mapagpakumbaba.
5. Acts 4:13
Nang makita nga nila ang katapangan ni Pedro
at ni Juan, at pagkatalastas na sila'y mga taong
walang pinagaralan at mga mangmang, ay
nangagtaka sila; at nangapagkilala nila, na sila'y
nangakasama ni Jesus.
6. Mark 11:1-10
1 At nang malapit na sila sa Jerusalem, sa Betfage
at sa Betania, sa bundok ng mga Olivo ay sinugo
niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad,
2 At sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo sa
nayong nasa tapat ninyo: at pagkapasok ninyo
roon, ay masusumpungan ninyo ang isang
nakataling batang asno, na hindi pa nasasakyan
ng sinomang tao; inyong kalagin siya, at dalhin
ninyo siya rito.
7. 3 At kung may magsabi sa inyo, Bakit ninyo
ginagawa ito? sabihin ninyo, Kinakailangan siya
ng Panginoon; at pagdaka'y ipadadala niya siya
rito.
4 At sila'y nagsiyaon, at kanilang nasumpungan
ang batang asno na nakatali sa pintuan sa labas
ng lansangan; at siya'y kanilang kinalag.
8. 5 At ilan sa nangakatayo roon ay nangagsabi sa
kanila, Ano ang ginagawa ninyo na inyong
kinakalag ang batang asno?
6 At sinabi nila sa kanila ayon sa sinabi ni
Jesus: at pinabayaan nilang sila'y magsialis.
9. 7 At dinala nila ang batang asno kay Jesus, at
inilagay nila sa ibabaw ng batang asno ang
kanilang mga damit; at ito'y sinakyan ni Jesus.
8 At marami ang nagsisipaglatag ng kanilang
mga damit sa daan; at ang mga iba'y ng mga
sanga, na kanilang pinutol sa mga parang.
10. 9 At ang nangasa unahan, at ang nagsisisunod,
ay nangagsisigawan, Hosanna; Mapalad ang
pumaparito sa pangalan ng Panginoon:
10 Mapalad ang kahariang pumaparito, ang
kaharian ng ating amang si David: Hosanna sa
kataastaasan.