1. MAKAMISA
Dr. Jose P. Rizal
ni
Dr. Jose P. Rizal
April Rose G. Supangan
Ipinagpatuloy ni :
April Rose G. Supangan
2. harangan kaya, si aleng anday ang takbuhan ng mga mahihirap at sa pamamagitan
niyang mabisa'y walang napapahamak, walang natitimba, walang naruruhagi. Kaya
nga't ang tingin kay aleng Anday ay parang isang may pusod na Birhen, maawain at
mura-mura pa sa ibang Birheng kahoy na sinasampalatayanan.
Di sukat ngang pagtakhan kung magulo ang Tulig sa naramdamang galit ng kura.
Kung biglang mag-itim ang masanting na araw, matuyo kaya ang masaganang batis
at magiaginitan ang mga kabundukan, sino ang di mababalisa at papasukan ng takot?
Sa mga Tulig si P. Agaton ay mistulang araw na maselang, matamis na batis,
masamyong amihan, masaganang kabundukan at bukod sa rito'y ama pa ng
kaluluwa.
Hindi man lamang sumagimsim sa loob ng sinumang baka si P. Agaton ay nauulol.
Masisira muna ang ulo ng lahat bago ang isipan ni P. Agaton; susumpungin ang
lahat. Kaya nga't sa tribunal, makatapos ang misa'y walang ibang pinagusapan at
pinagpulungan ang mga kaginoohan kundi ang dahilang ikinagalit ng kura. Magtalo
man at maghimutukan ay wala silang sukat na matuklasang dahilan, walang sukat
masabi kundi ang ating kura ay galit. Sapagka't nabalitaang nasampal si aleng Anday
ay wala mandin silang sukat …
3. Pagpapatuloy ..
harangan kaya, si aleng anday ang takbuhan ng mga mahihirap at sa pamamagitan
niyang mabisa'y walang napapahamak, walang natitimba, walang naruruhagi. Kaya
nga't ang tingin kay aleng Anday ay parang isang may pusod na Birhen, maawain at
mura-mura pa sa ibang Birheng kahoy na sinasampalatayanan.
Di sukat ngang pagtakhan kung magulo ang Tulig sa naramdamang galit ng kura.
Kung biglang mag-itim ang masanting na araw, matuyo kaya ang masaganang batis
at magiaginitan ang mga kabundukan, sino ang di mababalisa at papasukan ng takot?
Sa mga Tulig si P. Agaton ay mistulang araw na maselang, matamis na batis,
masamyong amihan, masaganang kabundukan at bukod sa rito'y ama pa ng
kaluluwa.
Hindi man lamang sumagimsim sa loob ng sinumang baka si P. Agaton ay nauulol.
Masisira muna ang ulo ng lahat bago ang isipan ni P. Agaton; susumpungin ang
lahat. Kaya nga't sa tribunal, makatapos ang misa'y walang ibang pinagusapan at
pinagpulungan ang mga kaginoohan kundi ang dahilang ikinagalit ng kura. Magtalo
man at maghimutukan ay wala silang sukat na matuklasang dahilan, walang sukat
masabi kundi ang ating kura ay galit. Sapagka't nabalitaang nasampal si aleng Anday
ay wala mandin silang sukat mapaglagyan ng nararamdaman nilang takot. Si aleng
Anday sa lahat ng tao ang kahuli-hulihang masasaktan ng kura sapagkat ito ang
animo’y kanang kamay niya. Kung gayu’y sagad sa kisame pala ng kumbento ang
4. galit ngayon ng pari.
Nagsipag-alisan na ang lahat ng kaginoohan sa tribunal ngunit hindi parin maiangat
ni Kapitan Lukas ang puwit sa kinauupuan. Takut na takot siyang ihakbang ang
malulusog niyang mga paa upang umuwi na sa kanilang kumbaga—palasyong
tahanan. Sapagka at nahihinuha niyang naruruon at nag-aantay sa kanya ang buong
pamilya sampu ng iba pang mga usyosero’t usyusera upang usisain ang akala’y
naganap na usapan sa kumbento. Kapagdaka’y umuwi narin ang kapitan nang
makumbinsi na ang sarili sa inimbentong usapan kuno nila ng Padri kura.
---ano nga ang dahilan ng galit ng ating sa Agaton?
--Hindi ba at sinabi ko na sa inyo masama ang pakiramdam at kaya nagkagayun.
--wala ka man lang bang napuna habang kayo ay nag-uusap?
Napatingala nalang sa kisame si Kapitan Lucas.
“---hindi man lang nabendisyunan ang anak ng aking alila. At ang hula ko ay hindi
nakaabot sa langit ang aking mga panalangin sa yaong pagmamadali ng padre kura!”
himutok ng isang babae sabay hatak sa pamaypay na animo’y kinukulang na ang
hangin dahil sa labis na emosyon.
Di nagtagal at nag-init narin ang tenga ni Kapitan Lucas at walang sabi-sabing
ibinulalas:
--Wala kaming pinag-usapan dahil hindi kami nag-usap! Galit na sigaw ng kapitan
5. pagkatapos ay binirahan ng talikod at pumasok sa silid.
Naiwang nakatigagal ang lahat.
Sa kabisera, pagkalipas ng tatlong araw ay bulung-bulungan parin ang inasal ni
Padre Agaton noong isang lingo idinagdag pa ang pagsama rin ng timpla ni Kapitan
Lucas na lalong nagpakunot ng mga noo ng mga usyusero’t usyusera. Kumalat na rin
sa lugar ang nangyaring pagsampal ni Padre Agaton kay aleng Anday. Napabuntung-
hininga na lamang si Kapitan Lucas sa kadaldalan ng mga Ginoo. Ngunit sa kabilang
banda, sa sarili man ay hindi parin maialis ng kapitan sa kanyang isip ang
katanungan kung bakit nga ba naging ganoon ang asal ng kura? Mayroon nga kaya
itong nalaman tungkol sa mapangahas niyang pagbasa sa mga ipinagbabawal na
basahin? Naipatapon na ni Kapitan Lucas ang mga naturang basahin upang kung
anu’t ano man ang mangyari ay wala silang makikitang ebidensya tungkol dito. Sa
totoo lang, hindi naman talaga niya intensyon na bumasa ng mga yaon, siguro ay
nadala lamang siya ng kanyang kuryusidad kung ano nga ba itong sinasabi ng mga
rebelde na kalayaan, reporma at pagsasaprobinsiya umano ng Pilipinas sa kagalang-
galang na Espanya. Mapangahas nag ang ginawa niya at labis na pinagsisihan na
iyon ngayon ni Kapitan Lucas. Galit din siya sa sarili dahil pinahintulotan niyang
mapasukan ng di mabuting idealismo gaya ng mga rebelde ang kanyang utak. Kaya
ngayon, may mga naiisip tuloy siyang di kanais-nais na labag sa lipunan. Dahil kahit
sa kakarampot na nabasa mula sa yaong magazine, may kung anong bahagi ng
kanyang isipan ang nagsasabing tama ito at sumasang-ayon siya sa mga nakasaad
dito. Hindi nga naman masama ang mangarap na pamunuan ang sariling bayan gamit
6. ang sariling desisyon at paunlarin gamit ang sariling mithiin. Hindi nga masama,
hindi ba?
Mula sa kusina ay lumabas ang asawa niyang si Aleng Soledad. Agad na pinawi ni
Kapitan Lucas ang nasa isipan at itinanong dito kung nasaan si Marcela.
“Gumising nang maaga at nagpaalam. Pupunta daw ng batis kasama si Salome at
mamimitas ng dahon at bulaklak para sa karo ng Birheng Maria.
“ Kung ganuon bakit hindi man lang ninyo ako ginising at nang mapasamahan ko sa
mga tanod?”
“Hindi na at alam naman naming ang timpla mo na hindi masyadong kaigihan
simula pa kagabi.”
Napairap si Kapitan Lucas at tinungo ang veranda dala ang isang tasa ng kape.
Nagbubungkal ng lupa si Mang Estong sa likod ng kanilang bahay nang may
maulinigan siyang mga yabag na papalapit. Kaya matapos maisandal nang maayos
ang hawak na piko sa katabing bakod ay tinungo niya ang harapan ng bahay upang
kitain kung sino ang dumating.
Isang matipuno at matikas na lalaki ang kasalukuyang nakatayo sa harapan ng bahay
ni Mang Estong. Ngunit hindi niya matanto kung sino ang lalaking ito. Mukha pa
namang may pinag-aralan sa suot nitong barong Amerikana at hawak-hawak na
makintab na sombrero. Sa pagkakaalam niya ay wala pa siyang kakilala na
mkapagsusuot ng ganito kagarang nga damit.
7. “Tiyo Estong?”
Nanatili lamang sa pagkakatayo at nakakunot ang noong nakatingin lamang si Mang
Estong. Gulong-gulo ang isipan kung sino ang lalaking ito at nakuha pa siyang
tawaging tiyo? Ngunit nanlamig siyang bigla nang maalalang wala siyang ibang
pamangkin kundi ang nawawalang si Prudencio lamang! Imposible! Hindi!
Paanong---?
“Tiyo Estong, si Prudencio po ito.” Pabulong na sabi ng lalaki.
“P..p.pamangkin? nauutal na sambit ni Mang Estong sabay yakap nang mahigpit sa
kaharap.
“Kaytagal mong nawala.. Ano’ng nangyari? Saan ka galing? sunud-sunod niyang
tanong.
“Ah ..tena po siguro sa loob at nang makapag-usap tayo ng maayos. Isisiwalat ko po
sa inyo ang lahat-lahat.”
“Sige sige.. halina at pumasok ka.” ani mang Estong at iginiya papasok ng bahay ang
pamangkin.
Dagling ipinaghanda ni Mang Estong si Prudencio ng inumin. Inilabas niya nag
natitirang sabaw ng niyog na nakuha niya kaninang umaga.
Isang oras din silang nag-usap at nang matapos ay ngalit ang mga bagang na tumayo
si Mang Estong at tinungo ang bintana upang sumagap ng sariwang hangin dahil
animo’y sasabog na ang kanyang dibdib sa nararamdamang matinding emosyon.
Hindi siya makapaniwala na gayon kahirap ang pinagdaanan ng binata.
“ Kung nalaman ko lang ito ay matagal ko nang pinatay ang taong iyan!” galit na
saad ni Mang Estong.
8. “ Alam ko po, tiyo. Kaya minabuti ko na lamang pung umalis para sa kabutihan ng
lahat.”
“Gayunpaman, sa kabila ng lahat ng pinagdaanan mo ay masaya ako, Prudencio, at
nagbalik ka. Natupad na ang pangarap mong maging isang doktor. Ngayon naman
ang pagkakataon mong maging masaya. Maari nating kalimutan na lamang ang lahat
at ipagpalagay na ito’y isang bangungot lamang. At dito, sa ating munting kubo,
magsisimula tayong muli. Mamumuhay tayo nang mapayapa at matiwasay, gaya ng
dati. Hindi pa huli ang lahat ,pamangkin. Ibabalik natin ang simpleng buhay natin
noon.
“ Napakaganda ng iyong nais Tiyo Estong. Ngunit ako’y nakapagpasya na.
Magsasalita ako at lalaban para sa katarungan. Hinding-hindi ako titigil hanggat
hindi napaparusahan ang mga nagkasala at mabigyan ng nararapat na hustisya ang
naagrabyado.
“Prudencio!” sambit ni Mang Estong na halatang nagulat sa isinaad ng pamangkin.
“ Hindi mo maaaring kalabanin ang Padre Kura.! Siya ay lubos na makapangyarihan
maimpluwensiya dito sa ating bayan.. “
“Tiyong, nag-aral ako nang mabuti, naghirap.. nagtiis mapaghandaan lamang ang
muli naming paghaharap na ito ni Padre Agaton. Alam kong hindi madali ngunit buo
ang loob ko na isiwalat ang totoo at nang magising ang matagal nang natutulog na
mga kaluluwa at bulag na mga mata. Si Padre Agaton kailanman ay hindi karapat-
dapat na sambahin at pagsilbihan dahil siya’y isang demonyo na nakabalot lamang
sa isang abito. At hindi ko hahayaan na magpatuloy pa ang pagbulag niya sa mga
tao.” Mahabang turan ni Prudencio na unti-unting lumalakas ang boses.
9. “Huminahon ka, pamangkin.” Hinawakan ni Mang Estong ang magkabilang-balikat
ni Prudencio at tiningnan nang mabuti sa mata.
“Naiintindihan kita. At kung ikaw nga ay sigurado na sa iyong mga balakin, puwes
maaasahan mo ako. Tandaan mo, nandito lang ako at handang sumuporta anuman
ang mga plano mo.” Tuluyan na niyang niyakap ito. Ramdam ni Mang Estong ang
matinding emosyon na nananalaytay sa nanginginig na katawan ng pamangkin. At
sinisiguro din niya na sa ngalan ng kanyang nakatatandang kapatid, tutulungan niya
ito sa abot ng kanyang makakaya.
Unti-unti nang napupuno ang karo ng mga magandang bulaklak at dahon na pitas
nina Marcela mula sa bukid. Mamayang gabi na mag-uumpisa ang taunang
selebrasyon sa kaarawan ng Inang Maria. Kaya naman abala na ang buong baryo sa
pag-aasikaso at paghahanda para dito. Ang grupo ng mga kadalagahan na
pinangungunahan ng anak ng kapitan na si Marcela ay maagang-maagang nagtungo
sa bukid upang mamitas at manguha ng mga pupuwedeng maidekorasyon sa karo ng
birhen. Ang mga kabinataan namn ay inatasang magkumpuni sa mga sirang bahagi
ng simbahan.Samantala, ang iba pang tao ay inabala ang sarili sa pagpapaganda ng
mga kalye na dadaanan ng prusisyon.
Siyempre pa, hindi na naman naiwasan na pag-usapan ang pinakasariwang
isyu ng bayan.
“ Naaawa ako kay Padre Agaton. Kung ano man iyang pinagdadaanan niya ay
nakikisimpatya ako.” saad ng isang dalaga na may maamong mukha.
Napairap naman ang kanyang katabi.
10. “ Sa totoo lang, hindi ko nagustuhan ang inasal ng padre sa harap ng maraming tao.
Lalo pa at marami ang taimtim na nagdarasal na nawawala sa huwisyo sa tuwing
lalakasan ng pari ang kanyang tinig na ikinagugulat ng lahat. Mas naaawa nga ako sa
mga nagsimba na siguradong nadismaya sa idinaraos na misa.”
“Oo nga, pati si Aleng Marta, ayun at nalulungkot at nagdaramdam.” sabad naman
ng katabi ni Marcela.
Tahimik lamang siya ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga bulaklak na parang
walang naririnig na usapan. Alam niya na naghihintay ang kanyang mga kasama sa
isasabat niya ngunit nanatili lamang siyang walang imik. Wala din naman siyang
mahalagang maisisiwalat sa mga ito dahil hindi rin naman niya alam kung ano ang
ipinagpuputok ng butse ng pari. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nanunuyo sa
kanya si Padre Agaton. Sa tingin nga niya ay itong panunuyo lamang ang dahilan
kung bakit nananatili sa pagkakapitan ang kanyang ama. Ngunit sa simula’t simula
pa, alam na ng pari na wala itong mahihita sa kanya sapagkat nakatali na ang puso
niya sa isang wagas na pag-ibig para kay Prudencio, ang lalaking bigla na lamang
nawala na parang bula.
Si Prudencio ay anak ng isang yumaong magsasaka na naninirahan kasama ang
isang tiyo sa gawing sulok ng kanilang bayan.
Nagkakilala sila nang minsang magkaroon ng kainan para sa mga dalaga at binata sa
batis ng San Andres.Unti-unting nahulog ang loob sa isa’t-isa at di kalaunan nga’y
naging magkasintahan. Ibig na ibig naman ng kanyang ina ang binata dahil sa taglay
nitong kabaitan at pagkamaginoo ngunit ang kanyang ama ay tutol sa naturang pag-
iibigan. Ipinagdamdam ito nang labis ni Marcela sapagkat alam niya na kaya tutol ito
11. ay dahil natatakot lamang itong bitiwan ang pagkakapitan.
Bagama’t wagas at totoo ang pag-ibig ni Marcela para sa binata ay wala rin itong
saysay sapagkat ano pa ba ang ipaglalaban niya? Nawala na lamang nang bigla si
Prudencio sa hindi malamang kadahilanan. Nabahag bang talaga ang buntot nito at
hindi na nakuhang magpaalam maski sa pamamagitan ng sulat man lang o kaya’y
pakisabi? Ni isang kasagutan ay walang nakuha ang dalaga kaya naiwang lugmok sa
pag-ibig si Marcela at ilang buwan din ang kanyang ginugol upang iyakan at
kaawaan ang sarili.
Anim na taon na ang nakalilipas mula nang malugmok si Marcela sa kahabag-habag
na sitwasyon na yaon. Ngunit siya ring bilang ng taon na nanatiling sarado ang
kanyang pusong bigo na kalauna’y natutong manigas at naging bato. Sa di
maipaliwanag na dahilan, ni isa man lang sa pitong lalaking nanuyo kay Marcela ay
walang nakapagpalambot ng kanyang damdamin. Aminado siyang mahal pa rin niya
si Prudencio ngunit iba ngayon dahil kinamumuhian din niya ito! Labis-labis pa rin
ang sakit nararamdaman niya ngayon at hinding-hindi na nga niya siguro
mapapatawad ang lalaki.
Napansin ng mga kasamang dalaga na napatigil at biglang nagdilim ang
mukha ni Marcela na halatang mayrooing malalim na iniisip.
“ Marcela, Ano ba iyang iniisip mo at bigla na lamang nangunot ang iyong noo.”
“ May nasabi ba kaming masama?” nag-alala naman ang isa.
Biglang iniba ni Marcela ang kasalukuyang ekspresyon at bahagyang ngumiti.
“Wala.. may naalala lang ako.” aniya sabay iwas ng tingin mula sa mga ito.
Nagkibit na lamang ng mga balikat ang mga dalaga at ipinagpayuloy ang ginagawa.
12. Dumating ang gabi at unti-unti na ring napupuno ng mga tao ang malaking
simbahan. Ngunit hindi parin dumarating si Padre Agaton. Nababahala na ang iilan
sapagkat ilkang minute na lang at dapat nang umpisahan ang novena uopang mai-
ayon sa nakagawiang takda. Nagsimula naring magparinig sa mga katabing sakristan
ang mga magsisimba dahil sa pagkabagot at pagkainip. Ilang minute pa at lumabas
na rin sa wakas ang hinihintay na Padre Kura. Kitang-kita ss mukha ng pari n hindi
pa rin masyadong ka-igihan ang timpla nito. Gayunpaman, naidaos naman ni Padre
Agaton nang maayos ang misa. At nagyon nga’y matiwasay na lumalabas mula sa
simbahan ang mga tao upang ihatid na ang mahal na birhen sa tagpuan nila ng
kanyang anak na si Hesukristo.
Maririnig na mula sa kinatatayuan ni Prudencio ang mga yabag at kanta ng papalapit
na prusisyon. Batid ng binata na kabilang si Marcela sa yaong grupo ng naglalakad
at ibig na ibig niyang Makita ito o kung hindi man ay masilayan man lang mua sa
malayo.
Habang naglalakad, bumabalik-balik pa rin sa isipan ng dalaga ang imahe ng
lalaking pinakmamahal. Naaalal niyang madalas siya sag awing sulok na ito ng
bayan, may kahawak-kamay at kasabay sa pagtahak sa makipot nitong daanan.
Ngunit ngayon, siya’y nag-iisa, walang kinakapitan at inaasahan na sasalo sa kanya
sakali mang siya’y matisod at tuly-yuloy na mabuwal. May kung anu na naming
sakit ang gumuhit sa puso ng dalaga sa pagka-alala sa nakaraang wala nang pag-
asang maibabalik pa. Natatanaw na ni Marcela ang isang pamilyar na bahay-kubo na
nag-iisang nakatayo sag awing sulok na ito. Katabi nito ang isang puno ng saging na
bahagyang nasisilayan ng liwanag ng buwan. At mula sa likod ng saging ay may
13. lumabas na pigura ng isang tao na napansin si Marcela. Tiningnan niya ito nang
mabuti ngunit dagli itong naglaho sa kadiliman. Lumakas ang kabog ng dibdib ni
Marcela sapagkat alam na alam niya ang pigurang iyon. Hindi siya maaaring
magkamali. Nagbalik si Prudencio!
Mula sa pinagkukublihang dahon, tanaw pa rin ng binata ang nagdaang prusisyon.
Masaya siya at nasilayan niyang muli si Marcela. Maganda pa rin ito tulad nang dati,
makinis at nakakairog. Hindi niya akalain na sa kabila ng mahabang panahong
nagkahiwalay, mararamdaman pa rin niya itong wagas na pag-ibig na minsan nilang
pinagsaluhan ng dalaga. Ngunit napatigil ang binate nang maalalang parang may
nagbago sa anyo ni Marcela. Parang mayroong kulang sa kabuuan nito? Tama,
nasaan na nga ba ang natural na ngiti at kinang ng mag mata nito? Hindi niya ito
nasilayan nang magdapo ang kanilang mga mata. Napaisip nang malalim si
Prudencio, napabuntung-hininga at pagkaraa’y tuluyan nang nilisan ang kakahuyan.
Ikalawang araw na ng selebrasyon.
At sa kasalukuyan ay may nagaganap na engrandeng kainan sa bahay nina Kapitan
Lucas. Inimbita ang lahat nang mga ginoo at ang pamilya nito, mga pari at ilan pang
mga mahahalagang katauhan gaya ng Gobernadorcillo at iba pa. Punung-puno ang
hapag-kainan ng iba’t-ibang putahi at mga bagong-pitas na mga prutas galing pa
mismo sa bakuran ng kanilang mga alila. Di mo aakalain na dito muling magkikita
ang dalawang nilalang nagtitiim ang mga bagang.
Sa magkabilang dulo ng mahabang mesa nakaupo ang kapwa tahimik at kaswal na
sina Padre Agaton at Kapitan Lucas. Sa kabila ng ingay ng pagkukuwentuhan at
14. pagyayabangan ng mga ginoo ay nanatili lamang silang walng kibo ngunit kung
minsan ay ngumngiti din naman sa mag pinag-uusapan ng mga kasabay sa hapag-
kainan. Si Marcela ay lalong tumingkad sa kagandahan sa suot nitong baro at saya
na puti na pinalalamutian ng mga makikinang na baton a pinarisan ng ng mga
bulaklak na makukulay at mababango. Naupo siya sa tabi ang ama at ina.
Mapapnsin na si Kapitan Lucas ay tila hindi pa rin makagalaw nang tama sa harap
ng Padre kura sapg-aakalang anumang sandal ngayon ay sasabog din si Padre
Agaton at pagagalitan sa kanyang nagawang kasalanan at hindi na siya
pagkakapitaning muli. Ngunit, malapit nang matapos ang kainan ay wala pa ring
ginagawa si Padre Agaton. Baka nga wala naman talagang nalalaman ang pari
tungkol sa kanyang lihim at maaring iba ang dahilan ng pagkabugnot nito? Mula sa
naisip ay nakahinga nang kaunti si Kapitan Lucas at nagpasyang tumindig at mag-
alok ng baso para sa lahat.
“Para sa ikabubuti nga ting bayan!” sigaw ng kapitan na halatang pilit ang ngiti.
“Para sa bayan! “tugon naman ng lahat.
“Mabuti naman at mukhang masayang-masaya ang lahat. Pumanhin kung ako ay
nahuli sa pagdating.” Mula sa kung saan ay sumulpot ang isang mataas at makisig na
lalaki.
“Ah walang problema Ginoo.” Ani Padre Flores na tumayo upang salubungin at
ipakilala ang dumating. Kapitan Lucas at mga Ginoo. Ipinakikilala ko sa inyou ang
bagong Ultima-Dionor ng San Andres, si Ginoong Fernando Esperalta.
“Magandang gabi.” Ani binata na sinuyod nang tingin ang lahat at bahagyang
tumigil sa mga mata ni Marcela.
15. Nagbigay-bati rin ang lahat at pagkatapos ay nagsi-upuan. Nakaupo na nang lahat
ngunit si Marcela ay napako pa rin sa kinatatayuan. Tutok na tutok sa mukha ng
bagong dating. Hindi niya magawang igalaw ang kanyang mga paa dahil sa labis na
panginginig at nararamdamang panghihina. Hindi na nito nakayanan at tuluyan na
itong bumagsak sa sahig. Agad naman siyang dinaluhan ng kanyang ina at
inalalayan papasok sa silid. Nag-aalalang sinundan ni Prudencio ng tingin ang mag-
ina. Kapagkuwa’y ibinalik ang tuon sa mga nagbabagang mata ni Padre Agaton.
Tumikhim si Kapitan Lucas nang bahagyang makadama ng kakaibang hangin.
“Bueno, kumusta ka Ginoong Esperalta? Matanong ko, gaano ka na katagal
naninirahan ng San Andres? Tanong ni Kapitan Lucas upang pawiin ang tensyon.
Bumitiw sa pagkakatitig si Fernando kay Padre Agaton at binalingan ang nagtanong.
“Sa katunayan, anim na taon na ang nakalipas nang lisanin ko ang San Andres upang
tumungo sa Madrid at nitong unang araw lamang ako dumating.
Napatango-tango ang mga Ginoo.
“Mabuti naman at naisipan mong umuwi. Kumusta naman ang Madrid? Ang-aral k
aba doon?” usisa naman ng isang pari na may katabaan.
“Nag-aral ako ng medisina doon. At sa katunayan nga ay balak kong ditto na
manilbihan sa aking pagkadoktor. Mabuti naman ang Madrid. Walang pagbabago,
ganuon parin, kailwa’t kanan ang mga nag-aalsa laban sa Gobyerno nito.”
Nagkatinginan ang mga espanyol sa loob ng silid na iyon. May pagkatalas ang dila
ng bisitang ito.Natapos rin ang kainan at isa-isa nang nagsi-uwian ang mga
panauhin.
“Maraming salamat sa iyong pagdalo Padre Agaton.” Ani Kapitan Lucas at inihatid
16. sa pintuan ang kura.
Ganap na ikasampu na ng gabi ay hindi parin makatulog si Padre Agaton.
Nababalisa siya sa muling pagbabalik ni Prudencio. Ano na ang mangyayari sa
kanya ngayon kung tuluyan na itong magsasalita? Kitang-kita pa naman niya sa
lalaki ang poot at labis na pagnanais na makaganti sa kanya. Ano ang pumasok sa
kukote nito na matapos siyang pagbayarin na sampung libu ay ganito ang gagawin at
babaliktarin siya? Unti-unting bumabalik sa isipang ni Padre agaton ang gabing iyon
nang mapatay niya si Procopio, ang taga-kolekta ng buwis na asawa ni Aleng
Anday. Hindi niya sinasadya na kitlin ang buhay nito. Galit na galit siya noon nang
kakaunti lamang ang perang naibigay ni Mang Procopio mula sa pangungulekta ng
buwis. Hindi sinasadyang napalakas ang tulak niya rito at tuluy-tuloy na itong
napabulasok sa hagdanan ng kumbento. Namatay si mang Procopio at ang lahat nang
ito’y nasaksihan ni Prudencio na nuo’y magbabayad sana ng tribute. Dahil sa labis
na takot, ipnakulong niya nang lihim ang binata at piangbaantaan na kung
magsasalita ay buhay ng minamahal at pamilya nito ang magiging kapalit. Sa loob
ng dalawang buwan, iginapos niya si Prudencio sa isang siketong kulungan sa ilalim
ng kumbento at pinapakain lamang niya ito isang beses isang araw. Ngunit
kalauna’y inalok siya ni Prudencio ng isang kasunduan na babayaran siya lamang
siya ng sampung libung piso at aalis a siya, mapapakalyu-layo at di na muling
babalik pa. Pumayag si Padre Agaton sa kasunduan. Matapos magbayad ay
pinakawalan na niya si Prudencio at agad na inumpisahang ibaon sa limot
pangyayaring iyon. At upang kahit papaano’y makabayad kayProcopio, kinuha
niyang mayordoma ng kumbento si Aleng Anday. Pinakitaan niya ito nang mabuting
17. asal, pinakisamahan nang maayos at iginalang. Ang lahat ay ginawa ni Padre Agaton
upang makabawi man lang sa kaluluwang kanyang nilapastangan. Ngunit
kumakailan lang ay nasampal niya si Aleng Anday dahil sa labis na galit nang
makita sa kalagitnaan ng kanyang misa ang di inaasahang mukha ni Prudencio. At
ngayon nga ay nagbalik ito at walang pakundanga’ng nagpahayag ng banta sa
kanyang pagkapari.
“Hindi rin ba kayo makatulog Padre Agaton?” ani ng isang tinig mula sa kanyang
likod. Napalinga siya nang mabilis at tumambad sa kanya ang pigura ni Prudencio na
komportableng nakasandal sa dingding ng kanyang silid na animo’y kanina pa ito
nagmamasid.
“P..paano ka nakapasok dito?” nanginig anbg tinig ni Padre Agaton. Dadamputin n
asana niya ang kampanilya upang tawagin si Aleng Anday ngunit naunahan siya ni
Prudencio at sinipa ito palayo.
“Ano ang kailangan mo?” hintakot na napaupo na lamang si Padre Agaton sa
katabing bangkito.
Nagpalakad-lakad si Prudencio. “Huwag kang mag-alala at wala pa akong gagawing
masama sa inyo. Maghintay lang po kayo at baka bukas ay meron na.” nakangising
turan ni Prudencio na halatang nananakot sa lalong nanginginig na pari.
“Pinagbabantaan mo ba ako ha, Prudencio?”
Ano sa tingin ninyo Padre? Bakit, natatakot kayo na mamatay at tuluyang
makaharap si Mang Procopio na walang awa niyong pinatay? Huwag po kayong
mag-alala, sa tingin ko naman ay hindi kayo magkikita sa iyong paroroonan
sapagkat naiiba ang inyong mga kapupuntahan. Siguro naman ay alam niyo na
18. bilang isang pari kung saan ang kahahantungan ng mga kaluluwang nakapaslang?”
“Tama na! Tumigil ka! At akala mo ba ay wala kang kasalanan? Nagtaksil ka sa
ating kasunduan at ang pagtataksil ay hindi pinatatawad ng Diyos!
Napatawa nang malakas si Prudencio.
“Akala din ba ninyo na maniniwala pa ako sa mga ginagawa ninyong mga
kasinungalingan gaya ng ginagawa ninyo sa mga tao? Na katunayan ay ginagamit
niyo lamang ang Diyos upang mapanatili ang kapangyarihan ninyo dito sa pilipinas?
Puwes, nagkakamali kayo.Alam ba ninyo na mula sa ibinigay ninyong sampung libu
ay nag-aral ako nang maimulat ko ang aking mga mata at nang di na maiikot pa ng
kahit na sino? Ngayon Padre Agaton, may kasalanan nga ba ako?
“Umalis ka na sa silid na ito! Subersibo at walang galang sa panginoon!”
Ngumiti nang nakakaloko si Prudencio at walang kahirap-hirap na tumalon sa
kabilang veranda katabi ng kay Padre Agaton.
Kinabukasan, mnadaling araw pa lamang ay tumungo na and Padre kura sa kalapit
na pantalan. Lilisanin na niya ang Pilipinas bago pa man masawak ni Prudencio ang
kanyang integridad at pagkatao. Ngunit sadyang tuso at di magpapalupig ang binata.
Nagawa niyang sundan si Padre Agaton sa pantalan. Hinding-hindi niya
mapapayagan na matakasan lamang ng pari ang nagawang kasalanan. Hahabulin
niya ito hanggang sa kamatayan. Mabuti na lamang at hindi tumigil si Mang Estong
sa pagbabantay kay Padre Agaton at namataan ang pag-alis ng kura. Agad niyang
ginising si Prudencio upang sundan ito. At heto nga, kapwa nakasampa sa iisang
barko nagkaharap muli ang dalawa. At magmimisa si Padre Agaton---- nang
nakakadena. Isang misa patungkol sa isang kaluluwang hindi matagpu-tagpuan ang
19. tunay na kapayapaan. Nang itaas na ni Padre Agaton ang banal na ostiya, isang
malaking pagsabog ang naganap at gumulantang sa natutulog pang bayan. Wasak
ang barkong kinasasampahan nina Prudencio at Padre Agaton..
Samantala, sa di kalayuan ay makikitang napaluha si Aleng Anday, bahagyang
napahagulhol at pagkatapos ay tumalikod nang nakangiti na parang nasisiyahan.