SlideShare uma empresa Scribd logo
1 de 9
Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna
noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora
Alonzo.
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at
ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham
sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy
niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid
hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at
sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral
sa Paris at Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso
ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito
na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang
pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Bonifacio at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14,
1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat
niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang
kapaligaran.

Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto
siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa
Fort Bonifacio.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan
siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang
magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal
Isinilang sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Tinaguriang pinakadakilang a
lahing kayumanggi. Siya ay si Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Realonda Y Quintos. Ang kanya
magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado Alejandro at Teodora Alonzo Realonda Quinto

       Ricial, dito nagmula ang pangalang Rizal na nangangahuluganag "mula sa bigas o palay" ng luntiang kabukiran. Ito ay alinsunod sa kapasyahan ng Kapit
Claveria noong ika-27 ng Nobyembre,1849. Si Rizal ay bininyagan noong ika-20 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang nagbinyag sa kanya ay si Padre Rufin
at si Padre Pedro Casañas ang kanyang naging ninong.


       Noong 1864, siya'y tatlong taong gulang, tinuruan siya ng kanyang ina ng abakada at nang siya'y siyam na taong gulang na ay pinadala siya sa Biñan at
ilalim ni Justiniano Aquino Cruz. Ika-20 ng Enero, 1872 ay pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila dito siya nagtamo ng kanyang pangunahing
notang Sobrasaliente sa lahat ng aklat. Noong ika-14 ng Marso, 1877 tumanggap siya ng katibayang Bachiler en Artes at notang Sobrasaliente k
pinakamataas na karangalan. Nag-aral siya Filosopia Y Letras sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1878 at Agham sa pagsasaka sa Ateneo. Sa Ateneo
panggagamot. Ika-5 ng Mayo, 1882. Siya ay nagtungo sa Europa sa gulang na 21 upang magpatuloy ng pag-aaral. Sapagkat hindi siya nasisiyahan sa pa
eskwelang pinapasukan.


      Noong 1884, nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles. Magtatapos ang 1884 at magsisimula ang 1885 nang sinulat ni Rizal ang unang kalahati ng Noli M
sa Madrid. Ang ikaapat na bahagi sa Paris at isa pang ikaapat na bahagi ay isinulat sa Alemanya. Natapos niya ang Noli Me Tangere noong ika-21 ng Peb
Dalawang libong kopya ang kanyang naipagawa na nagkakahalaga ng tatlong daang piso. Si Maximo Viola ang tumulong sa kanya at nagpahiram ng tatlong daan


        Ika-3 ng Pebrero, 1888. Siya ay umalis sa Maynila upang magtungo sa Europa dahil umiiwas siya sa pagkagalit ng mga Kastila sa pagkakalathala
Noong 1891 ipinalimbag sa Grante Belhika ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na El Filibusterismo. Ika-3 ng Hunyo, 1892, itinatag ni Rizal ang La Li
isang kapisanan na ang lihim na pakay ay ang pagbabago ng lakad ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at di paghihimagsik. Bum
Pilipinas nang ika-26 ng Hunyo, 1892. Ika-7 ng Hunyo, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan Heneral Despujol, ipinalathala sa Gazette ang mga dahilan sa
kay Rizal. Pagkatapos ng walong araw, ika-15 ng buwan na iyon ay ipinatapon si Rizal sa Mindanao. Si Kapitan Heneral Blanco ang nagpatotoo sa mga kakayah
na kailanma'y di siya nakilahok sa mga pag-aalsang nangyari sa Pilipinas at dahil dito, humiling si Rizal na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba. Magt
1896, hinuli si Rizal sa kinalulunang bapor habang naglalakbay patungong Espanya at pagdating sa Barcelona ay ibinalik sa Paris. Sa Real Fuersa De Santiago
Rizal nang siya’y dumating sa Maynila. Dito siya hinarap sa hukumang militar at nilitis at nahatulang barilin sa Bagong Bayan. Ika-30 ng Disyembre, 1896
Rizal sa edad na 35. Bago siya lumabas sa Fort Santiago, ibinigay niya ang ilawang kinaroroonan ng kanyang huling akdang pampanitikan kay Trinidad.
➢TALAMBUHAY NI DR. JOSEPROTACIO MERCADO RIZAL ALONZO Y REALONDA

KAPANGANAKAN NI DR. JOSE RIZAL

Petsa:

Miyerkules, Hunyo 19, 1861

Lugar:

Calamba, Laguna

BINYAG:

Petsa:

Hunyo 22, 1861

Pari:

Padre Rufino Collantes

PAMILYA NI DR. JOSE RIZAL

FRANCISCO MERCADO RIZAL

KAPANGANAKAN

Petsa:

Abril 18, 1818

Lugar:

Bi
ñan, Laguna

Mga Magulang:

Ama: Juan Mercado Ina: Cecilia Alejandro

Paaralan:

Colegio de San Jose, Maynila

KAMATAYAN

Petsa:

Enero 5, 1898

TEODORA ALONZO Y REALONDA

KAPANGANAKAN

Petsa:

Nobyembre 14, 1827

La Entrada Triumfa de los Reyes Catolicos en Granda

➢

A La Juventud Filipina

➢

A Mi Madre

➢

Los Viejeros

➢

Mi Retiro

➢

Ultimo Adios

Nobela

➢
Noli Me Tangere

➢

El Filibusterismo

➢

Makamisa

PAGLILOK

➢

Sagrado Corazon de Jesus

➢

Mahal na Birheng Maria

PAGLALAKBAY

Barcelona

➢

Sinulat ang sanaysay (Amor Patrio)

➢

Inilathala ang Diariong Tagalog

➢

Laong- laan ang Sagisag ni Rizal

➢

Nag- aaral ng Pilosopiya at Medisina sa Unibersidad Central de Madrid

France at Germany

➢

Ang matsing at ang Pagong, Iginuhit sa Paris

➢

A Las Flores de Heidelberg, isinulat sa Germany

PAGIBIG
LEONORA RIVERA

-Unang minahal ni Rizal

JOSEPHINE BRACKEN

-huling minahal ni Rizal

KAMATAYAN

Petsa: Disyembre 30, 1896BagumbayanPinagtibay ni Gobernador Heneral Camilo G. Polavieja..

Talambuhay ni Jose Rizal
This biography of Filipino national hero Jose Rizal was written in Tagalog by Jose N. Sevilla y Tolentino
in the early 1920s.


                           TALAMBUHAY NI GAT JOSE RIZAL AT MERCADO


Lahat ng sásabihin tungkól sa dakilang Bayaning itó ay nasabi na ng mga lalong Pantás at mga
Dalubhasang tao ng sansinukuban, pagkápalibhasà ay nápatangi siyá ng gayón na lamang sa lahát ng
Bayaning sumipót dito sa Pilipinas at siyá'y nápabilang sa mga dakilang Bayani ng sangkatauhan.

Lahát ng paraán ay sinikap ng kanyáng mga kapanahón upáng siyá'y manatili sa pusò ng madlâ.

Sa lalong mababang halagáng selyo, ang kanyáng larawan ay nároroón upáng ang kanyáng aláala ay
huwag máliblib sa lalong katagutaguang nayon at kaabáabaang buhay na dî makapagingat ng isáng
larawan niyáng nakapagbibigay siglá sa mga pusong lumálamlám sa pagibig sa Tinubuang Lupà.

Si Gat Rizal ay pinarangalán din ng Pámahalaán natin na taglayin ng salaping papel na dadalawahing
piso ang kanyáng larawan, upáng magpalipatlipat sa mga kamáy ng lahát ng naninirahan dito sa ating
lupain at sa labás man, na makapagingat ng salaping yaón na nákikilala sa tawag na «isáng Rizal».

Mg̃a aklát na násusulat halos sa lahát ng wikà ang iniukol sa kanyang karangalan. Isáng malaking
bantayog na pinaggugulan ng salapî ng ating Pámahalaán ang sa gitnâ ng Luneta ay nagpápaalala ng
kanyáng kagitingan. Ang kanyáng pangalan ay kilalá ng lahát ng pilipino, pinipintuhò at pinarárangalan sa
ating Kapuluán ng banyagà at kababayan man, ng batà at ng matandâ, ng Pantás at ng hangál; ng
puhunan at ng paggawâ; at sa ibang lupaín ay pinaúunlakán din ng lahát ng pilipino sa kanyáng dakilang
araw, sa araw na ang kanyáng buhay ay kinitil ng kalupitan.

Sumilang si Gat José Rizal niyaóng iká 19 ng Hunyo ng taóng 1861, sa bayan ng Kalambâ,
Laguna, at siyá'y anák ni G. Francisco at ni Gng. Teodora Alonso.

Anák sa bayang Tagalog at liping Tagalog na tunay, kayá't ang pagibig sa Tinubuang Lupà ay kalangkáp
ng kanyáng pagkátao. Aral sa táhanan, sa pagtuturò ng mga magulang na nagnasang magmulat ng
kanyáng bait sapól sa pagkámusmós, ay nagawâ sa kanyáng murang bait ang gulang na siyam na taón
pa lamáng ay makalikhâ na ng isáng dulà na kinagiliwan ng Kápitan sa bayan.
Sa kanugnóg na bayan ng Binyáng ay nagáral siyá kay G. Justiniano Aquino at Cruz at sa loób lamang
ng iláng buwan ay walâ nang máiturò sa kanyá ang Gurong Bayan, yamang nátutuhan na niyáng lahát
ang nálalaman noón kayá't nang Hunyo, ng taón 1872 ay lumipat siyá sa San Juan de Letrán, nguni't dî
siyá náwili rito, kayá't lumipat agád sa Páaralán ng mga Hesuita hanggáng sa tinamó niyá ang katibayan
ng pagká «Bachiller en Artes».
Lumipat siyá sa Universidad de Sto. Tomás, upáng magáral ng «Filosofia» «Medicina» at
«Agrimensura» at yamang nápansín niyáng hindî mabuti ang tingín sa kanyá ng mga Guró doón, at sa
payo ng kanyáng mga kaibigan, niyaóng Mayo ng taóng 1882 ay lumayag siyáng patungo sa Europa,
pagkatapos niyáng tamuhín ang katibayang pagká «Agrimensor».
Dumáan siyá sa Singapur, Kanal ng Sues, at sa Marselya siyá lumunsád, at buhat doón ay napatungo sa
Barselona na kinakilalanan niyá sa mga kalupaíng dóroón. Tumungo siyá sa Madrid at sa «Universidad
Central» doón, ay nagpatuloy siyá ng pagáaral ng «Medicina», «Literatura» at «Filosofia»; kasaliw ng
pagáaral niyá ng mga karunungang nábangít ay dî niyá napaglabanan ang hilig ng kanyáng diwà sa
sining, kayá't nagáral din siyá ng Paglililok (escultura) at ng pagkuha ng larawan sa pamamagitan ng
lápis at ng kulay na lubhâ niyáng ikinatangî.
Pagkátapos niyáng tamuhin ang mga katibayan sa «Medicina», «Filosofia» at «Literatura» niyaóng taóng
1885 ay lumipat siyá sa Paris na kanyáng kinátagpuán sa mga kalupaing Antonio at José Luna, at Pardo
de Tavera; buhat sa Fransiya ay lumipat siyá sa Alemanya upáng makinyíg ng mga bantóg na Panayám
sa «Universidad de Heidelberg»: lumipat siyá sa Berlin at sa bayang itó niyá tinapos ang waláng
kamatayang «Noli».
Si Dr. Jagor sa Berlin na masikháy na sumuysóy ng mga kapakanán sa Pilipinas ay nakátagpô sa ating
Rizal, ng isáng mabutíng kaibigan. Buhat sa Berlin ay lumipat si Rizal sa Austria at dito niyá nakaniíg si
Prof. Blumentritt; mulâ sa bayang itó ay napatungo siyá sa Italya. Dito niya isinalin sa Tagalog
ang «Wilhem Tell» at saká umwî dito sa Pilipinas.

Si Rizal ay mawilihin sa pagáaral ng wikà, at itó ang sanhî ng kanyáng pagliklík sa lahát halos ng mga
Pangulong bayan sa Europa, at nang siyá'y dumatíng dito sa ating lupaín, upáng harapín ang
panggagamót ay nagsásalitâ na siyá ng halos lahát ng wikáng lináng sa Europa at Asia.

Noóng 1888 ay ninasang mulíng maglakbáy sa mga ibáng dako ng sansinukob at siyá'y dumaán sa
Hongkóng na kanyáng kinátagpuán sa dakilang Tagalog doón na siGinoóng José Basa; pagdaán
sa Hapón, upáng pagáralan sa sariling lupà ang wikang Hapón, dumaán sa Amérika, bago nagtulóy sa
Inglaterra at sa bayang itò nákaniíg si G. Antonio Ma. Regidor. Sa Londres at sa bahay ni G. Regidor niyá
isinalin at tinuligsà ang Kasaysayan ng Pilipinas na sinulat ni Pari Morga, na lubhà niyáng ikinabantóg sa
panitikan.
Iká 9 ng Nobyembre ng taóng 1887 nang sulatin ni Profesor Blumentritt ang páunang salitâ sa «Morga»
ni Dr. Rizal.
Sa pánitikan ay may isá siyáng mainam na bakás na naiiwan sa bawa't panahón. Bilang páuná ng
kanyáng panunulat ay násabi na namin na siyam na taón pa lamang ang kanyáng gulang nang sumulat
ng isáng dulà na noón pa ma'y kinábakasán na ng dì karaniwang indayog ng kanyáng diwà. Niyaóng
1887 na magdaos ng isáng Timpalák ang «Licco Artístico Literario» dito sa Maynilà na sinalihan ng
lubháng maraming mánunulat ay nápili at nagtagumpáy ang kanyáng tulà na may pamagat na «A la
Juventud Filipina». Sa kapanahunang si Rizal ay nagáaral pa sa Ateneo sa pagpaparangál sa Mahal na
Birhen ay sumulat siyá ng isáng dulà na pinamagatán niyáng «Junto Al Pasig», na lubháng kinágiliwan
ng nangagsipanoód na pawang dalubhasá. Sa Timpalák na idinaos sa pagpaparangál sa ikáapat na
raang taóng ikinamatáy ni Cervantes, ay nagtagumpáy ang titik ni Rizal na may pamagát na El Concejo
de Los Dioses. Sa Madrid ay nagkaroón ng ibáng himíg ang kanyáng mga sulat at dito na nga
nábunyáng ang tunay na pagibig sa Tinubuang Lupà.
Ang kanyáng «Noli» ay sinimulán niyáng sulatin sa Madrid at natapos sa Austria, ang «Filibusterismo»
ay sinulat niya sa Ghert Olanda, noóng 1891.

Hulyo iká 3 ng taóng 1892 nang nagpulong sa bahay ni G. Doroteo Ongjungco sa daang Ilaya blg. 176
Tundó tungkól sa «Liga Filipina» at iká 6 ng Hulyo ng 1892 nang ipinadakíp ni Henerál Eulogio. Despujol
at ipapiit sa Fuerza Santiago.

Niyaóng iká 11 ng Pebrero ng 1893 ay itinatag ni Dr. Rizal ang «Liga Filipina» isáng kapisanang pilipino
na pinagukulan ni Mabini ng gayaríng katagâ: «Nang makitang ang lahát ng sikáp ay waláng tarós at
salát sa kaayusan, at di nagbibigay ng katampatang wakasin, ay linikhâ ni Rizal ang Liga Filipina».
Nang si Rizal ay ipatapon sa Dapitan siyá'y nagsaka doón at nagtayô ng Páaralán sa mga tagaroón;
kahit iisang igláp ay hindî siyá nátahimik at pawáng iniukol sa kabutihan ang kanyáng mga gawâ. Ang
mga maysakit doón ay nakatagpò sa kanyá ng isáng waláng bayad na Manggamot.
Samantaláng siyá'y nároroón ay isáng amerikanong nagngangalang Taufer na kasama ng isáng
anakanakan na nagngangalang Josefina Bracken ay dumalaw sa kanyá, upáng ipagamót ang mga
matáng hindî makákita at pinasiyahán na ng mga ibang Manggagamot ng waláng lunas, ang Josefinang
itó ay siyáng naging kapalad ni Dr. Rizal at nákasama niyá sa buhay na yaón sa tapunan.
Ang mga kahilingan ni Dr. Rizal upáng siyá ay patawarin ay hindî diningig ng mga makapangyarihan,
nguni't kailán ma'y dî nanawi sa kanyá ang pagasa, at sa gayóng kalagayan ay tumanggáp siyá ng isáng
sulat ng matalik niyáng kaibigang austriako na si Prof. Blumentritt, na kanyáng hilingíng sa Pamahalaáng
siyá'y makaparoón sa Kuba bilang Manggagamot ng mga kawal na kastilà doón, at ang gayóng
kahilingan ay pinakinggan ni Henerál Blanco, kayá't siyá, sa paniniwâláng siyá'y waláng masamáng
nágawâ kangino man na titigatig sa sariling budhî, kasama ni Josefina at ng kanyáng pamangking si
Maria Luisa, ay agád napa Maynilà at sa kasamaáng palad, nang silá'y dumaóng sa luók ng Maynilà ang
sasakyáng patungo sa Espanya ay nakáalis na, kayá't sila ay nangapilitang maghintáy ng panibagong
sasakyáng lálayag, na dî iba't ang «Castilla». At si Rizal ay tumulak na nga, nguni't ang Hímagsíkang
pinangunguluhan ni Gat Bonifacio ay nabunsód ng walâ sa panahón at isáng pahatid kawad na buhat kay
Gobernador Polavieja ang tinanggap, nang ang «Castilla» ay dumaóg sa Kanal ng Sues, hatid kawad na
naguutos na dakpin si Dr. Rizal, at sinalubong sa Barselona ang ating kababayan upáng ipiit doón.
Pagkaran ng iláng araw ay ilinulan siyáng mulî upáng ihatid sa Pilipinas. Nang idaán sa Hongkóng ay
sinikap ni Dr. Regidor na siyá'y palayain sa pamamagitan ng «Habeas Corpus» nguni't hindî
ipinagtagumpáy ni G. Regidor, ang kanyáng banál na nais na mapalayà si Dr. Rizal.

Siyá'y inusig dahil sa pagkakátatag ng «Liga Filipina» at pagtataguyod ng Himagsikan, at hindî siyá
pinahintulutang makapagtanggól máliban sa siyá'y pinapamili sa mga Pámunuáng doón ay nátitipon.
Napili niyá si G. Luis Taviel Andrade, isáng marangál na kastilang nagtanggól sa kanyá ng ubos kaya,
nguni't hindî diningig at hinatulan siyáng barilín sa Liwasan ng Bagumbayan.

Sa pagkamánunulat ni Rizal ay walâ nang máitatawad. Masasabi nang waláng alinlangan, na ang
kanyáng panitik ang siyáng lumikhâ ng mga kabaguhan sa kapamayanan, na kasalukuyan nating
tinatamasa at siyáng nagpayanig ng matibay na Pámahalaán ng kastilà na mahigit ng tatlóng daang
taóng sa atin ay naghari.

Ang dakilang Bayaning itó na pinagúukulan namin ng ulat ngayón, ay siniíl ng kalupitán nang dî
malilimutang Henerál Polavieja at niyaóng ika-30 ng Disyembre ng taóng 1896 sa lawak ng
Bagumbayan ay pinapagdanak ang kalinislinisáng dugô ng isáng banál na anák ng Pilipinas.

Ang hagunót na hálakhakan ng kanyáng mga kaaway ay nariringig pa halos nang dumating ang hatol ng
tadhanang matapos ang kalupitán ng mga kastilà rito sa atíng lupaín at niyaóng Mayo ng 1898 ang
makapangyarihang bayang amerikano, sa likhà ng mga pangyayari ay nagpadalá rito ng kanyáng mga
sasakyáng pandigmâ, upáng sa pamamagitan ng mga punglóng ibinúbuga ng mga kanyón sa Hukbó ng
dating Panginoón at Harì ay mábabâ at mahalinhán ang watawat na «gintô at dugô» na sumaksí rito sa
ating lupaing mapagkalingà ng mga dî mahulilip nakalupitán.

At buhat noón ang mga unáng banaag ng Bagóng Araw ng Pilipinas ay namiták sa silanganan ng
kanyáng pagasa.

Bilang pagwakás sa ulat na itó ay ilalakip namin dito ang huling bunga ng panitik ng Bayaning Tagalog na
pinamagatán niyá ng Mi Ultimo Adios.

Mais conteúdo relacionado

Mais procurados

Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationMarti Tan
 
Pamahalaan ng pilipinas sa ilalim ng espanya
Pamahalaan ng pilipinas sa ilalim ng espanyaPamahalaan ng pilipinas sa ilalim ng espanya
Pamahalaan ng pilipinas sa ilalim ng espanyaShara Mae Reloj
 
Ang Kilusang Propaganda
Ang Kilusang PropagandaAng Kilusang Propaganda
Ang Kilusang PropagandaMavict De Leon
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA asa net
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wikaAudrey Jana
 
Edukasyon ni Rizal
Edukasyon ni RizalEdukasyon ni Rizal
Edukasyon ni Rizalyel08
 
Ap10 modyul2 mga isyung pangekonomiya_aralin1 and 2
Ap10 modyul2 mga isyung pangekonomiya_aralin1 and 2Ap10 modyul2 mga isyung pangekonomiya_aralin1 and 2
Ap10 modyul2 mga isyung pangekonomiya_aralin1 and 2Aileen Enriquez
 
Ang Kasaysayan ng Noli Me Tangere
Ang Kasaysayan ng Noli Me TangereAng Kasaysayan ng Noli Me Tangere
Ang Kasaysayan ng Noli Me TangereEM Barrera
 
Filipino kabanataaa 14
Filipino kabanataaa 14Filipino kabanataaa 14
Filipino kabanataaa 14PurePabillore1
 
Pagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuanPagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuanRodel Moreno
 
Noli Me Tangere Kabanata XIV, XV, XVII, XVIII at XIX
Noli Me Tangere Kabanata XIV, XV, XVII, XVIII at XIXNoli Me Tangere Kabanata XIV, XV, XVII, XVIII at XIX
Noli Me Tangere Kabanata XIV, XV, XVII, XVIII at XIXLlomar Aguanta
 
kahulugan ng el filibusterismo.pptx
kahulugan ng el filibusterismo.pptxkahulugan ng el filibusterismo.pptx
kahulugan ng el filibusterismo.pptxLaunganShimaeB
 
Aralin 4 ang sistema ng edukasyon ng mga espanyol
Aralin 4  ang sistema ng edukasyon ng mga espanyolAralin 4  ang sistema ng edukasyon ng mga espanyol
Aralin 4 ang sistema ng edukasyon ng mga espanyolCHIKATH26
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatArlyn Anglon
 
Mga pagbabagong dulot ng pananakop
Mga pagbabagong dulot ng pananakopMga pagbabagong dulot ng pananakop
Mga pagbabagong dulot ng pananakopsiredching
 
Kabanata 14: Si Rizal Sa London, By: Frances Obias-Turiano
Kabanata 14: Si Rizal Sa London, By: Frances Obias-TurianoKabanata 14: Si Rizal Sa London, By: Frances Obias-Turiano
Kabanata 14: Si Rizal Sa London, By: Frances Obias-TurianoEF Tea
 
Noli Me Tangere Kabanata 16-20 (ADN)
Noli Me Tangere Kabanata 16-20 (ADN)Noli Me Tangere Kabanata 16-20 (ADN)
Noli Me Tangere Kabanata 16-20 (ADN)yanuuuh
 

Mais procurados (20)

Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
 
Pamahalaan ng pilipinas sa ilalim ng espanya
Pamahalaan ng pilipinas sa ilalim ng espanyaPamahalaan ng pilipinas sa ilalim ng espanya
Pamahalaan ng pilipinas sa ilalim ng espanya
 
Lupang tinubuan
Lupang tinubuanLupang tinubuan
Lupang tinubuan
 
Ang Kilusang Propaganda
Ang Kilusang PropagandaAng Kilusang Propaganda
Ang Kilusang Propaganda
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
Edukasyon ni Rizal
Edukasyon ni RizalEdukasyon ni Rizal
Edukasyon ni Rizal
 
Rizal sa europa (1882 1892)
Rizal sa europa (1882 1892)Rizal sa europa (1882 1892)
Rizal sa europa (1882 1892)
 
Pagsusuri sa tulang ang guryon
Pagsusuri sa tulang ang guryonPagsusuri sa tulang ang guryon
Pagsusuri sa tulang ang guryon
 
Ap10 modyul2 mga isyung pangekonomiya_aralin1 and 2
Ap10 modyul2 mga isyung pangekonomiya_aralin1 and 2Ap10 modyul2 mga isyung pangekonomiya_aralin1 and 2
Ap10 modyul2 mga isyung pangekonomiya_aralin1 and 2
 
Ang Kasaysayan ng Noli Me Tangere
Ang Kasaysayan ng Noli Me TangereAng Kasaysayan ng Noli Me Tangere
Ang Kasaysayan ng Noli Me Tangere
 
Filipino kabanataaa 14
Filipino kabanataaa 14Filipino kabanataaa 14
Filipino kabanataaa 14
 
Pagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuanPagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuan
 
Noli Me Tangere Kabanata XIV, XV, XVII, XVIII at XIX
Noli Me Tangere Kabanata XIV, XV, XVII, XVIII at XIXNoli Me Tangere Kabanata XIV, XV, XVII, XVIII at XIX
Noli Me Tangere Kabanata XIV, XV, XVII, XVIII at XIX
 
kahulugan ng el filibusterismo.pptx
kahulugan ng el filibusterismo.pptxkahulugan ng el filibusterismo.pptx
kahulugan ng el filibusterismo.pptx
 
Aralin 4 ang sistema ng edukasyon ng mga espanyol
Aralin 4  ang sistema ng edukasyon ng mga espanyolAralin 4  ang sistema ng edukasyon ng mga espanyol
Aralin 4 ang sistema ng edukasyon ng mga espanyol
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulat
 
Mga pagbabagong dulot ng pananakop
Mga pagbabagong dulot ng pananakopMga pagbabagong dulot ng pananakop
Mga pagbabagong dulot ng pananakop
 
Kabanata 14: Si Rizal Sa London, By: Frances Obias-Turiano
Kabanata 14: Si Rizal Sa London, By: Frances Obias-TurianoKabanata 14: Si Rizal Sa London, By: Frances Obias-Turiano
Kabanata 14: Si Rizal Sa London, By: Frances Obias-Turiano
 
Noli Me Tangere Kabanata 16-20 (ADN)
Noli Me Tangere Kabanata 16-20 (ADN)Noli Me Tangere Kabanata 16-20 (ADN)
Noli Me Tangere Kabanata 16-20 (ADN)
 

Destaque

Ang mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa Pilipinas
Ang mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa PilipinasAng mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa Pilipinas
Ang mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa Pilipinasbright_shadow
 
Mga huling araw ni rizal
Mga huling araw ni rizalMga huling araw ni rizal
Mga huling araw ni rizalKea Sarmiento
 
Filipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
Filipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose RizalFilipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
Filipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose RizalJuan Miguel Palero
 
Talambuhay ni dr. jose rizal
Talambuhay ni dr. jose rizalTalambuhay ni dr. jose rizal
Talambuhay ni dr. jose rizalEnzo Gatchalian
 
Ang kabataan ni jose rizal
Ang kabataan ni jose rizalAng kabataan ni jose rizal
Ang kabataan ni jose rizalArnel Rivera
 
Socio5 14 arrest and trial of rizal
Socio5   14 arrest and trial of rizalSocio5   14 arrest and trial of rizal
Socio5 14 arrest and trial of rizalYvan Gumbao
 
Rizal report (chapter 22)
Rizal report (chapter 22)Rizal report (chapter 22)
Rizal report (chapter 22)Jmee Liwag
 
MGA GANTIMPALANG NATAMO NI RIZAL SA ATENEO
MGA GANTIMPALANG NATAMO NI RIZAL SA ATENEOMGA GANTIMPALANG NATAMO NI RIZAL SA ATENEO
MGA GANTIMPALANG NATAMO NI RIZAL SA ATENEOErwin Ted
 
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni RizalHuling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni RizalSeo Dae Eun
 
Mga huling araw ni rizal hanggang kamatayan
Mga huling araw ni rizal hanggang kamatayanMga huling araw ni rizal hanggang kamatayan
Mga huling araw ni rizal hanggang kamatayanKea Sarmiento
 
Kilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunanKilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunanIvy Fabro
 

Destaque (20)

Ang mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa Pilipinas
Ang mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa PilipinasAng mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa Pilipinas
Ang mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa Pilipinas
 
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL
TALAMBUHAY NI JOSE RIZALTALAMBUHAY NI JOSE RIZAL
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL
 
Joserizal(talambuhay)
Joserizal(talambuhay)Joserizal(talambuhay)
Joserizal(talambuhay)
 
Mga huling araw ni rizal
Mga huling araw ni rizalMga huling araw ni rizal
Mga huling araw ni rizal
 
Filipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
Filipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose RizalFilipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
Filipino 9 Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
 
Talambuhay ni dr. jose rizal
Talambuhay ni dr. jose rizalTalambuhay ni dr. jose rizal
Talambuhay ni dr. jose rizal
 
Childhood
Childhood Childhood
Childhood
 
Energy drinks
Energy drinksEnergy drinks
Energy drinks
 
Ang kabataan ni jose rizal
Ang kabataan ni jose rizalAng kabataan ni jose rizal
Ang kabataan ni jose rizal
 
Sa dapitan
Sa dapitanSa dapitan
Sa dapitan
 
Filipino rizal
Filipino rizalFilipino rizal
Filipino rizal
 
Socio5 14 arrest and trial of rizal
Socio5   14 arrest and trial of rizalSocio5   14 arrest and trial of rizal
Socio5 14 arrest and trial of rizal
 
Rizal report (chapter 22)
Rizal report (chapter 22)Rizal report (chapter 22)
Rizal report (chapter 22)
 
Rizal
RizalRizal
Rizal
 
BATAS RIZAL AT MAIKLING TALAMBUHAY NI RIZAL
BATAS RIZAL AT MAIKLING TALAMBUHAY NI RIZALBATAS RIZAL AT MAIKLING TALAMBUHAY NI RIZAL
BATAS RIZAL AT MAIKLING TALAMBUHAY NI RIZAL
 
Talambuhay ni Jose Rizal
Talambuhay ni Jose RizalTalambuhay ni Jose Rizal
Talambuhay ni Jose Rizal
 
MGA GANTIMPALANG NATAMO NI RIZAL SA ATENEO
MGA GANTIMPALANG NATAMO NI RIZAL SA ATENEOMGA GANTIMPALANG NATAMO NI RIZAL SA ATENEO
MGA GANTIMPALANG NATAMO NI RIZAL SA ATENEO
 
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni RizalHuling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal
 
Mga huling araw ni rizal hanggang kamatayan
Mga huling araw ni rizal hanggang kamatayanMga huling araw ni rizal hanggang kamatayan
Mga huling araw ni rizal hanggang kamatayan
 
Kilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunanKilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunan
 

Semelhante a Jose rizal (20)

Mga bayani
Mga bayaniMga bayani
Mga bayani
 
Bayani ng Pilipinas
Bayani ng PilipinasBayani ng Pilipinas
Bayani ng Pilipinas
 
mga tala ukol sa buhay ni Rizal
mga tala ukol sa buhay ni Rizalmga tala ukol sa buhay ni Rizal
mga tala ukol sa buhay ni Rizal
 
noli-180124094319.pptx
noli-180124094319.pptxnoli-180124094319.pptx
noli-180124094319.pptx
 
Mga bayani ng pilipinas
Mga bayani ng pilipinasMga bayani ng pilipinas
Mga bayani ng pilipinas
 
Mgabayaningpilipinas 170818030440
Mgabayaningpilipinas 170818030440Mgabayaningpilipinas 170818030440
Mgabayaningpilipinas 170818030440
 
Jesper aki.....
Jesper aki.....Jesper aki.....
Jesper aki.....
 
Ustare, rosita
Ustare, rositaUstare, rosita
Ustare, rosita
 
El Filibusterismo.pptx
El Filibusterismo.pptxEl Filibusterismo.pptx
El Filibusterismo.pptx
 
Jose rizal
Jose rizalJose rizal
Jose rizal
 
El filibusterismo.pptx
El filibusterismo.pptxEl filibusterismo.pptx
El filibusterismo.pptx
 
Kabanata 24 buhay ni jose rizal
Kabanata 24 buhay ni jose rizalKabanata 24 buhay ni jose rizal
Kabanata 24 buhay ni jose rizal
 
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGEREDR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
 
1-JOSE RIZAL.pptx
1-JOSE RIZAL.pptx1-JOSE RIZAL.pptx
1-JOSE RIZAL.pptx
 
Lesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizalLesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizal
 
Lesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizalLesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizal
 
Filipino-Group 5
Filipino-Group 5Filipino-Group 5
Filipino-Group 5
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.pptKaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
 
Jose Rizal's Biography
Jose Rizal's BiographyJose Rizal's Biography
Jose Rizal's Biography
 
rizal Kabanata 1
rizal Kabanata 1rizal Kabanata 1
rizal Kabanata 1
 

Jose rizal

  • 1. Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura. Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Bonifacio at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran. Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio. Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan. Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta). Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal
  • 2. Isinilang sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Tinaguriang pinakadakilang a lahing kayumanggi. Siya ay si Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Realonda Y Quintos. Ang kanya magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado Alejandro at Teodora Alonzo Realonda Quinto Ricial, dito nagmula ang pangalang Rizal na nangangahuluganag "mula sa bigas o palay" ng luntiang kabukiran. Ito ay alinsunod sa kapasyahan ng Kapit Claveria noong ika-27 ng Nobyembre,1849. Si Rizal ay bininyagan noong ika-20 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang nagbinyag sa kanya ay si Padre Rufin at si Padre Pedro Casañas ang kanyang naging ninong. Noong 1864, siya'y tatlong taong gulang, tinuruan siya ng kanyang ina ng abakada at nang siya'y siyam na taong gulang na ay pinadala siya sa Biñan at ilalim ni Justiniano Aquino Cruz. Ika-20 ng Enero, 1872 ay pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila dito siya nagtamo ng kanyang pangunahing notang Sobrasaliente sa lahat ng aklat. Noong ika-14 ng Marso, 1877 tumanggap siya ng katibayang Bachiler en Artes at notang Sobrasaliente k pinakamataas na karangalan. Nag-aral siya Filosopia Y Letras sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1878 at Agham sa pagsasaka sa Ateneo. Sa Ateneo panggagamot. Ika-5 ng Mayo, 1882. Siya ay nagtungo sa Europa sa gulang na 21 upang magpatuloy ng pag-aaral. Sapagkat hindi siya nasisiyahan sa pa eskwelang pinapasukan. Noong 1884, nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles. Magtatapos ang 1884 at magsisimula ang 1885 nang sinulat ni Rizal ang unang kalahati ng Noli M sa Madrid. Ang ikaapat na bahagi sa Paris at isa pang ikaapat na bahagi ay isinulat sa Alemanya. Natapos niya ang Noli Me Tangere noong ika-21 ng Peb Dalawang libong kopya ang kanyang naipagawa na nagkakahalaga ng tatlong daang piso. Si Maximo Viola ang tumulong sa kanya at nagpahiram ng tatlong daan Ika-3 ng Pebrero, 1888. Siya ay umalis sa Maynila upang magtungo sa Europa dahil umiiwas siya sa pagkagalit ng mga Kastila sa pagkakalathala Noong 1891 ipinalimbag sa Grante Belhika ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na El Filibusterismo. Ika-3 ng Hunyo, 1892, itinatag ni Rizal ang La Li isang kapisanan na ang lihim na pakay ay ang pagbabago ng lakad ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at di paghihimagsik. Bum Pilipinas nang ika-26 ng Hunyo, 1892. Ika-7 ng Hunyo, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan Heneral Despujol, ipinalathala sa Gazette ang mga dahilan sa kay Rizal. Pagkatapos ng walong araw, ika-15 ng buwan na iyon ay ipinatapon si Rizal sa Mindanao. Si Kapitan Heneral Blanco ang nagpatotoo sa mga kakayah na kailanma'y di siya nakilahok sa mga pag-aalsang nangyari sa Pilipinas at dahil dito, humiling si Rizal na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba. Magt 1896, hinuli si Rizal sa kinalulunang bapor habang naglalakbay patungong Espanya at pagdating sa Barcelona ay ibinalik sa Paris. Sa Real Fuersa De Santiago Rizal nang siya’y dumating sa Maynila. Dito siya hinarap sa hukumang militar at nilitis at nahatulang barilin sa Bagong Bayan. Ika-30 ng Disyembre, 1896 Rizal sa edad na 35. Bago siya lumabas sa Fort Santiago, ibinigay niya ang ilawang kinaroroonan ng kanyang huling akdang pampanitikan kay Trinidad.
  • 3. ➢TALAMBUHAY NI DR. JOSEPROTACIO MERCADO RIZAL ALONZO Y REALONDA KAPANGANAKAN NI DR. JOSE RIZAL Petsa: Miyerkules, Hunyo 19, 1861 Lugar: Calamba, Laguna BINYAG: Petsa: Hunyo 22, 1861 Pari: Padre Rufino Collantes PAMILYA NI DR. JOSE RIZAL FRANCISCO MERCADO RIZAL KAPANGANAKAN Petsa: Abril 18, 1818 Lugar: Bi
  • 4. ñan, Laguna Mga Magulang: Ama: Juan Mercado Ina: Cecilia Alejandro Paaralan: Colegio de San Jose, Maynila KAMATAYAN Petsa: Enero 5, 1898 TEODORA ALONZO Y REALONDA KAPANGANAKAN Petsa: Nobyembre 14, 1827 La Entrada Triumfa de los Reyes Catolicos en Granda ➢ A La Juventud Filipina ➢ A Mi Madre ➢ Los Viejeros ➢ Mi Retiro ➢ Ultimo Adios Nobela ➢
  • 5. Noli Me Tangere ➢ El Filibusterismo ➢ Makamisa PAGLILOK ➢ Sagrado Corazon de Jesus ➢ Mahal na Birheng Maria PAGLALAKBAY Barcelona ➢ Sinulat ang sanaysay (Amor Patrio) ➢ Inilathala ang Diariong Tagalog ➢ Laong- laan ang Sagisag ni Rizal ➢ Nag- aaral ng Pilosopiya at Medisina sa Unibersidad Central de Madrid France at Germany ➢ Ang matsing at ang Pagong, Iginuhit sa Paris ➢ A Las Flores de Heidelberg, isinulat sa Germany PAGIBIG
  • 6. LEONORA RIVERA -Unang minahal ni Rizal JOSEPHINE BRACKEN -huling minahal ni Rizal KAMATAYAN Petsa: Disyembre 30, 1896BagumbayanPinagtibay ni Gobernador Heneral Camilo G. Polavieja.. Talambuhay ni Jose Rizal This biography of Filipino national hero Jose Rizal was written in Tagalog by Jose N. Sevilla y Tolentino in the early 1920s. TALAMBUHAY NI GAT JOSE RIZAL AT MERCADO Lahat ng sásabihin tungkól sa dakilang Bayaning itó ay nasabi na ng mga lalong Pantás at mga Dalubhasang tao ng sansinukuban, pagkápalibhasà ay nápatangi siyá ng gayón na lamang sa lahát ng Bayaning sumipót dito sa Pilipinas at siyá'y nápabilang sa mga dakilang Bayani ng sangkatauhan. Lahát ng paraán ay sinikap ng kanyáng mga kapanahón upáng siyá'y manatili sa pusò ng madlâ. Sa lalong mababang halagáng selyo, ang kanyáng larawan ay nároroón upáng ang kanyáng aláala ay huwag máliblib sa lalong katagutaguang nayon at kaabáabaang buhay na dî makapagingat ng isáng larawan niyáng nakapagbibigay siglá sa mga pusong lumálamlám sa pagibig sa Tinubuang Lupà. Si Gat Rizal ay pinarangalán din ng Pámahalaán natin na taglayin ng salaping papel na dadalawahing piso ang kanyáng larawan, upáng magpalipatlipat sa mga kamáy ng lahát ng naninirahan dito sa ating lupain at sa labás man, na makapagingat ng salaping yaón na nákikilala sa tawag na «isáng Rizal». Mg̃a aklát na násusulat halos sa lahát ng wikà ang iniukol sa kanyang karangalan. Isáng malaking bantayog na pinaggugulan ng salapî ng ating Pámahalaán ang sa gitnâ ng Luneta ay nagpápaalala ng kanyáng kagitingan. Ang kanyáng pangalan ay kilalá ng lahát ng pilipino, pinipintuhò at pinarárangalan sa ating Kapuluán ng banyagà at kababayan man, ng batà at ng matandâ, ng Pantás at ng hangál; ng puhunan at ng paggawâ; at sa ibang lupaín ay pinaúunlakán din ng lahát ng pilipino sa kanyáng dakilang araw, sa araw na ang kanyáng buhay ay kinitil ng kalupitan. Sumilang si Gat José Rizal niyaóng iká 19 ng Hunyo ng taóng 1861, sa bayan ng Kalambâ, Laguna, at siyá'y anák ni G. Francisco at ni Gng. Teodora Alonso. Anák sa bayang Tagalog at liping Tagalog na tunay, kayá't ang pagibig sa Tinubuang Lupà ay kalangkáp ng kanyáng pagkátao. Aral sa táhanan, sa pagtuturò ng mga magulang na nagnasang magmulat ng kanyáng bait sapól sa pagkámusmós, ay nagawâ sa kanyáng murang bait ang gulang na siyam na taón pa lamáng ay makalikhâ na ng isáng dulà na kinagiliwan ng Kápitan sa bayan.
  • 7. Sa kanugnóg na bayan ng Binyáng ay nagáral siyá kay G. Justiniano Aquino at Cruz at sa loób lamang ng iláng buwan ay walâ nang máiturò sa kanyá ang Gurong Bayan, yamang nátutuhan na niyáng lahát ang nálalaman noón kayá't nang Hunyo, ng taón 1872 ay lumipat siyá sa San Juan de Letrán, nguni't dî siyá náwili rito, kayá't lumipat agád sa Páaralán ng mga Hesuita hanggáng sa tinamó niyá ang katibayan ng pagká «Bachiller en Artes». Lumipat siyá sa Universidad de Sto. Tomás, upáng magáral ng «Filosofia» «Medicina» at «Agrimensura» at yamang nápansín niyáng hindî mabuti ang tingín sa kanyá ng mga Guró doón, at sa payo ng kanyáng mga kaibigan, niyaóng Mayo ng taóng 1882 ay lumayag siyáng patungo sa Europa, pagkatapos niyáng tamuhín ang katibayang pagká «Agrimensor». Dumáan siyá sa Singapur, Kanal ng Sues, at sa Marselya siyá lumunsád, at buhat doón ay napatungo sa Barselona na kinakilalanan niyá sa mga kalupaíng dóroón. Tumungo siyá sa Madrid at sa «Universidad Central» doón, ay nagpatuloy siyá ng pagáaral ng «Medicina», «Literatura» at «Filosofia»; kasaliw ng pagáaral niyá ng mga karunungang nábangít ay dî niyá napaglabanan ang hilig ng kanyáng diwà sa sining, kayá't nagáral din siyá ng Paglililok (escultura) at ng pagkuha ng larawan sa pamamagitan ng lápis at ng kulay na lubhâ niyáng ikinatangî. Pagkátapos niyáng tamuhin ang mga katibayan sa «Medicina», «Filosofia» at «Literatura» niyaóng taóng 1885 ay lumipat siyá sa Paris na kanyáng kinátagpuán sa mga kalupaing Antonio at José Luna, at Pardo de Tavera; buhat sa Fransiya ay lumipat siyá sa Alemanya upáng makinyíg ng mga bantóg na Panayám sa «Universidad de Heidelberg»: lumipat siyá sa Berlin at sa bayang itó niyá tinapos ang waláng kamatayang «Noli». Si Dr. Jagor sa Berlin na masikháy na sumuysóy ng mga kapakanán sa Pilipinas ay nakátagpô sa ating Rizal, ng isáng mabutíng kaibigan. Buhat sa Berlin ay lumipat si Rizal sa Austria at dito niyá nakaniíg si Prof. Blumentritt; mulâ sa bayang itó ay napatungo siyá sa Italya. Dito niya isinalin sa Tagalog ang «Wilhem Tell» at saká umwî dito sa Pilipinas. Si Rizal ay mawilihin sa pagáaral ng wikà, at itó ang sanhî ng kanyáng pagliklík sa lahát halos ng mga Pangulong bayan sa Europa, at nang siyá'y dumatíng dito sa ating lupaín, upáng harapín ang panggagamót ay nagsásalitâ na siyá ng halos lahát ng wikáng lináng sa Europa at Asia. Noóng 1888 ay ninasang mulíng maglakbáy sa mga ibáng dako ng sansinukob at siyá'y dumaán sa Hongkóng na kanyáng kinátagpuán sa dakilang Tagalog doón na siGinoóng José Basa; pagdaán sa Hapón, upáng pagáralan sa sariling lupà ang wikang Hapón, dumaán sa Amérika, bago nagtulóy sa Inglaterra at sa bayang itò nákaniíg si G. Antonio Ma. Regidor. Sa Londres at sa bahay ni G. Regidor niyá isinalin at tinuligsà ang Kasaysayan ng Pilipinas na sinulat ni Pari Morga, na lubhà niyáng ikinabantóg sa panitikan. Iká 9 ng Nobyembre ng taóng 1887 nang sulatin ni Profesor Blumentritt ang páunang salitâ sa «Morga» ni Dr. Rizal. Sa pánitikan ay may isá siyáng mainam na bakás na naiiwan sa bawa't panahón. Bilang páuná ng kanyáng panunulat ay násabi na namin na siyam na taón pa lamang ang kanyáng gulang nang sumulat ng isáng dulà na noón pa ma'y kinábakasán na ng dì karaniwang indayog ng kanyáng diwà. Niyaóng
  • 8. 1887 na magdaos ng isáng Timpalák ang «Licco Artístico Literario» dito sa Maynilà na sinalihan ng lubháng maraming mánunulat ay nápili at nagtagumpáy ang kanyáng tulà na may pamagat na «A la Juventud Filipina». Sa kapanahunang si Rizal ay nagáaral pa sa Ateneo sa pagpaparangál sa Mahal na Birhen ay sumulat siyá ng isáng dulà na pinamagatán niyáng «Junto Al Pasig», na lubháng kinágiliwan ng nangagsipanoód na pawang dalubhasá. Sa Timpalák na idinaos sa pagpaparangál sa ikáapat na raang taóng ikinamatáy ni Cervantes, ay nagtagumpáy ang titik ni Rizal na may pamagát na El Concejo de Los Dioses. Sa Madrid ay nagkaroón ng ibáng himíg ang kanyáng mga sulat at dito na nga nábunyáng ang tunay na pagibig sa Tinubuang Lupà. Ang kanyáng «Noli» ay sinimulán niyáng sulatin sa Madrid at natapos sa Austria, ang «Filibusterismo» ay sinulat niya sa Ghert Olanda, noóng 1891. Hulyo iká 3 ng taóng 1892 nang nagpulong sa bahay ni G. Doroteo Ongjungco sa daang Ilaya blg. 176 Tundó tungkól sa «Liga Filipina» at iká 6 ng Hulyo ng 1892 nang ipinadakíp ni Henerál Eulogio. Despujol at ipapiit sa Fuerza Santiago. Niyaóng iká 11 ng Pebrero ng 1893 ay itinatag ni Dr. Rizal ang «Liga Filipina» isáng kapisanang pilipino na pinagukulan ni Mabini ng gayaríng katagâ: «Nang makitang ang lahát ng sikáp ay waláng tarós at salát sa kaayusan, at di nagbibigay ng katampatang wakasin, ay linikhâ ni Rizal ang Liga Filipina». Nang si Rizal ay ipatapon sa Dapitan siyá'y nagsaka doón at nagtayô ng Páaralán sa mga tagaroón; kahit iisang igláp ay hindî siyá nátahimik at pawáng iniukol sa kabutihan ang kanyáng mga gawâ. Ang mga maysakit doón ay nakatagpò sa kanyá ng isáng waláng bayad na Manggamot. Samantaláng siyá'y nároroón ay isáng amerikanong nagngangalang Taufer na kasama ng isáng anakanakan na nagngangalang Josefina Bracken ay dumalaw sa kanyá, upáng ipagamót ang mga matáng hindî makákita at pinasiyahán na ng mga ibang Manggagamot ng waláng lunas, ang Josefinang itó ay siyáng naging kapalad ni Dr. Rizal at nákasama niyá sa buhay na yaón sa tapunan. Ang mga kahilingan ni Dr. Rizal upáng siyá ay patawarin ay hindî diningig ng mga makapangyarihan, nguni't kailán ma'y dî nanawi sa kanyá ang pagasa, at sa gayóng kalagayan ay tumanggáp siyá ng isáng sulat ng matalik niyáng kaibigang austriako na si Prof. Blumentritt, na kanyáng hilingíng sa Pamahalaáng siyá'y makaparoón sa Kuba bilang Manggagamot ng mga kawal na kastilà doón, at ang gayóng kahilingan ay pinakinggan ni Henerál Blanco, kayá't siyá, sa paniniwâláng siyá'y waláng masamáng nágawâ kangino man na titigatig sa sariling budhî, kasama ni Josefina at ng kanyáng pamangking si Maria Luisa, ay agád napa Maynilà at sa kasamaáng palad, nang silá'y dumaóng sa luók ng Maynilà ang sasakyáng patungo sa Espanya ay nakáalis na, kayá't sila ay nangapilitang maghintáy ng panibagong sasakyáng lálayag, na dî iba't ang «Castilla». At si Rizal ay tumulak na nga, nguni't ang Hímagsíkang pinangunguluhan ni Gat Bonifacio ay nabunsód ng walâ sa panahón at isáng pahatid kawad na buhat kay Gobernador Polavieja ang tinanggap, nang ang «Castilla» ay dumaóg sa Kanal ng Sues, hatid kawad na naguutos na dakpin si Dr. Rizal, at sinalubong sa Barselona ang ating kababayan upáng ipiit doón.
  • 9. Pagkaran ng iláng araw ay ilinulan siyáng mulî upáng ihatid sa Pilipinas. Nang idaán sa Hongkóng ay sinikap ni Dr. Regidor na siyá'y palayain sa pamamagitan ng «Habeas Corpus» nguni't hindî ipinagtagumpáy ni G. Regidor, ang kanyáng banál na nais na mapalayà si Dr. Rizal. Siyá'y inusig dahil sa pagkakátatag ng «Liga Filipina» at pagtataguyod ng Himagsikan, at hindî siyá pinahintulutang makapagtanggól máliban sa siyá'y pinapamili sa mga Pámunuáng doón ay nátitipon. Napili niyá si G. Luis Taviel Andrade, isáng marangál na kastilang nagtanggól sa kanyá ng ubos kaya, nguni't hindî diningig at hinatulan siyáng barilín sa Liwasan ng Bagumbayan. Sa pagkamánunulat ni Rizal ay walâ nang máitatawad. Masasabi nang waláng alinlangan, na ang kanyáng panitik ang siyáng lumikhâ ng mga kabaguhan sa kapamayanan, na kasalukuyan nating tinatamasa at siyáng nagpayanig ng matibay na Pámahalaán ng kastilà na mahigit ng tatlóng daang taóng sa atin ay naghari. Ang dakilang Bayaning itó na pinagúukulan namin ng ulat ngayón, ay siniíl ng kalupitán nang dî malilimutang Henerál Polavieja at niyaóng ika-30 ng Disyembre ng taóng 1896 sa lawak ng Bagumbayan ay pinapagdanak ang kalinislinisáng dugô ng isáng banál na anák ng Pilipinas. Ang hagunót na hálakhakan ng kanyáng mga kaaway ay nariringig pa halos nang dumating ang hatol ng tadhanang matapos ang kalupitán ng mga kastilà rito sa atíng lupaín at niyaóng Mayo ng 1898 ang makapangyarihang bayang amerikano, sa likhà ng mga pangyayari ay nagpadalá rito ng kanyáng mga sasakyáng pandigmâ, upáng sa pamamagitan ng mga punglóng ibinúbuga ng mga kanyón sa Hukbó ng dating Panginoón at Harì ay mábabâ at mahalinhán ang watawat na «gintô at dugô» na sumaksí rito sa ating lupaing mapagkalingà ng mga dî mahulilip nakalupitán. At buhat noón ang mga unáng banaag ng Bagóng Araw ng Pilipinas ay namiták sa silanganan ng kanyáng pagasa. Bilang pagwakás sa ulat na itó ay ilalakip namin dito ang huling bunga ng panitik ng Bayaning Tagalog na pinamagatán niyá ng Mi Ultimo Adios.