pakikinig:
kahulugan ng pakikinig
proseso ng pakikinig
kahalagahan ng pakikinig
ang bagay nakaimpluwensya sa pakikinig
antas ng pakikinig
mga patnubay sa mabisang pakikinig
2. Kahulugan ng Pakikinig
Ang pakikinig ay isang paraan ng pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng pandinig.
(1)Paraan
(2)Pagtanggap ng Mensahe
(3)Pandinig
3. Kahalagahan ng Pakikinig
Mabilis ang pagkuha ng mga datos o impormasyon
Daan upang magkakaunawaan ang bawat isa
Nakatutulong sa pagpapalawak ng kaisipan
Pag-unawa ng damdamin, kaisipan, kinikilos gawi at
paniniwala
Lumilikha ng pagkakaisa sa tahanan, paaralan at
pamayanan
4. Proseso ng Pakikinig
Unang
Yugto
• Resepsyon
Ikalawang
Yugto
• Rekognisyon
Ikatlong
Yugto
• Pagbibigay-kahulugan sa tunog
5. Proseso ng Pakikinig
(1)Resepsyon
- ito ay ang pagdinig sa tunog
- isang kompleks na proseso kung saan dumadaan ang mga “wave
stimuli” sa ating “auditory nerves” papunta sa utak.
6. Proseso ng Pakikinig
(2) Rekognisyon
- ito ay ang pagkilala sa tunog
- gumagana na ang ating isip habang naririnig ang tunog
- iniuugnay natin ang tunog sa mga tao at bagay-bagay
- kinikilala natin ang mga tunog hindi lamang bilang ingay, ngunit
bilang mga riyalidad
7. Proseso ng Pakikinig
(3) Pagbibigay kahulugan sa tunog
- paghahanap ng rason sa likod ng tunog
- ito ay nakabatay sa kaugnayan ng una at ikalawang yugto
- ito ay higit na diskriminatib na yugto
Metakomunikasyon
- ito ay ang mga palatandaan o pantulong sa pagbibigay ng
kahulugan sa tuno; maaaring matagpuan sa lakas, paglakas, hina,
paghina, bilis, bagal, ikli, taginting at iba pa.
8. antas ng Pakikinig
(1)Appreciative na Pakikinig
- ito ay ang pakikinig upang maaliw
- Hal. Awit sa konsyerto o radyo
(2) Pakikinig na Diskriminatori
- ito ay ang kritikal na pakikinig
- inuunawa at inaalala ng tagapakinig ang mga impormasyong
kanyang napakinggan
- analisis ng mga datos na napakinggan
9. antas ng Pakikinig
(3) Mapanuring Pakikinig
- ito ay selektiv na pakikinig
- mahalaga rito ang konsentrasyon sa napakinggan
- pagbubuo ng konsepto at paggawa ng mga pagpapasaya ng
balyu
(4) Implayd na Pakikinig
- tinutuklas ang mga mensaheng nakatago sa likod ng mga
salitang naririnig
- inaalam ang hindi sinasabi ng tuwiran
10. antas ng Pakikinig
(5) Internal na Pakikinig
- ito ang pakikinis sa sarili
- pinagtutuunan ang pribadong kaisipan ng isang indibidwal pilit
niyang inuunawa at sinusuri.
11. Mga patnubay sa mabisang pakikinig
(1)Ihanda ang sarili sa pakikinig
- Magdala ng gamit sa pagtatala
- Ipokus ang kaisipan sa paksang pinag-uusapan
- Tingnan ang tagapagsalita
- Magpakita ng interes
12. Mga patnubay sa mabisang pakikinig
(2) Alamin ang layunin o dahilan ng pakikinig
- Tukuyin ang daloy at pagkakasunod-sunod ng paksang pinag-
uuspan
- Tukuyin ang mensahe at alamin ang kahulugan nito
- Tuklasin at kilalanin ang mga bagong impormasyon
- Makapagbigay ng buod tungkol sa paksa
13. Mga patnubay sa mabisang pakikinig
(3) Iwasang ang mga sumusunod habang nakikinig
- Pagbibigay agad ng kaukulang konklusyon
- Pagsingit ng sariling ideya
- Pagiging bida sa usapan
- Paggambala sa tagapagsalita
- Pagbibigay ng puna kahit di pa tapos and salaysay
14. Mga bagay na nakaiimpluwensiya sa pakikinig
(1)Tsanel
- it ang daanon o daluyan ng pakikipagtalastatsan
- maaaring ang ideya ay maipahatid sa pamamagitan ng
pagsasalita, pagsulat at iba pa
(2) Lugar
- ang malamig at tahimik na lugar ay nakahihikayat at
nakapagtataas ng lebel ng konsentrasyon ng isang tagapakinig
15. Mga bagay na nakaiimpluwensiya sa pakikinig
(3) Oras
- may mga oras na hindi kahalihalina sa pakikinig kagaya ng
tanghali o ng madaling araw
(4) Edad
- mas maingay makinig ang mga bata kaysa sa may edad na
- mahusay ang memorya ng mga bata ngunit mas madaling
nauunawaan ng mga may edad na
16. Mga bagay na nakaiimpluwensiya sa pakikinig
(5) Kalagayang Sosyal
- ito ay ang katayuan sa buhay ng tagapakinig
- ang mga taong may mataas na edukasyon ay higit na sanay at
may kakayahang umunawa sa napakinggan
(6) Kasarian
- magkaiba ang interes ng mga babae at lalaki
- bihira lamang sa mga babae at lalaki na may parehong paksag
nais pakinggan
17. Mga bagay na nakaiimpluwensiya sa pakikinig
(7) Kultura
- ang pagkakaroon ng iba’t ibang kultura ay nagkakaroon ng iba’t
ibang pagpapakahulugan
- ito ang nagiging dahilan ng mabuti o di-mabuting kawilihan sa
pakikinig
(8) Konseptong Pansarili
- ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maaari niyang
magamit sa pagkontro o pagsang-ayon sa sinabi ng tagapagsalita
18. Mga bagay na nakaiimpluwensiya sa pakikinig
(9) Timbre ng Boses
- may mga boses na nakakatulong sa natural na pagsasalita
(10) Distansya
-kapag malayo ang kausap, bahagyang di maintindihan ang
mensahe
(11) Kakayahang Pisikal
- ang mga sakit tulad ng lagnat, sipon at ubo ay nagsisilbing
hadlang sa mabisang pakikinig
19. Mga bagay na nakaiimpluwensiya sa pakikinig
(12) Kakayahang Pangkaisipan
- kailangan na may sapat na kaalaman upang maunawaan ang
naririnig
- kailangan din na sapat ang kaalamang naiimungkahi ng
tagapagsalita
(13) Konsentrasyon ng Nakikinig
- kailangan na maging ganap na alerto upang maging ganap ang
pagkaunawa