1. 1
Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan III (Kasaysayan ng Daigdig)
I. Mga Layunin:
Maiintindihan ang mga salita sa talasaysayan na matatagpuan sa aralin.
Mabibigyang-hinuha ang mga tinalakay na paliwanag sa pagkakalikha ng mundo.
Matutukoy ang mahahalagang impormasyong nakapaloob sa aralin.
Makapagpapakita ng pagpapahalaga sa aralin sa pamamagitan ng aktibong pakikipagtalastasan.
II. Paksang Aralin
Aralin 1: Mga Paliwanag sa Pagkakalikha ng Mundo
Kagamitan: Mga larawan, Kartolina
Sanggunian: Pagtanaw at Pag-unawa: Daigdig III, Augusto V. de Viana, Dexter John V. Ramos
pp. 8-11
III. Pamaraan
A. Pagganyak
a. Hayaang magbigay ng opinyon ang mga mag-aaral kung paano nabuo ang ‘mundo’.
b. Ipakita ang larawan ng planeta natin.
c. Ipakita ang pagkakaiba ng laki ng planeta natin sa ibang planeta at bituin.
d. Ipaalam na kung ang Pilipinas may kasaysayan kahit maliit na bansa mas lalo na ang
buong mundo at ang kalawakan kung saan ito’y napapaloob.
B. Talasalitaan:
Basahin sa mga mag-aaral ang ibig sabihin ng mga salita sa talasaysayan at ipasagot ang
salitang naayon dito sa pamamagitan ng ‘puzzle’ na kahalintulad ng ‘hangman’ o ‘hangaroo’.
a. galaxy – kalipunan ng malaking pagkakapangkat ng mga bituin, alikabok (dust) at
hangin (gas)
b. hypothesis – haka-haka; isang pagpapalagay sa isang isinagawang pag-aaral
c. nebulae – malawak na ulap ng alikabok sa kalawakan
d. planetary system – pagkakapangkat at galaw ng mga planeta sa kalawakan
e. Torah – isang ‘scroll’ kung saan nakasulat ang unang limang aklat ng banal na
kasulatan ng mga Hudyo (Jew)
f. Upanishads – banal na kasulatan ng mga Hindu
C. Paglalahad
Ipaalam sa mga mag-aaral na ang aralin ngayon at tungkol sa mga paliwanag ng
pagkakalikha ng mundo.
2. 2
D. Pagtalakay sa paksa
(Talakayin ang mga 3 pangkat ng paliwanag ng pagkakalikha ng mundo.)
Maalamat na paliwanag – mga paliwanag ng mga sinaunang tao sa pagkakalikha ng
mundo sa pamamagitan ng mitolohiya.
Halimbawa:
1. Mayan (Central America) – Tepeu and Gucumatz Myth kinikilalang
tagapaglikha. Sila ang mga kaunaunahang nabuhay sa mundo noong pawang
katahimikan at kadiliman pa lamang ang namamayani. Ayon sa kwento napagpasyahan
nilang lumikha ng mga tao na sasamba sa kanila upang panatihin ang kanilang
kagalingan. Inuna nila ang pag-utos ng pag atras ng tubig upang magkaroon ng lupa
mula sa lupang ito ay hinulma nila ang mga unang tao.
2. Scandinavia (Norsemen) – Norse Myth
Batay sa kanilang oral tradition ang makapangyarihan nilang diyos na si
Odin ang pumatay sa higanteng si Ymir. Ang bungo ni Ymir ay ginawang langit ang
kanyang katawan ay ginamit na lupa at kanyang dugo ay naging karagatan.
Panrelihiyong pananaw – ito ay kilala rin sa tawag na Creationism Theory kung saan
nakabatay sa relihiyong pinaniniwalaan ng mga pangkat ng tao ang pinagmulan ng
mundo.
Halimbawa:
1. Kristiyanismo – mula sa aklat ng Genesis na matatagpuan sa
Lumang Tipan ng Bibliya.
Unang Araw – Nilikha ng Diyos ang liwanag
Ikalawang Araw – Nilikha ang langit
Ikatlong Araw – Pinaghiwalay Niya ang karagatan sa lupa at pinagsibol ang lahat
ng uri ng halaman
Ika-apat na Araw – Ang araw, buwan, at bituin
Ikalimang araw – Ang mga hayop na lumilipad sa himpapawid at lumalangoy sa
karagatan ang pinagala ng Diyos sa sanlibutan
Ika-anim na Araw – Mga hayop sa lupa naman at ang tao ang kanyang huling likha
Ikapitong Araw – Nagpahinga ang Diyos
2. Islam - si Allah ang siyang lumikha sa mundo iniangat nya ang
langit ng walang anumang haligi at inutusan ang araw at
buwan na magbigay liwanag sa panahong kanyang
itinakda. Iniutos din nya ang pagkakalikha ng lupain at
kaburulan at doon ay nagpakalat ng lahat ng uri ng
hayop makalipas nito ay nilikha nya ang tao mula sa
putik.
3. 3
3. Hinduismo - paniniwalang nasasaad sa Upanishads na ang mundo ay
nabuo mula sa kawalan hanggang mabuo sa anyo ng
isang itlog (cosmic egg) Makalipas ang isang taon ito’y
nahati sa dalawang bahagi. Ang kalahati na pilak ay
naging mundo at ang kabiyak nito ay naging langit.
Siyentipikong Teorya – mga teoryang nabuo ayon sa pag-aaral ng mga siyentipiko
tungkol sa pagkakalikha ng kalawakan.
Inflation Theory – (Big Bang Theory) ipinanukala ni George Gamow na sa simula ang
kalawakan ay binubuo lamang ng protons, neutrons at electrons sa karagatan ng
radiation. Dulot ng napakainit at siksikang kalagayan, bigla itong sumabog may 10
hanggang 15 bilyong taon na ang nakararaan mula ng ito’y sumabog patuloy na
lumawak at lumamig ang kalawakan kasabay ng pagkakalikha ng mga galaxy at
planetary system.
Encounter Hypothesis – ayon dito, may isang bituin na dumaan malapit sa araw may 5
bilyong taon na ang nakararaan sa paghahatakan ng gravitational force ng bituin at ng
araw may maiinit na hangin at alikabok ang nahiwalay mula sa mga ito na syang
nagbigay daan sa pagkakabuo ng mga planeta.
Nebular Hypothesis – (Emmanuel Swedenborg, Immanuel Kant and Pierre-Simon
Laplace) ayon dito, nabuo ang solar system mga 4.6 bilyong taon na nakararaan mula sa
umiikot na ulap ng alikabok. Sa paglipas ng panahon pabilis ng pabilis ang pag ikot nito
na syang nagbigay daan sa pagkakabuo ng araw at ng mga planeta.
Protoplanet Hypothesis – ayon dito ang milky way galaxy ay puno ng malawak na ulap
ng hydrogen at alikabok. Ang mga alikabok ang naging daan upang bumigay ang ulap at
umikot ito. Ang masiksik na gas sa gitna na higit na mabilis umikot ay naging araw.
Samantalang mas matagal na nabuo ang mga mabagal at di kasing init na outer region n
naging mga planeta.
E. Paglalahat
3 paliwanag ng pagkakalikha ng mundo.
1. Maalamat na Paliwanag
Mayan
Scandinavian
2. Panrelihiyong Pananaw
Kristiyano
Islam
Hinduismo
4. 4
3. Siyentipikong Teorya
Inflation Theory
Encounter Hypothesis
Nebular Hypothesis
Protoplanet Hypothesis
F. Paglalapat
Hayaang sagutin ng mga mag-aaaral ang sumusunod na tanong sa pamamagitan ng
pakikipagtalastasan.
1. Anu-ano ang mga pangkat ng tatlong paliwanag ng pagkakalikha ng mundo?
2. Magbigay ng isang halimbawa sa bawat pangkat at ipaliwanag ito.
IV. Pagtataya
Ipaliwanag sa iyong sariling salita ang mga sumusunod. Isulat sa isang pirasong papel
ang iyong mga sagot:
1. Protoplanet Hypothesis. (5pts)
2. Nebular Hypothesis. (5pts)
3. Encounter Hypothesis. (5pts)
4. Inflation Theory. (5pts)
V. Takdang aralin
Magsaliksik tungkol sa talambuhay ng isang siyentipiko na nagtangkang ipaliwanag ang
pagkakalikha ng mundo. Iulat sa klase ang kanyang talambuhay.