3. Paksa
•Ito ang pinakasimula ng lahat. Sa bawat
usapan kinakailangan ng paksa upang may
pag-usapan. Ito ay maaaring
tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari na
nagsisilbing pokus ng diwang sinasaad sa
pandiwa
4. Layunin
• Lahat ng ating ginagawa ay may kalakip na layunin.
halimbawa:
1. Ang mga mag-aaral ay naglalayong magkakaroon ng
magandang bukas.
2. Ang mga guro ay naglalayong makapagturo at makapaghubog
ng isang mabuting mamamayan.
5. Layunin
•Kaya sa simpleng pakikipagusap natin sa ating
kapwa ay maingat tayo sa pagpili ng ating
sasabihin sapagkat ayaw nating makasakit ng
damdamin. At iyon ang ating layunin
6. Pagsasawika ng ideya
•Ang mahalagang kasangkapan dito ay ang
natutunan sa wika. Dito malalaman kung
gaano katatas ang isang tao na maisawika
niya ang kanyang ideya.
7. Tagatanggap/Awdyens
• Sa proseso ng pakikipagtalastasan, pasulat man o
pasalita, ay may dalawa o higit pang sangkot. Ito ay ang
tagapaghatid ng mensahe at ang tagatanggap.
• Isinasaalang-alang ng tagapaghatid ang tagatanggap
dahil malalaman kung gaano kabisa ang tagatanggap.