SlideShare uma empresa Scribd logo
1 de 4
Filipino at ang Wika ng Pagtuturo
Ipinaskil noong 09/15/2008 ni Roberto Añonuevo
Hindi ko na sana papatusin ang usapin ng wika sa pagtuturo, ngunit nabasa ko noong 12 Setyembre 2008 ang pitak
ni Maya Baltazar Herrera na pinamagatangEducating the Filipino sa Manila Standard Today at marapat sagutin.
Payak lamang ang tesis ng kaniyang akda: Ingles ang dapat maging midyum ng pagtuturo sa mga paaralan, dahil ito
ang wika ng negosyo. Ang Ingles umano ang magbubukas ng maraming oportunidad, at maghahain ng mga
posibilidad, sa mga Filipino.




                                       Kailangan ang Filipino sa negosyo at kalakalan.

Ngunit makitid na puwang lamang ang ibig silipin ni Herrera sa paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo. Hindi
niya isinaalang-alang ang malaking posibilidad ng paggamit ng Filipino sa pagpapabilis ng modernisasyon ng
agrikultura, siyensiya, teknolohiya, inhinyeriya, batas, kalusugan, at iba pang aspekto ng lipunan. Hindi nakita ni
Herrera na higit na mahalaga ang kahusayan sa isang larang [i.e., field], at ang kahusayang iyon ay wala sa
pagsasalita ng Ingles, bagkus sa pagkakaunawa at pagsasakatuparan nang malalim at malawak sa mga konsepto ng
naturang larang.
Ang hinuha ko’y hindi talaga tumitingin sa estadistika at datos itong si Herrera. Inaakala pa rin niya na ang
ekonomiya natin ay gaya ng ekonomiya ng Estados Unidos at Europa, kaya kahit ang wika ng mga ito ang dapat
pagsumundan ng mga Filipino. Ang malaking bahagi ng Filipinas ay nakaayon sa agrikultura. Dahil dito,
kinakailangan ang pagpapahusay ng teknolohiya hinggil sa agrikultura. Kailangan ang subsidyo ng pamahalaan sa
mga magsasaka at mangingisda. Kailangan ang abanseng impraestruktura, patubig, transportasyon,
telekomunikasyon, bukod sa epektibong pamamaraan ng edukasyon. At sa pagtuturong ito ay tinitiyak kong higit na
magiging epektibo kung gagamit ng Filipino na sinusuhayan ng iba pang lalawiganing wika sa Filipinas, imbes na
gagamit ng Ingles.
Ang pagpupunyagi ng mga akademiko na gamitin ang Filipino bilang wika ng pagtuturo sa lahat ng paaralan ay may
batayan, at patutunayan ito kahit ng mga pagdinig sa batasan, o sa pahayag ng United Nations. Mabilis na matututo
ang mga bata ng mga konseptong matalik sa kanilang puso at lugar kung gagamit ng Filipino at kaugnay na
lalawiganing wika. Ito ay dahil magkabalahibo ang Filipino at ang mga lalawiganing wikang gaya ng Iluko, Bisaya,
Bikol, Palawan, at iba pang wika, kompara sa Ingles. Magkasalungat ang polong pinagmumulan ng Filipino at iba
pang lalawiganing wika kung ihahambing sa Ingles, ayon sa pag-aaral ng antropologong si Dr. Melba Padilla
Maggay.
Ang paggamit ng Filipino ay hindi nangangahulugan ng pagpatay sa mga lalawiganing wika, bagkus pinalalakas pa
nito ang lalawiganing wika dahil mailalahok ang malaking bahagi nito sa korpus ng Filipino. Isang halimbawa nito
ang UP Diksiyonaryong Filipino (2001), na naglahok ng mga salitang mula sa mahigit 100 wika sa Filipinas. Habang
ginagamit ang Filipino, lalong mahihikayat ang mga lalawiganing wika na linangin nang maigi at itampok ang angking
ugat at kultura. Filipino ang pinakamadaling paraan upang bigkisin ang mga Filipino, na hindi kayang gawin ng
Ingles, at patutunayan ito kahit sa mass media.




                                     Lalakas ang negosyo sa paggamit ng Filipino.

Mapasisigla din ang kalakalang panloob, dahil hindi maaasiwa ang mga Filipino na magpa-Ingles-Ingles kahit hindi
naman kinakailangan. Mapagagaan ang mga transaksiyon sa bangko, telekomunikasyon, at transportasyon kung
Filipino ang gagamitin. Mahihikayat ang libong kabataan na magtuon sa siyensiya at teknolohiya dahil madali nilang
maisasabuhay ang mga konsepto at karunungang nasagap nila sa pamamagitan ng Filipino.
Hindi ko sinasabing huwag nang mag-aral ng Ingles. Kailangan pa ring mag-aral ng Ingles kung ibig kausapin ang
mga dayo. Ngunit kapag mga Filipino na ang nag-uusap ay dapat gamitin ang wikang Filipino upang magkaunawaan
ang nakararami. Dapat tandaan ni Herrera na hindi lahat ng Filipino ay ibig magtrabaho sa ibayong dagat o kaya’y
pumasok na ahente sa call center. Maraming propesyonal na Filipino ang ibig magtrabaho at magsilbi sa Filipinas, at
tulungan ang mga kapuwa nila Filipino na nasa alanganing kalagayan, at makipag-usap sa kanilang kababayan sa
wikang matalik sa kanilang buhay.
Ang paggamit ng Ingles ay naghahain ng di-inaasahang deskriminasyon sa mayorya ng mga mag-aaral na Filipino.
Nahahati ng Ingles ang isip ng mga bata, at ang batang ito, anuman ang kaniyang wikang kinamulatan, ay magtataka
kung bakit iba ang wika ng paaralan at iba ang wika ng tahanan. Nakakiling ang timbangan pabor sa mga batang
mayayaman, na nakapag-aaral sa mga esklusibong paaralan, at ang mga magulang ay pulos Inglesero. Ngunit ang
gayong tagpo ay taliwas sa nangyayari sa iba pang panig ng kapuluan. Nauuna ang pagdidikdik ng gramatika at
punto ng Ingles, imbes na pinag-aaralan nang maigi ang mga konseptong nakapaloob sa isang larang, gaya ng
agham, matematika, at kasaysayan.
Isinaad ni Herrera na ang realidad daw para sa maraming Filipino ay Ingles ang pangunahing wika sa Filipinas.
Ingles ang ginagamit sa kontrata, kalakalan, pahayagan, restoran, at hukuman. Totoo ito lalo sa metropolis, ngunit
hindi ito nangangahulugan na higit na naging epektibo ang Ingles bilang wika ng transaksiyon. Maraming Filipino ang
nagogoyo dahil hindi nila nauunawaan ang mga pinirmahang kontratang nasusulat sa Ingles. Marami ang
nahihirapan sa pakikipagkalalan dahil hindi maunawaan ang Ingles pagtungo sa mga lalawigan. Maraming restoran
ang nalulugi kahit sabihin pang Ingles ang nakasulat sa menu. At maraming nabibilanggo at nabibitay dahil ang wika
ng hukuman ay wikang taliwas sa dapat asahan ng mga akusado. Ang problema ng wika ay matingkad na makikita
sa batasan at hukuman, at kahit gaano kahusay umingles ang mambabatas, ang abogado, at ang hukom, natitiwalag
pa rin ang mayorya ng mga Filipino dahil sila-sila ring mambabatas, abogado, at hukom ang nagkakaunawaan sa
kanilang diskursong Ingles.
Ang pag-aaral ng Ingles ay dapat ituring bilang isa lamang sa mga banyagang wikang maaaring pag-aralan at
matutuhan ng Filipino. Bakit kailangang limitahan sa wikang Ingles ang dapat matutuhan ng mga Filipino? Bakit hindi
wikang Bahasa Malay o Espanyol o Mandarin? Hindi dapat pangibabawin ang Ingles na ikababansot lalo ng Filipino
at ng iba pang lalawiganing wika sa Filipinas, gaya ng nagaganap sa ngayon. Ang realidad ay malaganap na ang
Filipino ngunit waring nakapikit pa rin ang negosyo, ang akademya, ang batasan, at ang pamahalaan na pawang ibig
ipagpatuloy ang saliwang kolonyal na patakaran na pinairal noon ng rehimeng Amerikano. Malawak ang posibilidad
sa paggamit ng Filipino, lalo sa negosyo at kalakalan, at ito ang dapat subukin at isagawa, para sa lubusang
ikalalago ng bansa.




           Pampaaralang Pamamahayag Gigising sa Pambansang Kamalayan
Ang pagiging malaya ay nakaukit na sa puso ng mga Filipino. Wala ng mga salitang higit na makapaglalarawan sa kanyang lahi hundi ang
masidhing pagnanasang maging malaya, maging ito'y pansarili, pangkapwa o pang buong bansa. Ito ang kasaysayan ng mga Filipino at ng
kanyang Inang Bayan, ang tagumpay sa pagkakaroon ng kalayaan, ang naglahong kalayaan at ang muling pagkakamit nito.
      Hindi maitatago ang mahalagang bahaging ginampanan ng mga pahayagang nagmula sa mga isip at kamay ng mga ilang natatanging
Filipino. Ang kapangyarihan ng pluma at ng gma damdaming sumisigaw ng mithing magkaroon ng kalayaan, mga pahayagang naging daan
upang matamasa ng mga Filipino ang kasarinlan.
      Pagkaraan ng isang daang taon, mula sa kanilang pagkakahimlay, muling tinatawagang pansin ang media lalo na ang pahayagang
pampaaralan na maging kasangkapan tayo sa pagbabago at pagbibigay kasiguraduhan na mananatiling tinatamasa ang kalayaan sa
susunod na isang daang taon.




OPINYON: Buhay ng isang
mamamahayag pangkampus

POSTED BY GITE NEALEGA IN UNCATEGORIZED
                                                 14         LinggoAGO 2011
                                                                                                             ≈ MAG-IWAN NG PUNA
                                                                                                                     Mga Marka
                                                                                                 Bikolana, DLSU,Journalist, Pilipino

Katotohanan- ito ang pinanghahawakang bala ng mga mamamahayag sa
paglilingkod sa publiko. Kahit kami bilang mga mamamahayag pangkampus ay ito rin
ang pangunahing isinusulong sa aming bawat isinusulat. Kung regular kayong mambabasa
ng Ang Pahayagang Plaridel kabisado ninyo na marahil ang tagline nitong, “Mahirap
magbingibingihan sa katotohanan. Mahirap magsulat ngunit kinakailangan.” Ito ang mga
linyang sumasalamin sa mundo ng pamahayagang pangkampus. Sa ngalan ng serbisyong
hindi man direktang hinihingi sa amin ng pamayanang Lasalyano, ibinibigay namin ito
kalakip ang iba’t ibang dahilan ng pagpasok namin sa mundo ng pamamahayag.
Susi ng pagtatagumpay sa mundo ng pamahayagang pangkampus ang kagustuhan ng isang
mag-aaral na makapagsulat. Buwanan man ang aming paglalabas ng isang isyu, hindi
namin inaalintana ang hirap na kakabit nito dahil gusto namin ang aming ginagawa. May
mga panahon pa nga na mas nauuna pa ang aming pagiging mamamahayag kaysa sa
pagiging isang mag-aaral. Walang nagsabi sa amin na piliin ang landas na ito. Dahil kung
mayroon mang pumilit sa amin na pasukin ito, tiyak na hindi kami tatagal sa mundong ito.
Sa kabila nito, hindi ko sinasabing dapat maging ispesyal ang pagtingin sa mga katulad
namin. Alam kong kaakibat ng pagiging mamamahayag ang pagsasakripisyo ng ilang bagay
sa buhay.


Hindi kami humihingi ng “special treatment” sa sinuman. At hindi ito ang dahilan kaya
pinasok namin ang mundo ng pamamahayag. Ang sa amin lang, hindi man namin kayo
pinipilit at mapapipilit na basahin ang bawat isyu na aming inilalabas buwan-buwan,
kaunting paggalang man lang sa bawat diyaryo na aming inilalathala. Hindi niyo man
sinabing magsulat kami upang may mabasa kayo, respeto na lamang sa mga akda na
aming isinusulat. Kaunting pagpapahalaga lamang sa bawat isyung na ibinubuno ng bawat
mamamahayag ang aming kailangan.


Mapalad tayo na mayroon tayong natatanggap na buwanang isyu ng balitang pangkampus
sa Pamantasan. Huwag nating sayangin ang pagkakataong mas mapalago ang ating
kaalaman. Kami, bilang mamamahayag pangkampus ay taos-pusong naglilingkod para sa
pamayanang Lasalyano at kakaibang saya ang hatid tuwing nakakakita kami ng mga taong
nagbabasa ng aming Pahayagan.


Balangibog (balaˈngēbôg), salitang Bikolano na nangangahulugang pagpapabatid at
pagbabahagi ng katotohanan sa mas nakararami.


*Nailathala noong Marso 2011 sa Ang Pahayagang Plaridel, ang Opisyal na
Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Pamantasang De La Salle

Mais conteúdo relacionado

Destaque

Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Uri at mga Aspekto ng PandiwaMga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Uri at mga Aspekto ng PandiwaMckoi M
 
What Makes Great Infographics
What Makes Great InfographicsWhat Makes Great Infographics
What Makes Great InfographicsSlideShare
 
Masters of SlideShare
Masters of SlideShareMasters of SlideShare
Masters of SlideShareKapost
 
STOP! VIEW THIS! 10-Step Checklist When Uploading to Slideshare
STOP! VIEW THIS! 10-Step Checklist When Uploading to SlideshareSTOP! VIEW THIS! 10-Step Checklist When Uploading to Slideshare
STOP! VIEW THIS! 10-Step Checklist When Uploading to SlideshareEmpowered Presentations
 
10 Ways to Win at SlideShare SEO & Presentation Optimization
10 Ways to Win at SlideShare SEO & Presentation Optimization10 Ways to Win at SlideShare SEO & Presentation Optimization
10 Ways to Win at SlideShare SEO & Presentation OptimizationOneupweb
 
How To Get More From SlideShare - Super-Simple Tips For Content Marketing
How To Get More From SlideShare - Super-Simple Tips For Content MarketingHow To Get More From SlideShare - Super-Simple Tips For Content Marketing
How To Get More From SlideShare - Super-Simple Tips For Content MarketingContent Marketing Institute
 
How to Make Awesome SlideShares: Tips & Tricks
How to Make Awesome SlideShares: Tips & TricksHow to Make Awesome SlideShares: Tips & Tricks
How to Make Awesome SlideShares: Tips & TricksSlideShare
 
Getting Started With SlideShare
Getting Started With SlideShareGetting Started With SlideShare
Getting Started With SlideShareSlideShare
 

Destaque (11)

Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
 
Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Uri at mga Aspekto ng PandiwaMga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
 
Pandiwa
PandiwaPandiwa
Pandiwa
 
What Makes Great Infographics
What Makes Great InfographicsWhat Makes Great Infographics
What Makes Great Infographics
 
Masters of SlideShare
Masters of SlideShareMasters of SlideShare
Masters of SlideShare
 
STOP! VIEW THIS! 10-Step Checklist When Uploading to Slideshare
STOP! VIEW THIS! 10-Step Checklist When Uploading to SlideshareSTOP! VIEW THIS! 10-Step Checklist When Uploading to Slideshare
STOP! VIEW THIS! 10-Step Checklist When Uploading to Slideshare
 
You Suck At PowerPoint!
You Suck At PowerPoint!You Suck At PowerPoint!
You Suck At PowerPoint!
 
10 Ways to Win at SlideShare SEO & Presentation Optimization
10 Ways to Win at SlideShare SEO & Presentation Optimization10 Ways to Win at SlideShare SEO & Presentation Optimization
10 Ways to Win at SlideShare SEO & Presentation Optimization
 
How To Get More From SlideShare - Super-Simple Tips For Content Marketing
How To Get More From SlideShare - Super-Simple Tips For Content MarketingHow To Get More From SlideShare - Super-Simple Tips For Content Marketing
How To Get More From SlideShare - Super-Simple Tips For Content Marketing
 
How to Make Awesome SlideShares: Tips & Tricks
How to Make Awesome SlideShares: Tips & TricksHow to Make Awesome SlideShares: Tips & Tricks
How to Make Awesome SlideShares: Tips & Tricks
 
Getting Started With SlideShare
Getting Started With SlideShareGetting Started With SlideShare
Getting Started With SlideShare
 

Filipino at ang wika ng

  • 1. Filipino at ang Wika ng Pagtuturo Ipinaskil noong 09/15/2008 ni Roberto Añonuevo Hindi ko na sana papatusin ang usapin ng wika sa pagtuturo, ngunit nabasa ko noong 12 Setyembre 2008 ang pitak ni Maya Baltazar Herrera na pinamagatangEducating the Filipino sa Manila Standard Today at marapat sagutin. Payak lamang ang tesis ng kaniyang akda: Ingles ang dapat maging midyum ng pagtuturo sa mga paaralan, dahil ito ang wika ng negosyo. Ang Ingles umano ang magbubukas ng maraming oportunidad, at maghahain ng mga posibilidad, sa mga Filipino. Kailangan ang Filipino sa negosyo at kalakalan. Ngunit makitid na puwang lamang ang ibig silipin ni Herrera sa paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo. Hindi niya isinaalang-alang ang malaking posibilidad ng paggamit ng Filipino sa pagpapabilis ng modernisasyon ng agrikultura, siyensiya, teknolohiya, inhinyeriya, batas, kalusugan, at iba pang aspekto ng lipunan. Hindi nakita ni Herrera na higit na mahalaga ang kahusayan sa isang larang [i.e., field], at ang kahusayang iyon ay wala sa pagsasalita ng Ingles, bagkus sa pagkakaunawa at pagsasakatuparan nang malalim at malawak sa mga konsepto ng naturang larang. Ang hinuha ko’y hindi talaga tumitingin sa estadistika at datos itong si Herrera. Inaakala pa rin niya na ang ekonomiya natin ay gaya ng ekonomiya ng Estados Unidos at Europa, kaya kahit ang wika ng mga ito ang dapat pagsumundan ng mga Filipino. Ang malaking bahagi ng Filipinas ay nakaayon sa agrikultura. Dahil dito, kinakailangan ang pagpapahusay ng teknolohiya hinggil sa agrikultura. Kailangan ang subsidyo ng pamahalaan sa mga magsasaka at mangingisda. Kailangan ang abanseng impraestruktura, patubig, transportasyon, telekomunikasyon, bukod sa epektibong pamamaraan ng edukasyon. At sa pagtuturong ito ay tinitiyak kong higit na magiging epektibo kung gagamit ng Filipino na sinusuhayan ng iba pang lalawiganing wika sa Filipinas, imbes na gagamit ng Ingles. Ang pagpupunyagi ng mga akademiko na gamitin ang Filipino bilang wika ng pagtuturo sa lahat ng paaralan ay may batayan, at patutunayan ito kahit ng mga pagdinig sa batasan, o sa pahayag ng United Nations. Mabilis na matututo ang mga bata ng mga konseptong matalik sa kanilang puso at lugar kung gagamit ng Filipino at kaugnay na lalawiganing wika. Ito ay dahil magkabalahibo ang Filipino at ang mga lalawiganing wikang gaya ng Iluko, Bisaya, Bikol, Palawan, at iba pang wika, kompara sa Ingles. Magkasalungat ang polong pinagmumulan ng Filipino at iba pang lalawiganing wika kung ihahambing sa Ingles, ayon sa pag-aaral ng antropologong si Dr. Melba Padilla Maggay. Ang paggamit ng Filipino ay hindi nangangahulugan ng pagpatay sa mga lalawiganing wika, bagkus pinalalakas pa nito ang lalawiganing wika dahil mailalahok ang malaking bahagi nito sa korpus ng Filipino. Isang halimbawa nito ang UP Diksiyonaryong Filipino (2001), na naglahok ng mga salitang mula sa mahigit 100 wika sa Filipinas. Habang ginagamit ang Filipino, lalong mahihikayat ang mga lalawiganing wika na linangin nang maigi at itampok ang angking
  • 2. ugat at kultura. Filipino ang pinakamadaling paraan upang bigkisin ang mga Filipino, na hindi kayang gawin ng Ingles, at patutunayan ito kahit sa mass media. Lalakas ang negosyo sa paggamit ng Filipino. Mapasisigla din ang kalakalang panloob, dahil hindi maaasiwa ang mga Filipino na magpa-Ingles-Ingles kahit hindi naman kinakailangan. Mapagagaan ang mga transaksiyon sa bangko, telekomunikasyon, at transportasyon kung Filipino ang gagamitin. Mahihikayat ang libong kabataan na magtuon sa siyensiya at teknolohiya dahil madali nilang maisasabuhay ang mga konsepto at karunungang nasagap nila sa pamamagitan ng Filipino. Hindi ko sinasabing huwag nang mag-aral ng Ingles. Kailangan pa ring mag-aral ng Ingles kung ibig kausapin ang mga dayo. Ngunit kapag mga Filipino na ang nag-uusap ay dapat gamitin ang wikang Filipino upang magkaunawaan ang nakararami. Dapat tandaan ni Herrera na hindi lahat ng Filipino ay ibig magtrabaho sa ibayong dagat o kaya’y pumasok na ahente sa call center. Maraming propesyonal na Filipino ang ibig magtrabaho at magsilbi sa Filipinas, at tulungan ang mga kapuwa nila Filipino na nasa alanganing kalagayan, at makipag-usap sa kanilang kababayan sa wikang matalik sa kanilang buhay. Ang paggamit ng Ingles ay naghahain ng di-inaasahang deskriminasyon sa mayorya ng mga mag-aaral na Filipino. Nahahati ng Ingles ang isip ng mga bata, at ang batang ito, anuman ang kaniyang wikang kinamulatan, ay magtataka kung bakit iba ang wika ng paaralan at iba ang wika ng tahanan. Nakakiling ang timbangan pabor sa mga batang mayayaman, na nakapag-aaral sa mga esklusibong paaralan, at ang mga magulang ay pulos Inglesero. Ngunit ang gayong tagpo ay taliwas sa nangyayari sa iba pang panig ng kapuluan. Nauuna ang pagdidikdik ng gramatika at punto ng Ingles, imbes na pinag-aaralan nang maigi ang mga konseptong nakapaloob sa isang larang, gaya ng agham, matematika, at kasaysayan. Isinaad ni Herrera na ang realidad daw para sa maraming Filipino ay Ingles ang pangunahing wika sa Filipinas. Ingles ang ginagamit sa kontrata, kalakalan, pahayagan, restoran, at hukuman. Totoo ito lalo sa metropolis, ngunit hindi ito nangangahulugan na higit na naging epektibo ang Ingles bilang wika ng transaksiyon. Maraming Filipino ang nagogoyo dahil hindi nila nauunawaan ang mga pinirmahang kontratang nasusulat sa Ingles. Marami ang nahihirapan sa pakikipagkalalan dahil hindi maunawaan ang Ingles pagtungo sa mga lalawigan. Maraming restoran ang nalulugi kahit sabihin pang Ingles ang nakasulat sa menu. At maraming nabibilanggo at nabibitay dahil ang wika ng hukuman ay wikang taliwas sa dapat asahan ng mga akusado. Ang problema ng wika ay matingkad na makikita sa batasan at hukuman, at kahit gaano kahusay umingles ang mambabatas, ang abogado, at ang hukom, natitiwalag pa rin ang mayorya ng mga Filipino dahil sila-sila ring mambabatas, abogado, at hukom ang nagkakaunawaan sa kanilang diskursong Ingles. Ang pag-aaral ng Ingles ay dapat ituring bilang isa lamang sa mga banyagang wikang maaaring pag-aralan at matutuhan ng Filipino. Bakit kailangang limitahan sa wikang Ingles ang dapat matutuhan ng mga Filipino? Bakit hindi wikang Bahasa Malay o Espanyol o Mandarin? Hindi dapat pangibabawin ang Ingles na ikababansot lalo ng Filipino at ng iba pang lalawiganing wika sa Filipinas, gaya ng nagaganap sa ngayon. Ang realidad ay malaganap na ang Filipino ngunit waring nakapikit pa rin ang negosyo, ang akademya, ang batasan, at ang pamahalaan na pawang ibig
  • 3. ipagpatuloy ang saliwang kolonyal na patakaran na pinairal noon ng rehimeng Amerikano. Malawak ang posibilidad sa paggamit ng Filipino, lalo sa negosyo at kalakalan, at ito ang dapat subukin at isagawa, para sa lubusang ikalalago ng bansa. Pampaaralang Pamamahayag Gigising sa Pambansang Kamalayan Ang pagiging malaya ay nakaukit na sa puso ng mga Filipino. Wala ng mga salitang higit na makapaglalarawan sa kanyang lahi hundi ang masidhing pagnanasang maging malaya, maging ito'y pansarili, pangkapwa o pang buong bansa. Ito ang kasaysayan ng mga Filipino at ng kanyang Inang Bayan, ang tagumpay sa pagkakaroon ng kalayaan, ang naglahong kalayaan at ang muling pagkakamit nito. Hindi maitatago ang mahalagang bahaging ginampanan ng mga pahayagang nagmula sa mga isip at kamay ng mga ilang natatanging Filipino. Ang kapangyarihan ng pluma at ng gma damdaming sumisigaw ng mithing magkaroon ng kalayaan, mga pahayagang naging daan upang matamasa ng mga Filipino ang kasarinlan. Pagkaraan ng isang daang taon, mula sa kanilang pagkakahimlay, muling tinatawagang pansin ang media lalo na ang pahayagang pampaaralan na maging kasangkapan tayo sa pagbabago at pagbibigay kasiguraduhan na mananatiling tinatamasa ang kalayaan sa susunod na isang daang taon. OPINYON: Buhay ng isang mamamahayag pangkampus POSTED BY GITE NEALEGA IN UNCATEGORIZED 14 LinggoAGO 2011 ≈ MAG-IWAN NG PUNA Mga Marka Bikolana, DLSU,Journalist, Pilipino Katotohanan- ito ang pinanghahawakang bala ng mga mamamahayag sa paglilingkod sa publiko. Kahit kami bilang mga mamamahayag pangkampus ay ito rin ang pangunahing isinusulong sa aming bawat isinusulat. Kung regular kayong mambabasa ng Ang Pahayagang Plaridel kabisado ninyo na marahil ang tagline nitong, “Mahirap magbingibingihan sa katotohanan. Mahirap magsulat ngunit kinakailangan.” Ito ang mga linyang sumasalamin sa mundo ng pamahayagang pangkampus. Sa ngalan ng serbisyong hindi man direktang hinihingi sa amin ng pamayanang Lasalyano, ibinibigay namin ito kalakip ang iba’t ibang dahilan ng pagpasok namin sa mundo ng pamamahayag. Susi ng pagtatagumpay sa mundo ng pamahayagang pangkampus ang kagustuhan ng isang mag-aaral na makapagsulat. Buwanan man ang aming paglalabas ng isang isyu, hindi namin inaalintana ang hirap na kakabit nito dahil gusto namin ang aming ginagawa. May mga panahon pa nga na mas nauuna pa ang aming pagiging mamamahayag kaysa sa pagiging isang mag-aaral. Walang nagsabi sa amin na piliin ang landas na ito. Dahil kung mayroon mang pumilit sa amin na pasukin ito, tiyak na hindi kami tatagal sa mundong ito.
  • 4. Sa kabila nito, hindi ko sinasabing dapat maging ispesyal ang pagtingin sa mga katulad namin. Alam kong kaakibat ng pagiging mamamahayag ang pagsasakripisyo ng ilang bagay sa buhay. Hindi kami humihingi ng “special treatment” sa sinuman. At hindi ito ang dahilan kaya pinasok namin ang mundo ng pamamahayag. Ang sa amin lang, hindi man namin kayo pinipilit at mapapipilit na basahin ang bawat isyu na aming inilalabas buwan-buwan, kaunting paggalang man lang sa bawat diyaryo na aming inilalathala. Hindi niyo man sinabing magsulat kami upang may mabasa kayo, respeto na lamang sa mga akda na aming isinusulat. Kaunting pagpapahalaga lamang sa bawat isyung na ibinubuno ng bawat mamamahayag ang aming kailangan. Mapalad tayo na mayroon tayong natatanggap na buwanang isyu ng balitang pangkampus sa Pamantasan. Huwag nating sayangin ang pagkakataong mas mapalago ang ating kaalaman. Kami, bilang mamamahayag pangkampus ay taos-pusong naglilingkod para sa pamayanang Lasalyano at kakaibang saya ang hatid tuwing nakakakita kami ng mga taong nagbabasa ng aming Pahayagan. Balangibog (balaˈngēbôg), salitang Bikolano na nangangahulugang pagpapabatid at pagbabahagi ng katotohanan sa mas nakararami. *Nailathala noong Marso 2011 sa Ang Pahayagang Plaridel, ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Pamantasang De La Salle