2. a. PINAGMULAN
Ang Sinaunang Roma ay isang sinaunang kabihasnan sa Europa na
umiral sa Italyanong Peninsula. Ang maliit na agrikultural na lungsod ay
lumaki at naging isa sa mga pinakamalawak na imperyo ng sinaunang
panahon sa Dagat Mediteraneo.Sa mga siglo ng pag-iral, ang Romanong
kabihasnan ay naging kaharian, isang oligarkiyang republika at naging
malakas na imperyo.
Nang daan-daang taon kinontrol ng mga Romano ang kabuuan ng
kanlurang Europa, pati na rin ang buong kasakupang pumapalibot sa
Dagat Mediteraneo at bahagi ng kasakupang pumapalibot sa Dagat na
Itim.
Bumagsak ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD sa mga
barbaro habang ang Silangang Imperyo Romano ay tumagal hanggang
1453 AD bago bumagsak ang kabisera nito sa mga Turkong Ottoman.
Ayon sa alamat, ang lungsod ng Roma ay itinatag ng dalawang kambal
na sila Romulus at Remus.ipinatapon ang magkambal noong sila ay mga
sanggol pa at iniwan malapit sa Ilog ng Tiber. Inalagaan sila ng mga lobo
pero noong lumaki na sila, natagpuan sila ng isang pastol at inalagaan din
sila ng pastol. Itinatag nila ang bayan ng Roma pero nag-away sila kung
sino ang mamumuno dito pero sabi ng mga ilang historyan, ang pangalan
lang ng lungsod ang pinagawayan nila. Nanalo si Romulus at namatay
naman si Remus at ipinangalan kay Romulus ang bayan ng Roma.
3. Naging kaharian ang Roma, pero ang huling hari ng Roma, si Tarquin
na Nakapagmamalaki, ay pinabagsak. Itinatag ang Republika ng Roma
noong 509 BC at namuno ang mga senador pero namuno si Julius Caesar
sa lahat at sinakop niya ang karamihan ng Gitnang Europa. Pinatay siya
noong 44 BC ng ilang mga senador at pagkayari may tatlong taong
namuno na sila Lepidus,Octavius at si Mark Anthony pero nag-away silang
lahat para sa pamumuno ng Roma. Tinalo ni Octavius sila Lepidus at tinalo
rin niya sila Mark Anthony at si Cleopatra sa Digmaan sa Actium noong 31
BC at kinuha niya ang panglang Augustus Caesar at siya ang naging
unang Emperadorng Imperyo ng Roma.
Hinati ni EmperadorDiocletianang Imperyo ng Roma noong 293 AD
dahil masyado itong malaki at malawak. Hinati niya ito sa dalawang
imperyo - ang Silangang Imperyo Romano at ang Kanlurang Imperyo
Romano. Si EmperadorConstantine ang namuno sa Silangang Imperyo
Romano.
Sinakop ng mga Vandal ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD
pero ang Silangang Imperyo Romano o ang Imperyong Bizantino na ay
natira pero sinakop din ito ng mga Turkong Ottoman sa pamumuno ni
Mehmed II noong 1453 AD.
4. b. REPUBLIKA NG ROMA
Ang Republikang Romano ay ang kapanahunan ng Sinaunang
kabihasnang romano na may Republikang uri ng pamahalaan. Nagsimula
ang republika pagkatapos ibagsak ang Monarkiyang Romano noong 509
BC. Tumagal ito nang 450 taon bago humina, dahil sa digmaang sibil, at
naging imperyo.
Sa unang dalawang siglo nito, ang Republika ay lumaki mula sa Gitnang
Italya hanggang sa buong Mediterraneong mundo. Sa sumunod na siglo,
ang Roma ay naging matatag sa Hilagang Aprika, Iberian Peninsula,
Gresya, ang kasalukuyang Timog France at ang mga rehiyon sa
silanganan. Dahil dito unti-unting naging imperyalistiko ang republika.
Ang Republikang Roma ay ang kapanahunan ng Sinaunang
kabihasnang romano na may Republikang uri ng pamahalaan. Nagsimula
ang republika pagkatapos ibagsak ang MonarkiyangRomano noong 509
BC. Tumagal ito nang 450 taon bago humina, dahil sa digmaang sibil,
atnaging imperyo. Sa unang dalawang siglo nito, ang Republika ay lumaki
mula sa Gitnang Italya hanggang sa buong Mediterraneong mundo.Sa
sumunod na siglo, ang Roma ay naging matatag sa Hilagang
Aprika,Iberian Peninsula, Gresya,ang kasalukuyang Timog France at ang
mga rehiyon sa silanganan. Dahil dito unti-unting naging imperyalistiko ang
republika.
5. c. DIGMAANG PUNIKO
Ang mga Digmaang Puniko (Ingles:Punic Wars) ay isang serye o
magkakasunod na tatlong digmaang pinaglaban sa pagitan ng Roma at
Kartago noong 264 hanggang 146 BK[1], at maaaring ang pinakamalaking
mga digmaan sa sinaunang mundo.[2] Kilala sila bilang Digmaang Puniko
(Punic Wars) dahil sa Punici ang taguri sa Kartaheno (Carthaginian) na
nangangahulugang mas matandang Poenici, mula sa kanilang mga
ninunong Poenisyano (o Phoenician ng Phoenicia). Nagmula ang puniko
sa salitang”punicus” na siyang taguri ng mga Romano sa mga Poenisyano.
Nangyari ang Unang Digmaang Puniko noong 264-241 BCE at ang
nito ay ang mahigpit na katunggali ng Roma ang Kartago sa kalakalan at
panganib ang kapangyarihan nito sa mga kaalyado ng Roma sa timog ng
Italya. Nagwagi ang mga Romano. Nakamit nila ang Sisilya na siyang
naging unang lalawigan ng Roma na hindi kabilang sa tangway ng Italya.
Unang Digmaang Puniko
- Naganap sa Sicily
- Corvus- ginamit ng mga Romano sa pakikidigma, “rotating
bridge with a spike on the end”
- Natalo ng mga Romano ang mga Carthaginian, ito’y pinilit
magbayag ng malaking bayad-pinsala at isuko ang Sicily sa
Rome.
- Matapos ang pagkatalo, naghanda ang mga taga Carthage
ng susunod pang digmaan.
6. IkalawangDigmaang Puniko
- Naganap sa Sicily Si Hannibal ang pinakamagiting na
heneral Carthaginian ay bumuo ng isang makapangyarihang
hukbo
- Sa 3 pagkakataon ay natalo nina Hannibal ang mga
pwersang Romano na sumalubong sa kanila sa Trebia, Ilog
Trasimene at Cannae
- Ang mga Romano ay nagulantang at sa loob ng 15 taon ay
napanatili ni Hannibal ang kanyang hukbo sa lupain ng mga
Romano na hindi nanadaig kahit na sa isang digmaan.
Ikatlong Digmaang
- Naganap sa Sicily Bumagsak ang Carthage sa mga Romano
- Nagsimula ng salakayin ng Carthage ang Nomidia, isang
kaalyado ng Rome.
- Cato- dakilang statesman
d. PANAHON NG TRIUMVIRATE