1. Mapa ng Sinaunang Roma
Ang Sinaunang Roma ay isang sinaunang kabihasnan sa Europa na umiral sa Italyanong Peninsula. Ang maliit na agrikultural na lungsod ay lumaki at naging isa
sa mga pinakamalawak na imperyo ng sinaunang panahon sa Dagat Mediteraneo.
Sa mga siglo ng pag-iral, ang Romanong kabihasnan ay naging kaharian, isang oligarkiyang republika at naging malakas na imperyo.
Nang daan-daang taon kinontrol ng mga Romano ang kabuuan ng kanlurang Europa, pati na rin ang buong kasakupang pumapalibot sa Dagat Mediteraneo at
bahagi ng kasakupang pumapalibot sa Dagat na Itim.
Bumagsak ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD sa mga barbaro habang ang Silangang Imperyo Romano ay tumagal hanggang 1453 AD bago
bumagsak ang kabisera nito sa mga Turkong Ottoman.
2. Heograpiya ng Roma
Nahahati ang Italya sa lupang coastal sa Silangan at Kanluran dahil sa Apennines.
Ang kabundukan ng Alps sa Hilaga at Apennines ang nagsisilbing hadlang sa mga kaaway.
Ang Italya ay parang isang bota sa gitna ng Mediterranean Sea.
Napapalibutan ito ng Ionian Sea sa timog at Tyrrhenia sa kanluran.
Mataba ang lupa sa bahaging ito ng bansa kaya angkop ito sa agrikultura at masagana ang mga ani sa mga lambak.
3. Alamat ng Roma
Ayon sa alamat, ang lungsod ng Roma ay itinatag ng dalawang kambal na sila Romulus at Remus. ipinatapon ang magkambal noong sila ay mga sanggol pa at iniwan
malapit sa Ilog ng Tiber. Inalagaan sila ng mga lobo pero noong lumaki na sila, natagpuan sila ng isang pastol at inalagaan din sila ng pastol. Itinatag nila ang bayan ng
Roma pero nag-away sila kung sino ang mamumuno dito pero sabi ng mga ilang historyan, ang pangalan lang ng lungsod ang pinagawayan nila. Nanalo si Romulus at
namatay naman si Remus at ipinangalan kay Romulus ang bayan ng Roma.
Naging kaharian ang Roma, pero ang huling hari ng Roma, si Tarquin na Nakapagmamalaki, ay pinabagsak. Itinatag ang Republika ng Roma noong 509 BC at namuno ang
mga senador pero namuno si Julius Caesar sa lahat at sinakop niya ang karamihan ng Gitnang Europa. Pinatay siya noong 44 BC ng ilang mga senador at pagkayari may
tatlong taong namuno na sila Lepidus, Octavius at si Mark Anthony pero nag-away silang lahat para sa pamumuno ng Roma. Tinalo ni Octavius sila Lepidus at tinalo rin
niya sila Mark Anthony at si Cleopatra sa Digmaan sa Actium noong 31 BC at kinuha niya ang panglang Augustus Caesar at siya ang naging unang Emperador ng Imperyo
ng Roma.
Hinati ni Emperador Diocletian ang Imperyo ng Roma noong 293 AD dahil masyado itong malaki at malawak. Hinati niya ito sa dalawang imperyo - ang Silangang Imperyo
Romano at ang Kanlurang Imperyo Romano. Si Emperador Constantine ang namuno sa Silangang Imperyo Romano.
Sinakop ng mga Vandal ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD pero ang Silangang Imperyo Romano o ang Imperyong Bizantino na ay natira pero sinakop din ito
ng mga Turkong Ottoman sa pamumuno ni Mehmed II noong 1453 AD.