SlideShare uma empresa Scribd logo
1 de 2
Baixar para ler offline
VARAYTI AT VARYASYON NG WIKA
Varayti – ang pagkakaroon nito ay bunga ng paniniwala ng mga linggwista na ang wika ay heterogeneous o
nagkakaiba-iba. Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na may iba’t ibang lugar na tinitirahan,
interes,gawain, pinag-aaralan at iba pa
Varayti ng Wika –.ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular uri ng katangiang
sosyo-sitwasyunal.
Varyasyon – sa pagdaan ng panahon, nagiging ispesyalisado ang gawain at tungkulin ng tao at ito ay
nagreresulta ng pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang nagiging panukat sa progreso ng tao.
Dalawang Uri ng Varayti
Permanente – likas na gamit at linang sa sinumang tapagsalita o tagabasa
Pansamantala – nagbabago batay sa pagbabago ng sitwasyon.
Ilang Mahalagang Konsepto ukol sa Varayti at Varyasyon ng Wika
Dayalekto – varayting nakabatay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay sa
pinanggalingang lugar ng tapagsalita o grupo ng tagapagsalita.
Idyolekto – varayti na kaugnay sa personal na kakanyahan ng tao sa paggamit ng wika ng partikular na
indibidwal. Gayundin, ang paggamit ng partikular na bokabularyo nang madalas ay itinuturing ding idyolekto
ng gumagamit.
Sosyolek – ang varayting sinasalita ng mga tao sa isang lipunan. Gayundin, nagtatakda ito ng klasifikasyon ng
mga mamamayan batay sa antas ng kanilang pamumuhay, interes, hilig at kasarian.
Rejister – varayting kaugnay sa panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.
Tumutukoy sa ispesyalisadong paggamit sa wika upang makilala ang ispesipikong domeyn o gawain.
Estilo – varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Maaaring formal,kolokyal at personal.
Mode – varayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat.
Paalala: kung ang dayalekto na ginagamit ng tao ay nagpapakilala kung sino ang taong gumagamit, ang
rejister naman ay ginagamit upang maipakita ang ginagawa ng taong gumagamit.
Paglilinaw ukol sa Pagkakabuo ng Pahayag:
Palit-koda – pagsasama-sama ng dalawa o mahigit pang makabuluhang pahayag na nabibilang sa dalawang
sistema ng wika.
Hal: Nakuha ko naman ang point mo kaya lang medyo foul ‘yung sinabi nang mag-text ka.
Halo-koda – may nahahalo o naisisingit na salita mula sa ibang wika labas sa naitakdang dalawang
pangunahing sistema ng wika.
Hal: Getching ko naman talaga yung chenes mo kaya lang its hard to identify talaga, what is ‘aristeia’, tolits?
Salik ng Varyasyon:
Heograpikal – nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag sa pamamagitan ng kaangkupan sa lugar o
komunidad na kinabibilangan ng tagapagsalita o gumagamit ng wika.
Sosyal – nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag sa pamamagitan ng kinasasangkutang lipunan, kultura at
itinatakdang mga isyu at usaping nakabatay sa panahon.
Okyupasyunal – nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag batay sa pangangailangan sa larangan ng
hanapbuhay.
ILANG PANANAW AT TEORYA UKOL SA VARAYTI AT VARYASYON
1. Teoryang Sosyolinggwistik (Saussure, 1915) – pinapalagay na ang wika ay panlipunan at ang speech ay
pang-indibidwal.
2. Teoryang Deficit Hypothesis (Bernstein,1972) – naniniwala sa pamamagitan ng kanyang naging
obserbasyon na ang wika ay may herarkiya.
3. Konsepto ng Varyabilidad (Labov, 1972) – naniniwala na natural na phenomena ang pagkakaiba-iba ng
anyo ng wika at pagkakaroon ng varayti ng isang wika. Ibigsabihin, pantay-pantay lamang ito at walang
mataas o mababa.
4. Teorya ng Akomodasyon (Giles, 1982) – nakapokus ang teoryang ito sa taong kasangkot sa sitwasyong
pangwika sa proseso ng pag-aaral at pagkatuto ng pangalawang wika.
a) Linguistic convergence – nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ang isang
gumagamit ng wika upang bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikisama at pagmamalaki na siya ay
kabahagi ng pangkat.
b) Linguistic divergence – pinipilit na ibahin ngtaong gumagamit ng wika ang kanyang pagsasalita
upang mabukod sa kausap, di-pakikiisa at pagbuo ng sariling pagkakakilanlan/identity.
Sanggunian:
Arrogante, J., et al. (2009). Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Navotas City: National
Bookstore, Inc.
Liwanag, L. (2002) Ang Papel ng Wikang Filipino sa Gitna ng Pagkakaiba-iba ng mga Wika sa
Bansa.http://wika.pbworks.com/f/Ang+Papel+ng+Wikang+sa+Gitna+ng+Pagkakaiba-
iba+ng+mga+Wika+sa+Bansa.pdf/> Philippine Normal University.
Peregrino, J., et al. (2002). Minanga: Mga babasahin sa varayti at varyasyon ng wikang Filipino.Quezon City:
Unibersidad ng Pilipinas –Surian ng Wikang Filipino.
Inihanda ni : G. Jonathan Vergara Geronimo

Mais conteúdo relacionado

Mais de University of Santo Tomas (8)

Fil11 -mga tungkulin ng wika (1)
 Fil11 -mga tungkulin ng wika (1) Fil11 -mga tungkulin ng wika (1)
Fil11 -mga tungkulin ng wika (1)
 
Fil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wika
Fil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wikaFil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wika
Fil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wika
 
Kapangyarihan ng wika, wika ng kapangyarihan
Kapangyarihan ng wika, wika ng kapangyarihanKapangyarihan ng wika, wika ng kapangyarihan
Kapangyarihan ng wika, wika ng kapangyarihan
 
Persuasive Writing
Persuasive WritingPersuasive Writing
Persuasive Writing
 
Guide to Interviewing
Guide to InterviewingGuide to Interviewing
Guide to Interviewing
 
Main Types of Writing
Main Types of WritingMain Types of Writing
Main Types of Writing
 
Debates
DebatesDebates
Debates
 
Compare and Contrast writing
Compare and Contrast writingCompare and Contrast writing
Compare and Contrast writing
 

Último

Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
PaulineHipolito
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
MaamCle
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
RonalynGatelaCajudo
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
RosemarieGaring
 

Último (20)

Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 

Varayti at varyasyon ng wika very final (1)-1

  • 1. VARAYTI AT VARYASYON NG WIKA Varayti – ang pagkakaroon nito ay bunga ng paniniwala ng mga linggwista na ang wika ay heterogeneous o nagkakaiba-iba. Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na may iba’t ibang lugar na tinitirahan, interes,gawain, pinag-aaralan at iba pa Varayti ng Wika –.ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal. Varyasyon – sa pagdaan ng panahon, nagiging ispesyalisado ang gawain at tungkulin ng tao at ito ay nagreresulta ng pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang nagiging panukat sa progreso ng tao. Dalawang Uri ng Varayti Permanente – likas na gamit at linang sa sinumang tapagsalita o tagabasa Pansamantala – nagbabago batay sa pagbabago ng sitwasyon. Ilang Mahalagang Konsepto ukol sa Varayti at Varyasyon ng Wika Dayalekto – varayting nakabatay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay sa pinanggalingang lugar ng tapagsalita o grupo ng tagapagsalita. Idyolekto – varayti na kaugnay sa personal na kakanyahan ng tao sa paggamit ng wika ng partikular na indibidwal. Gayundin, ang paggamit ng partikular na bokabularyo nang madalas ay itinuturing ding idyolekto ng gumagamit. Sosyolek – ang varayting sinasalita ng mga tao sa isang lipunan. Gayundin, nagtatakda ito ng klasifikasyon ng mga mamamayan batay sa antas ng kanilang pamumuhay, interes, hilig at kasarian. Rejister – varayting kaugnay sa panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Tumutukoy sa ispesyalisadong paggamit sa wika upang makilala ang ispesipikong domeyn o gawain. Estilo – varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Maaaring formal,kolokyal at personal. Mode – varayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat. Paalala: kung ang dayalekto na ginagamit ng tao ay nagpapakilala kung sino ang taong gumagamit, ang rejister naman ay ginagamit upang maipakita ang ginagawa ng taong gumagamit. Paglilinaw ukol sa Pagkakabuo ng Pahayag: Palit-koda – pagsasama-sama ng dalawa o mahigit pang makabuluhang pahayag na nabibilang sa dalawang sistema ng wika. Hal: Nakuha ko naman ang point mo kaya lang medyo foul ‘yung sinabi nang mag-text ka. Halo-koda – may nahahalo o naisisingit na salita mula sa ibang wika labas sa naitakdang dalawang pangunahing sistema ng wika. Hal: Getching ko naman talaga yung chenes mo kaya lang its hard to identify talaga, what is ‘aristeia’, tolits? Salik ng Varyasyon: Heograpikal – nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag sa pamamagitan ng kaangkupan sa lugar o komunidad na kinabibilangan ng tagapagsalita o gumagamit ng wika. Sosyal – nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag sa pamamagitan ng kinasasangkutang lipunan, kultura at itinatakdang mga isyu at usaping nakabatay sa panahon. Okyupasyunal – nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag batay sa pangangailangan sa larangan ng hanapbuhay. ILANG PANANAW AT TEORYA UKOL SA VARAYTI AT VARYASYON 1. Teoryang Sosyolinggwistik (Saussure, 1915) – pinapalagay na ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal. 2. Teoryang Deficit Hypothesis (Bernstein,1972) – naniniwala sa pamamagitan ng kanyang naging obserbasyon na ang wika ay may herarkiya. 3. Konsepto ng Varyabilidad (Labov, 1972) – naniniwala na natural na phenomena ang pagkakaiba-iba ng anyo ng wika at pagkakaroon ng varayti ng isang wika. Ibigsabihin, pantay-pantay lamang ito at walang mataas o mababa. 4. Teorya ng Akomodasyon (Giles, 1982) – nakapokus ang teoryang ito sa taong kasangkot sa sitwasyong pangwika sa proseso ng pag-aaral at pagkatuto ng pangalawang wika.
  • 2. a) Linguistic convergence – nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ang isang gumagamit ng wika upang bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikisama at pagmamalaki na siya ay kabahagi ng pangkat. b) Linguistic divergence – pinipilit na ibahin ngtaong gumagamit ng wika ang kanyang pagsasalita upang mabukod sa kausap, di-pakikiisa at pagbuo ng sariling pagkakakilanlan/identity. Sanggunian: Arrogante, J., et al. (2009). Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Navotas City: National Bookstore, Inc. Liwanag, L. (2002) Ang Papel ng Wikang Filipino sa Gitna ng Pagkakaiba-iba ng mga Wika sa Bansa.http://wika.pbworks.com/f/Ang+Papel+ng+Wikang+sa+Gitna+ng+Pagkakaiba- iba+ng+mga+Wika+sa+Bansa.pdf/> Philippine Normal University. Peregrino, J., et al. (2002). Minanga: Mga babasahin sa varayti at varyasyon ng wikang Filipino.Quezon City: Unibersidad ng Pilipinas –Surian ng Wikang Filipino. Inihanda ni : G. Jonathan Vergara Geronimo