Pangunahing pangangailangan ng tao, hayop at halaman presentation.pptx
Anyo ng Pagpapahag
1. “Ikaw pala. Ikaw pala ang sinasabi
ng asawa ko na asawa mo na
asawa ng bayan!”
-Laurice Guillen, Nagalit ang Buwan sa
Haba ng Gabi (1983)
2. “Simple lang naman ang hinihingi
ko. Kung hindi mo ako marespeto
bilang asawa, respetuhin mo
naman ako bilang kaibigan. Kung
hindi naman, respetuhin mo ako
bilang tao.”
-Vilma Santos, Relasyon (1982)
3. “Ayoko ng tinatapakan ako.
Ayoko ng masikip, ayoko ng
mabaho, ayoko ng walang
tubig, ayoko ng walang
pagkain, ayoko ng putik!“
-Maricel Soriano, Kaya Kong Abutin ang
Langit (1984)
17. PAGLALARAW
AN
• Anyo ng diskurso na nagpapahayag ng
sapat na detalye o katangian ng isang
tao, bagay, pook, damdamin o teorya
upang ang isang mambabasa o
tagapakinig ay makalikha ng isang
larawang mental kung ano man ang
inilalarawan.
20. 1. Pagpili ng Paksa
• Isinasaalang-alang ang
malawak na kaalaman o
pagkakilala sa tao o lugar
na Ilalarawan; tulad sa
ibang uri o anyo ng
sulatin, ang paksa ang
laging unang isinasaisip
21. 2. Pagbuo ng
Pangunahing Larawan
• ito ang
pangkalahatang
kabuuan ng isang tao,
hayop, bagay, pook, o
pangyayari na nais
agad maitanim sa isip
22. 3. Pagpili ng Sariling
Pananaw
•pansariling
pagtingin ng
tagapaglarawan.
23. 4. Pagkakaroon ng
Kaisahan
• bawat detalyeng
babanggitin sa
paglalarawan dapat ay
tumutulong sa pagbuo o
kabuuan ng isang
pangunahing bagay o
24. 5. PAGPILI NG MGA
SANGKAP
• sa paglalarawan,
mahalaga ang mga
maliliit na sangkap o
detalye dahil ito ang
nagiging basehan ng
tagapakinig o
mambabasa upang
25. 5. PAGPILI NG ANGKOP
NA PANANALITA
• may kasanayan sa
pagpili ng mga salitang
maaaring magpagalaw
ng imahinasyon ng
kanyang tagatanggap.
28. PAGSASALAYSA
Y
• Anyo ng diskurso na nagpapahayag ng
mga magkakaugnay na pangyayaring
may tiyak na pinagmulan tungo sa
isang tiyak at makabuluhang wakas.
• Pangunahing layunin: mailahad ang
mga detalyeng kalakip ng isang
pangyayari sa isang maayos at
sistematikong kaayusan.
29. PAGSASALAYSAY
• Nagiging daan ito sa upang ating
makilala nang lubusan ang ating
kalinangan.
• Maraming dalubhasa ang sumasang-
ayon na mayroong kalikasang dualistic
ang naratib, ang ANO at PAANO.
30. a)Orihinal at Kawili-wili ang paksa
b)Mapanghikayat na pamagat
c)Mapagganyak na panimula
d)Kapana-panabik, di maligoy at
magkakaugnay na daloy ng pangyayari
e)Angkop at interesanteng wakas
f)Makabuluhang karanasang pantao
g)Angkop na bokabularyo o pananalita
h)Malinaw at tiyak na punto de bista sa
pagsasalaysay o paningin
Kahingian ng Epektibong Naratib
31. a)Maikli o mahabang kwento/nobela
b)Talambuhay
c)Kasaysayan
d)Kwento ng paglalakbay
e)Kwento ng pakikipagsapalaran
f)Balita
g)Alamat, leyenda, epiko, at
kwentong-bayan
Iba’t ibang Uri ng Naratib
34. PAGLALAHAD
• Anyo ng diskurso kung saan
nagpapahayag ang isang tao ng mga
ideya, kaisipan at impormasyon na
sakop ng kanyang kaalaman na
inihanay sa isang maayos at malinaw
na pamamaraan upang maging daan sa
pagkakaroon ng bago at/o dagdag na
kaalaman ng ibang tao.
36. a)Mahalagang mayroong sapat na
kaalaman.
b)May kakayahang ihanay ang kaniyang
kaisipan sa isang pamamaraan na
mauunawaan ng mambabasa o
tagapakinig.
c)Kawalan ng pagkiling
d)Mahalagang nagbabasa ang isang tao
e)Maging mapagmasid
Kahingian ng Epektibong
Eksposisyon
38. a)Malinaw
-agad na nauunawaan ng
mambabasa o tagapakinig at
kanyang maikakapit ang
kaalaman.
-mahalagang gumamit ng mga
salitang tiyak at tuwirang
maghahatid ng mensahe.
Katangian ng isang mahusay at epektibong Eksposisyon
39. b) Tiyak
-ang mismong tagapahayag ay
magagawang mapanindigan ang
kanyang pahayag.
-kailangang ituon ang atensyon s
paksang tinatalakay.
Katangian ng isang mahusay at epektibong Eksposisyon
40. c) May Kohirens
-sa ano mang uri ng pagpapahayag,
mahalaga ang maayos na daloy ng
kaisipan.
Katangian ng isang mahusay at epektibong Eksposisyon
41. d) Empasis
-kailangang hindi malunod sa mga
ideya ang mambabasa o
tagapakinig.
-hindi dapat matakpan ang
pangunahing ideya na
ipinaliliwanag.
Katangian ng isang mahusay at epektibong Eksposisyon
43. a) Pagbibigay-depinisyon
-karaniwang pamamaraan ng pagbibigay
ng eksposisyon
Pamamaraan ng Epektibong Eksposisyon
b) Pag-iisa-isa
-pagtalakay sa pangunahing paksa
kasunod ay ang pagbanggit nang isa-
isa ng mga kaugnay at mahahalagang
kaisipan.
44. c) Pagsusunud-sunod o order
-nararapat na isaayos ng isang
tagapahayag ang kaniyang kaisipan,
mula sa panimula hanggang sa
pagwawakas ng kaniyang akda.
Pamamaraan ng Epektibong Eksposisyon
45. Ang Pagsusunuod-sunod ay maaaring:
*Prosidyural
-nagbibigay halaga sa wastong order ng mga
hakbang tungo sa tiyak na katapusan
upang magawa ang isang bagay.
*Sikwensyal
-kaayusang nakabatay sa mga pangyayaring
magkakaugnay-ugnay sa isa’t isa.
*Kronolohikal
-pagsasaayos batay sa isang tiyak na
baryabol tulad ng edad, distansya,
halaga, lokasyon, dami at iba pa.
46. d) Paghahambing at pagkokontrast
-ang dalawang ideyang ito ay
karaniwang hindi naipaghihiwalay.
Pamamaraan ng Epektibong Eksposisyon
e) Problem at Solusyon
-ang pagtukoy ng suliranin o
problema ang unang hakbang sa
pagbibigay solusyon.
47. f) Sanhi at bunga
- walang pangyayari na hindi naging
kahihinatnan ng isang pangyayari, at
ang bawat pangyayari na nagbibigay
daan sa iba pang pangyayari ay
nagiging simulain ng panibagong
pangyayari at patuloy ang walang
katapusang siklo ng sanhi at bunga.
Pamamaraan ng Epektibong Eksposisyon
49. *Simula
-magpapasya kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang
pagbasa ng katha (Katanungan,Pangungusap na
makatawag-pansin, Pambungad na pasalaysay, Isang
salitain, Isang sipi, Mabatas na pangungusap,Tahasan
o tuwirang simula)
*Katawan
- nilalaman ng isang pahayag
*Wakas
- maaaring buod, tanong, panghuhula sa maaaring
mangyari, pagsariwa sa suliraning binanggit sa
simula, pagamit ng kasabihan o siping angkop sa
akda
Bahagi ng Eksposisyon
54. PANGANGATWIRA
N
• Anyo ng diskurso na nakatuon sa
pagbibigay ng isang sapat at matibay
na pagpapaliwanag ng isang isyu o
panig upang makahikayat o
makaengganyo ng mambabasa o
tagapakinig.
55. a)Pagkilala ng paksa at pagsasagawa ng
maayos na pangangalap ng datos ukol dito
b)Pagkilala sa mga proposisyon ukol sa paksa
upang matiyak ang angkop na argumentong
gagamitin
c)Pagtukoy sa angkop na pamamaraan ng
argumentasyon kaugnay ng napiling
proposisyon
d)Pagkalap ng impormasyon upang
mapatibay ang argumento
e)Pag-iwas sa maling pangangatwiran
Kahingian ng Epektibong
Argumentasyon
56. MATIBAY NA
PANINIWALA
MAHATAK NA
PANGHIKAYAT
Ang kaisipang ito ay
nagmumula sa
pagkakaroon ng isang tao
ng malinaw na pag-iisip na
maipapamalas niya sa
pagbuo ng mahusay na
argumento upang magawa
niyang umapila sa isipan
ng tao.
Ang kaisipang ito ay
nakatuon sa damdamin
ng manunulat sa
kanyang pinaninidigang
argumento na kanya
namang maipapamalas
sa kanyang argumento
upang mapukaw ang
damdamin ng
mambabasa.
DALAWANG BAGAY NA DAPAT ISAALANG-ALANG
PARA MAGING MATAGUMPAY ANG
ARGUMENTASYON
58. Argumentum ad hominem
• Isang nakakahiyang pag-
atake sa personal na
katangian/katayuan ng
katalo at hindi sa isyung
tinatalakay o pinagtatalunanHalimbawa:
Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking
katunggali gayong hindi siya naging pinuno ng
kanyang klase o ng kanyang barangay kaya?
Balita ko’y under de saya pa yata!
59. Argumentum ad baculum
• Pwersa o awtoridad ang
gamit upang maiwasan ang
isyu at tuloy maiplano ang
argumento.
Halimbawa:
Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala
kang karapatang magsalita sa akin nang ganyan!
Baka sampalin kita at nang makita mo ang
hinahanap mo!
60. Argumentum ad
misericordiam
• Upang makamit ang awa at
pagkampi ng mga
nakikinig/bumabasa,
ginagamit ito sa paraang
pumipili ng mga salitang
umaatake sa damdamin at
hindi sa kaisipan.
Halimbawa:
Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa
lansangan. Hindi ba natin nakikita ang marurumi
nilang damit, payat na pangangatawan at
nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba ang
magbigay ng ilang limos bilang pantawid-gutom?
61. Non sequitur
• Sa ingles ibig sabihin nito
ay It doesn’t follow.
Pagbibigay ito ng
konklusyon sa kabila ng
mga walang kaugnayang
batayan.
Halimbawa:
Ang santol ay hindi magbubunga ng mangga.
Masamang pamilya ang pinagmulan niya.
magulong paligid ang kanyang nilakhan. Ano pa
ang aasahan mo sa ganyang uri ng tao kundi
kawalang-hiyaan!
62. Ignoratio elenchi
• Gamitin ito ng mga Pilipino
lalo na sa mga usapang
barberya, wika nga. Ito ay
kilala sa Ingles na circular
reasoning o paliguy-ligoy.Halimbawa:
Anumang bagay na magpapatunay sa aking
pagkatao ay maipapaliwanag ng aking butihing
maybahay. Tiyak ko namang paniniwalaan ninyo
siya sapagkat naging mabuti siyang ina ng aking
mga anak, kahit tanungin pa ninyo sila ngayon.
63. Maling Paglalahat
• Dahil lamang sa ilang
aytem/sitwasyon,
nagbibigay na agad ng
isang konklusyong
sumasaklaw sa
pangkalahatan.
Halimbawa:
Ang artistang ito ay naging tiwali sa kanyang
panunugkulan. Ang artista namang iyon ay
maraming asawa, samantalang bobo naman ang
isang ito na tumatakbo bilang konsehl. Huwag na
nating iboto ang mga artista.
64. Maling Paghahambing
• Karaniwang tinatawag na
usapang lasing ang
ganitong uri pagkat
mayroon ngang hambingan
ngunit sumasala naman sa
matinong konklusyon.
Halimbawa:
(sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako
patutulugin agad? Kung kayo nga ay gising pa!
65. Maling Saligan
• Nagsisimula ito sa maling
akala na siya namang
naging batayan.
Ipinapatuloy ang gayon
hanggang magkaroon ng
konklusyong wala sa
katwiran.
Halimbawa:
Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa
pag-aasawa, kailangan ang katapatan at
kasipagan upang magtagumpay. Dahil dito, dapat
lamang na maging tapat at masipag ang mga
kabataan.
66. Maling Awtoridad
• Naglalahad ng tao o
sangguniang walang
kinalaman sa isyung
kasangkot.Halimbawa:
Ang Kristyanismo ay pananampalataya ng mga
mahihina. Iyan ang ipinahayag ni Karl Marx
67. Dilemma
• Naghahandog lamang ng
dalawang
opsyon/pagpipilian na para
bang iyon lamang at wala
nang iba pang alternatibo.Halimbawa:
Upang hindi ka mapahiya sa ating debate, ganito
na lamang gawin mo: huwag ka nang pumunta o
kaya ay magsabmit ka ng papel na nagsasaad ng
iyong pag-urong.
68. *Simula
- Malinaw na maipakilala ng manunulat ang kanyang
pangkalahatang paksa at ang proposisyon niya
kaugnay nito. Dapat ay tiyak at tuwiran ang paglalahad
ng proposisyon.
*Katawan
- isa-isang ilalatag ng manunulat ang mga
argumento na siyang magpapatatag ng kanyang
proposisyon.
*Wakas
- Mahalaga na magsimula ang pagwawakas sa
pagbibigay ng buod ng mga naunang ipinahayag.
- Pagbibigay konklusyon.
Tekstong Argumentatib
70. a)Pabuod na pangangatwiran
-nagsisimula sa isang maliit at ispisipik na
halimbawa o katotohanan at magtatapos sa
isang panlahat na simulain. Itinuturing na
makaagham ang pamamaraang ito dahil
makailang ulit dumaraan sa iba’t ibang
obserbasyon at pagsusuri bago ang
paglalahat.
Dalawang Uri ng Argumentsayon
71. b)Pasaklaw na pangangatwiran
-ang isang masaklaw na katotohanan ay
ikinakapit sa isang tiyak na pangyayari.
Nagsisimula sa maikling kaisipan patungo
sa paghahati-hati nito sa maliliit na
kaisipan.
Dalawang Uri ng Argumentsayon