2. Ang nilalaman ng kabanatang ito ay
tungkol sa nararamdaman ni
Crisostomo Ibarra sa pagkalumbay niya
sa kaniyang pagmamasid sa Maynila.
Pinagmamasdan niya ang lahat ng mga
bagay na daraanan Niya tulad ng mga
taong nadaraanan na nakikilala dahil
sa kanilang kasuotan.
4. Panuto: Bigyang kahulugan ang mga salitang
may salungguhit.
1. Ang mga karitong hatak
ng mga kalabaw ay nakita
ni Crisostomo sa Maynila.
SAGOT: HILA
5. 2. Hindi parin nalalatagan
ng bato ang kalsada sa
maynila.
SAGOT: NALALAGYAN
6. 3. Payukong binati ni Kapitan
Tinong si Crisostomo Ibarra ng
makasalubong ang kanilang
karitela.
SAGOT: PATUNGO
7. 4. Isa sa namataan ni Ibarra ay ang
isang magarang karwaheng
binansagang Victoria kung saan
nakasakay ang kunot –noo na si
padre damaso.
SAGOT: TINAWAG
8. 5. Napuna ni Crisostomo ang
bansot at hindi pa rin
lumalaking mga puno ng
talisay.
SAGOT: MALIIT
11. CRISOSTOMO
IBARRA
• Isa sa nagmasid sa mga
nangyayari sa maynila.
• Binagtas ang magulong
lungsod ng maynila.
• Naalala niya ang europa
, ang bansang patuloy
sa walang katapusang
pagunlad
15. “Nakasakay si Ibarra sa kalesa at binabagtas ang kahabaan ng Maynila.
Maganda ang panahon ng araw na iyon at ang tanawin sa paligid ay
nakapagpabalik ng kanyang mga alaala.
Ang kanyang namamasdan ay katulad pa rin ng dati na kanya nang nakita: mga
kalesa at karumatang walang humpay sa pagbibyahe, salimbayan ng mga taong
abala sa pangangalakal at kanya-kanyang gawain: may mga Europeo, Intsik,
Pilipino; may mga lalaking kargador, ang iba ay kababaihan na nagtitinda ng
prutas. Nanduon din ang mga tindahan at mga hayop na kasama sa
paghahanapbuhay. Ang punong Talisay sa San Gabriel ay walang pinagbago,
ang Escolta naman ay imbes na umunlad ay pumangit at walang kaayusan. Ang
mga karwahe ay nagmamadaling ihatid ang mga kawani sa tanggapan at mga
pari, kabilang na si Padre Damaso. Namataan naman siya ni Kapitan Tinong
kung kayat binati siya nito.
Napadako naman siya sa kalye ng Arroceros at naalala na minsan ay nahilo siya
sa napakasamang amoy ng tabako. Napadaan din siya sa Hardin ng Botaniko at
naikumpara niya ang mga napuntahan niyang hardin sa Europa. Ibayo ang
ganda ng mga ito kaysa sa kanyang natutunghayan ngayon. Anupat ang buong
Maynila ay walang pinag-unlad, bagkus ang mga gusali ay nilulumot lamang ng
panahon. Sa patuloy na pag-iisip ay sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng
kanyang gurong pari: 1) Ang karunungan ay matatamo kapag hinangad ng puso
2) Ang karunungan ay dapat linangin at isalin sa susunod na henerasyon 3)
dapat lamang na magkaroon ng pakinabangan- kung ang mga kastila ay
nanatili dito upang kuhanin ang yaman ng bansa, marapat lamang na ibigay
naman ng bansang dayuhan ang karunungan at edukasyon.”
16. Kahalagahang pangkatauhan
• Alaala ng mga lumipas ay gawin sandigan upang tumibay
ang samahan
- Ang mga alaala ang mga nakaraan ay nagbibigay sa atin ng
lakas ng loob na naharapin natin ang mga pagsubok ng
bukas at mabigay ng dahilan kung natin sinikap na tapusin
ang buong araw na puno ng hamon ng buhay.
• Sikapan paunlarin ang bansang kinamihasnan
- Lahat tayo ay naghahangad ng maunlad at masaganang
bansa, ngunit pano natin ito makakamit kung lahat tayo ay
tatamad tamad at tila wala sapat na kaalaman upang
pamunuan ang isang bansa.