2. Ano nga ba ang Globo..?
- Ang globo ay isang modelo ng ating
mundo.
- Sa globo rin makikita kung saan
matatagpuan ang mga
bansa, kontinente at mga karagatan.
3. Iba’t – ibang bahagi ng Globo
• Ekwador - ito ang humahati sa globo sa dalawang
magkasinlaking bahagi - ang hilaga at timog
hatingglobo. Matatagpuan ang ekwador sa
panuntunang 0°. Ito ang tinuturing na
pinakamahaba sa lahat ng latitud. Ang ekwador ang
bahagi na pinakamalapit sa araw kung kaya't mainit
sa panig na ito ng daigdig.
• Punong Meridyano - matatagpuan ang guhit na
ito sa panuntunang 0°. Tinatawag din itong Greenwich
dahil naglalagos ito sa Greenwich, Inglatera.
4.
5. • Latitud o Latitude - ito ang mga guhit na
paikot sa globo na kahanay ng ekwador. Ang
mga guhit na ito ay kanluran papuntang
silangan. Ginagamit din ito sa pagsukat ng
layo ng isang lugar, pahilaga at patimog mula
sa ekwador.
• Longhitud o Longitude - ito ang mga
patayong guhit na naguugnay sa pulong hilaga
at pulong timog. Kahanay ito ng punong
meridyano at gingamit sa pagsukat ng layo ng
isang lugar pasilangan at pakanluran mula sa
punong meridyano.
6.
7. • Internasyonal na Guhit ng
Petsa - matatagpuan sa 180°
meridyano. Sa bahaging ito
nangyayari ang pagpalit ng
petsa at oras.
• Grid o Parilya-ito ay nabubuo
kapag pinagsama o nagkatagputagpo ang guhit latitud at guhit
longhitud
8.
9. Mga Natatanging Guhit
• Tropiko ng Kanser - ay sa limang pangunahing
panukat ng degri o pangunahing mga bilog
ng latitud na minamarkahan ang mga mapa
ng Daigdig. Ito ang pinakahilagang latitud
kung saan maaaring magpakita ang Araw ng
diretso sa ibabaw sa tanghali.
10. • Tropiko ng Kaprikorn - ay isa sa limang pangunahing
mgabilog ng latitud na nagmamarka sa mga mapa
ng Daigdig. Kasalukuyan (Epoka 2010) itong
nakahimlay sa 23º 26′ 17″ timog ng ekuwador.
Kasalukuyan itong umaanod pahilaga sa tulin ng halos
kalahati ng isang segundo (0.47) ng latitud, na nasa
bandang 15 mga metro, bawat taon (dati itong tumpak
na nasa 23º 27‘ timog noong taong 1917).
Minamarkahan nito ang pinakatimog na latitud kung
saan maaaring tuwirang lumitaw ang araw sa itaas
tuwing tanghali. Nangyayari ang kaganapang ito
tuwing solstisyo ng Disyembre, kapag ang katimugang
hemispero ay nakapatahilig patungo sa araw hanggang
sa pinakamataas nitong maaabot.
11. • Kabilugang Artiko - Ang espesyal na guhit sa
66 1/2 degrees hilaga ng ekwador.
Ito ay pahalang na imahinaryong guhit na
matatagpuan sa 66.27 degree hilagang
latitud.
• Kabilugang Antartiko - Pahalang na
imahinaryong guhit na matatagpuan sa
66 1/2 degree timog latitude.